(Based on a true story)
It took years bago ako makamove-on from Jean's death. Mahal na mahal ko ang girlfriend ko for five years na umiyak ako all throughout the pasiyam, the forty days and the babang luksa.
But now I'm okay. And there's this interesting girl--well, no, hindi siya babae, he's a gay man from work na nakakuha ng atensyon ko. Madalas kaming magchat at napapasaya niya ako. Don't ask kung ano na ako, straight pa ba o bading na, kasi hindi ko naman 'yon iniisip. I think I could never love a woman as much as I loved Jean. The next best thing I could have is to fall for this sensible guy. His name is Brook, by the way.
Well, when I told Brook that I think I'm beginning to fall for him, that's when weird shit started o happen.
Kachat ko lang talaga no'n si Brook, I was smiling foolishly when I got a notification.
Jean Tobias tagged herself in your photo...
Hindi ko alam kung paano mag-re-react. Siyempre, nang mamatay si Jean ay hindi na naging active ang Facebook profile niya. Ako lang at siya ang nakakaalam ng password ng account nito. So how could this happen?
I clicked the notification. Nakita ko ang picture na in-upload ko kahapon. Si Brook ang kumuha ng litrato. Nasa bahay niya ako, nakaupo sa sofa, smiling at the camera. The account tagged "itself" on the space beside me. Na para bang... para bang katabi ko siya.
"What the fuck?"
Tiningnan ko ang listahan ng online friends ko. There was a green dot beside Jean's name. Online siya.
At narinig ko ang pagtunog ng Facebook messenger ko.
Nagmessage si Jean sa 'kin.
Parang may malamig na hangin na umihip sa batok ko, causing my skin to prickle. Suddenly my heart was hammering inside my chest and my senses are heightened. Aware na aware ako sa mga tunog na nasa paligid. Lalo na sa tunog ng tibok ng puso ko.
Mahal na mahal kita, baby ko!
That was the message. Of course, isa lang ang naisip kong I-reply:
Sino ka ha? Bakit mo ginagamit ang account ni Jean?
And the one using Jean's account was typing a response...
Alam mo naman na forever tayo, di ba, baby ko? Di tayo maghihiwalay forever.
This is not funny, reply ko.
Kahit ilang beses taung mag-away, ndi tayo maghihiwalay.
Wala na akong naisagot doon. Sa totoo lang ay nalilito ako sa sinasabi ng kung sino mang gumagamit ng account ni Jean. Kasi sigurado ako na... sinabi na sa 'kin iyon ni Jean sa 'kin dati. Yes. Noong buhay pa si Jean, naichat na niya sa 'kin 'yon. It seemed as if nireretype lang ng hacker ang mga dating mensahe ni Jean sa 'kin.
This is really not funny.
I decided to change Jean's password. Well, I tried. Pero ni hindi ko na mabuksan ang account niya. Nabago na ng hacker ang password.
Nang mag log-in ako muli sa account ko, nag-tag si Brook sa 'kin ng litrato. Nasa isang coffee shop siya, nakangiti habang nakatingin sa camera. May caption: I wish you were here... :(
I smiled. Pansamantalang nakalimutan ang hacker. Magco-comment na sana ako kung hindi ko lang nakita na... nauna nang magcomment ang hacker ng account ni Jean. Isang komento na nasabi na rin niya sa 'kin no'ng buhay pa siya.
You better not cheat on me baby. You better not. ;)
And I felt the cold breeze again and that was when I finally got scared.
BINABASA MO ANG
Wheel of Nightmares
Short StoryThis is a short story collection that wants to exploit and shock you. Read with caution.