Marie's POV
Shit? Anong iniisip ako at bigla akong umepal sa usapan nung dalawa? Ew? Akon a nagmukhang KSP. Saka to be honest, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Merong force lang na biglang humila sa akin doon sa pwesto nila.
Pakisapak ako. Utang na loob. Bakit ba kasi ganito? Ayaw ko na tuloy mag- lunch kasi baka makita ko nanaman sila. I mean si Jones. Nakakahiya. Nagmukha akong KSP. AGGGGHHHHHH.
"Miss Pontejos! Are you paying attention to what I'm saying?" WHAT. THE. HELL.
"Uh... Yes, Ma'am!" Sabi ko. Patay. Kanina pa kaya ako tinatawag ni Ma'am? Napaka- absent minded ko. Nagsisisi ako sa ginawa ko. Ano ba yan. I quit life. Bwiset.
"Huy! Huy! Marie!" Bulong ng katabi ko sa akin. Ano ba problema nito?
"Ano?!" Pasigaw kong tanong kaya nagtinginan ang buong klase sa akin. Oops. Sorry na.
"Miss Pontejos! Kanina pa kita tinatanong kung ano yung pinagsasasabi ko dito sa unahan pero ang layo ng iniisip mo. May problema ka ba?" Tanong ni Ma'am. Mukha naman siyang concern. Yung totoo? Galit ba 'to or what?
"Wala po. Sorry po." Sabi ko. Napayuko na lang ako. Langyang araw 'to. Umupo na lang ako at nakita ko si Drea na nakatingin sa akin na may nakakalokong mukha. Ugh. Inirapan ko na lang siya dahil alam ko naman ang iniisip niya.
Nagpatuloy ang klase at ni isang word wala akong natatandaan. Parang masyadong blurred ang paligid tapos yung bibig ni Ma'am parang nagso- slow motion. Yung oras feeling ko hindi umaandar. Parang may isang sakong bigas ang nakapatong sa mga mata ko.
***
"Huy! Huy Marie!" Ugh. Sino ba 'tong yugyog ng yugyog sa balikat ko?
"Mars!"
"Ugh. Isturbo! Bakit ba?" Singhal ko sa kung sino man 'tong kanina pa ako inuuga.
"Wow beh. Musta tulog natin dyan? Kumusta sa Dream Land? Nakita mo ba si Dream Boy mo?"
"Wait. What?! Nakatulog ako? OH MY GEE. Ano sabi ni Ma'am?"
"Yes. Sabi ni Ma'am, magsulat ka na lang daw sa isang buong yellow paper back to back ng "I will never sleep in class again" tapos submit mo daw bago mag- uwian mamaya."
"Tangama. Di nga drea?! Hindi magandang biro yan." Hindi nga ako nagsusulat sa klase tapos uutusan niya ako ng ganon? Ugh.
"Promise. I am not kidding. Saka alam na alam kasi ni Ma'am na hindi mo hobby ang magsulat kaya yeah. Haha. Yan kasi! Ano nanaman kasi yang tumatakbo sa isip mo?"
Bwiset na Ma'am. Alam na alam talaga weakness ko. Annoying shithead. Matalino naman ako ah. Nag- eexcel naman ako sa klase niya. Whatever.
"Wala." Sabi ko na lang.
"Kfine. Iniisip mo yung nangyari kaninang recess sa canteen? Hahaha. Kahit ako naibahan sa'yo. Seryoso, mars."
Omg. Kahit si drea naibahan sa akin. Grabe. Nakakahiya na talaga. Sana lamunin na ako ng lupa. Utang na loob. Bwiset na life.
"Honestly, yes. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa yun. May biglang pwersa ang humila sa akin eh." Nahihiya kong pag- amin sa kanya. Tiningnan ko si drea. Ang itsura mukhang asong ulol na natatawa.
"Oh my god. Hindi kaya......" Sabi ni Drea.
"Ano?!"
"Hindi kaya nagseselos ka?!"
"Nagseselos? Ako? Okay ka lang?! HAHAHAHAHA" Anong ka- weirduhan ang sinasabi nitong babae na ito.
"Ang saya mo beh. Grabe." Sabi ni Drea na mukhang inis na inis sa kakatawa ko. Okay what? Masama bang matawa sa joke niya?
BINABASA MO ANG
How Many Heartbreaks?
JugendliteraturLOVE? Siguro ang iba sasabihin na masaya at unexplainable feeling ang mararamdaman mo kapag nagmahal ka. Pero paano naman pala kung hindi naman talaga? Paano kung marami ka munang pagdadaanan na pagsubok para ma- achieve yang sinasabi nilang happy f...