Blake's POV
''Gusto mo siya ano?'' HA?! Ano bang nakain nitong si Jones at bigla bigla na lang susulpot sa harapan ko at magtatanong ng ganyan?
''Ano? Anong pinagsasasabi mo?'' Sabi ko naman sa kanya.
''Sus. Pare alam mo, umamin ka na kasi sa akin. Para saan pa't kaibigan mo ako?'' Nag- drama ang gago. Ano bang trip neto? Huwag niyong sabihing may alam 'to?
''Ulol. Wala nga akong gusto. Ano bang pinagsasasabi mo? Kumain ka na nga lang dyan. Tss.'' Cool kong sabi.
''Sus. Edi wala kung wala. Ako kasi may gusto ako. Hahahaha. Secret lang natin 'to.'' Parang tanga naman ngayon. Tawa ng tawa. Maluwang na ata turnilyo nito sa utak eh.
''Alam ko na yan. Si Marie gusto mo diba?'' Sabi ko sabay inom ng energy drink ko.
''Hindi. Yung kaibigan niya ang gusto ko.''
''HA?! SINO?! SI DREA?'' Halos maibuga ko yung iniinom ko eh. Hindi pwede. Hanep. Baka unahan ako neto.
''Oo. Si Drea. Ligawan ko kaya? Break na din naman sila ni Zico diba? Tulungan mo naman ako pre.''
Tae naman. Hindi pwede! Ako nauna eh. Eh kung sabihin ko na lang kaya na gusto ko si Drea? Tsk. Bwiset talaga. Nakakainis. Bakit siya pa? Ayaw kong makipag- kompitensya kay Jones lalo na't kaibigan ko siya.
''Ano kasi tol... Hindi kita matutulungan dyan eh. Mukha kasing hindi pa nakaka- move on si Drea..'' Sabi ko naman. Utang na loob. Huwag na si Drea pare.
''Ganon ba? Sige.. Edi ako na lang didiskarte. Ay hindi! Papatulong na lang ako kay Marie..'' Sabi niya habang umiinom ng energy drink niya. Layo ng tingin. Seryoso talaga siguro ang isang 'to. Nako patay tayo dyan.
''Ay nako tol! Dami pa namang ibang babae dyan. Saka pakiramdam ko hindi ka type ni Drea..'' Sabi ko. Lakas ng tama ko eh. Hahaha.
''Weh? Di nga? Bakit naman? Eh parang mas gwapo pa nga ako kay Zico eh. Pero wala akong paki. Liligawan ko si Drea. Final na yan tol.'' Sabi ng gago habang tumatawa- tawa.
''Kung ako sa'yo.. Sa iba ka na lang pare. Dami pa kayang ibang maganda dyan. Tss.'' Sabi ko habang sinisipa sipa yung bola.
''Bakit ba parang ayaw mong ligawan ko siya? Type mo si Drea ano? Umamin ka.'' Sabay lapit ni Jones ng mukha niya sa akin. Bwiset.
''Hindi no! Asa. Girls are too mainstream.'' Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Tss. Napaghahalataan ako eh.
''Anak ng tipaklong naman tol! Masasapak na kita eh. Ganyan ka ba ka- torpe na kahit maunahan ka ng iba hindi ka pa rin aamin na gusto mo ang isang babae?'' ANO DAW?!
''Ewan ko sa'yo Jones. Eto piso. Hanap ka kausap mo.'' Sabi ko. Tae naman. Alam niya na talaga siguro.
''Ewan ko sa'yo. Alam ko na gusto mo si Drea. Tss. Ayaw pa kasing aminin eh.'' Sabay kamot ng ulo niya.
''Lintek. Sige ipagsigawan mo pa. Tss. Sikreto muna natin yan. Saka langya naman tol, walang talo talo. Huwag mo siyang popormahan. Ako nauna eh.'' Sabi ko sa kanya ng seryoso.
''Kalma lang. Nagbibiro lang ako kanina. Tinitingnan ko lang reaksyon mo. Pero langya, batong bato ang mukha mo eh. Di man lang natabig ng sinabi ko. Tss. Torpe.''
''Gago. Hindi ako torpe. Naghahanap lang ako ng timing. Tss. Tulungan mo na lang ako para maayos na rin ito sa lalong madaling panahon.'' Sabi ko sabay akbay sa kanya.
''Ayeeeeeee. Naks tol. Nagbibinata ka na. Kinikilig ka? Yeeeeeeee. Ako bahala sa'yo basta....'' Hilig sa pa- suspense eh!
''Ano? Bilis. Bagal.'' Sabi ko.
BINABASA MO ANG
How Many Heartbreaks?
Teen FictionLOVE? Siguro ang iba sasabihin na masaya at unexplainable feeling ang mararamdaman mo kapag nagmahal ka. Pero paano naman pala kung hindi naman talaga? Paano kung marami ka munang pagdadaanan na pagsubok para ma- achieve yang sinasabi nilang happy f...