Jones' POV
Halos 2 weeks na akong hindi pinapansin ni Marie. I mean, iniiwasan. Wala naman akong ginawa at sinabing masama? Masama bang tanungin kung pwede ko siyang ligawan eh wala naman siyang boyfriend? Eh baka naman talaga wala akong pag- asa sa kanya kasi alam niyo na. Ewan! Hindi ko alam kung maniniwala ako sa narinig kong 'yun.
Kapag magkakasalubong kami sa hallway, lagi siyang nag- iiba ng direksyon o kaya naman nagpapanggap na hindi niya ako nakita. Sign na kaya 'to na ayaw niya talaga sa akin? Gwapo naman ako. Hahaha. Biro lang pero mga pre! Nakakapraning. Minsan na nga lang mag- seryoso, maba- basted pa. Bwiset.
"Huy pre! Lalim nanaman ng iniisip mo! Ano nanamang drama yan?" Tanong ni Gelo na kasalukuyang nagwa- warm up. Practice kasi naming ngayon so excuse kami sa klase. Hehe. Saya saya lang.
"Wala. Drama ka dyan! Mind your own business pwede?" Singhal ko.
"Meron ka ba ngayon? Anong gamit mo? With wings or non- wings?" Sabay akbay sa akin ni Noel.
"Gago. Huwag niyo na alamin. Pwede bang huwag muna kayo makisawsaw. Hindi pa nga kami ni Marie, nakikisawsaw na kayo. Psh." Sabi ko.
"AAAAHHHH! So.. si Marie ang rason kung bakit ka nagkakaganyan?" Sabay na sabi ng dalawa.
FUCK. Ok. Oo na. Siya na.
"The f? Hindi siya. Jusko naman mga pare! Bakit ko naman siya iisipin eh hindi niya nga ako iniisip." Sabi ko na lang.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi daw si Marie. Sus. Palusot ka pang gago ka. Kilalang- kilala kita." Sabi naman ni Lary na kakadating lang kasi hinatid niya yung girlfriend niya sa klase. Oh edi wow. Sila na may syota.
Tangina. Ako ba 'to? Ngayon lang ako nainggit sa mga lalaking may girlfriend. Oo, lagi akong may ka- date. Hindi ko na nga mabilang pero kahit isa wala pa akong sineryoso.
Si Marie lang...
"Oo na! Alam niyo kayong tatlo napaka- pakialamero niyo. Bwiset. Ewan. Hindi na ata ako kakausapin nun. Hahahaha. Okay lang dami pa naming iba dyan." Sabi ko.
Nagtinginan ang tatlong unggoy at yung mga itsura? Isang malaking "WEEEEH?" ang sinasabi ng mga pagmumukha nila. Bwiset.
"Madami nga pero hindi naman sila si Marie. Hahaha!"
"Iiyak na yan!"
"Basted ka na pre. Huwag ka na umasa!"
"Gusto niyong batuhin ko kayo dyan ng spikes? Nyeta kayo. Kala niyo kung sino kayong gwapo porke't may mga jowa na kayo. Hindi kayo pogi." Pang- aasar ko.
Nagtawanan yung tatlo. Nakakainsulto pa eh. Langya.
"Okay lang kahit hindi pogi atleast hindi na- basted. Hahahaha."
"Ewan ko sainyo. Pero seryoso, ano kayang iniisip ng babae na yun at iniiwasan niya lang ako? Pinapaasa niya ba ako?" Tanong ko sa tatlo. Napaisip naman yung tatlo sa sinabi ko.
Siguro nga totoo yung narinig ko sa Girls' Restroom. Hoy ah! Hindi ako pumasok. Narinig ko lang na gusto daw ni Marie si Blake.
Bestfriend ko pa talaga. Ang saya. Promise.
"Siguro, hindi niya pa alam ang sasabihin niya. Baka masyado siyang nasiyahan sa mga pangyayari kaya biglang napipi." Sabi ni Lary.
Sana nga ganyan yung nangyari pero pakiramdam ko hindi.
"Baka na- awkward siya tol. Pabigla- bigla ka kasi. Hinay hinay lang kasi. Tss." Sabi naman ni Noel.
"Nangyari na. Huwag niyo na ako sisihin. Bahala na nga. Ikaw gelo? Ano sa tingin mo ang nangyari? Bakit kaya iniiwasan niya ako?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
How Many Heartbreaks?
Teen FictionLOVE? Siguro ang iba sasabihin na masaya at unexplainable feeling ang mararamdaman mo kapag nagmahal ka. Pero paano naman pala kung hindi naman talaga? Paano kung marami ka munang pagdadaanan na pagsubok para ma- achieve yang sinasabi nilang happy f...