Kabanata 5

378 24 3
                                    

Blake's POV

''Coach! Una na ako. Salamat!'' Sabi ko kay Coach. Kakatapos pa lang ng one on one meeting namin.

''Okay! Inaasahan kong gagabayan mo ang team sa darating na tournament. Don't disappoint me.''

Hayst. Ano ba naman yan. Hirap maging captain eh. Lahat ng atensyon, binibigay sa'yo sa field kapag naglalaro. So dapat, magaling ka talaga. Saka dapat magpapaka- leader ka. Hirap.

Bukas ko na lang sasabihin sa mga lalaking 'yun ang pinagusapan namin ni Coach. Babalik muna ako sa classroom at kukunin ko yung bag ko. Hassle pa. Bakit ko pa kasi iniwan yun dun. Hay ewan. Aakyat pa ako ng 3rd floor. What the fvck. Sakit pa naman ng paa ko kasi pinatakbo ako ng 10 laps kanina. Zz. Ang laki pa naman ng field. Letse.

xxx

Wow. Ang linis ng classroom. Nice one cleaners. Ay shet. Nakalimutan ko maglinis ngayon. Isa pala ako sa naka- assign. Tss. Siguro okay lang naman sa mga ka- grupo ko na mag- escape sa paglilinis. Haha. Alam kong hindi nila matatanggihan ang charisma ko. Hahaha. Hindi. Hindi. Ang sama nun. Parang ginagamit ko na ang popularity ko dito. Pwe. Erase.

Naisipan kong maglakad na lang pauwi para mas ma- exercise pa ang stamina ko. Kahit masakit ang paa ako, oks lang. Parte na yan ng pagiging varsity.

Hmm. Dalawang daan. Saan ako liliko? Kaliwa o kanan? Aha. Sa kanan na lang para long cut. Sabi ko nga kanina, ini- ensayo ko ang stamina ko. Hassle tumakbo kapag naka- uniform at kapag nakapang school shoes. Tss.

Every after 5 minutes.. nag- ssprint ako para mas ma- test ko pa kung nag- iimprove ba stamina at takbo ko. Sa tingin ko, okay naman siya.

Kung sana kasi bilis ng pagtakbo ang paggawa ko ng move para kahit naman papaano maging ''magkaibigan'' naman kami ni Drea. Kung sana kasi tibay lang ng stamina ko ang loob ko para naman maharap ko na ang mga kinatatakutan ko. Para kahit papano, para kahit minsan.. maramdaman ko naman sumaya dahil sinunod ko ang sarili kong kagustuhan. Kung sana kasing tibay ng pagpapanggap ko ang tunay na ako. Damn it.

Sa huli kong sprint.. napabalik ako bigla. Para kasing may nahagip yung mga mata ko doon sa gilid ng park. Sa swing, nakita ko ang isang babaeng pamilyar na pamilyar sa akin. Kahit nakatalikod siya, alam na alam kong siya yun. Bakit? Eh kasi, yung puso ko. Feeling ko may mga kabayo tumatakbo sa loob eh.

Chance mo na yan pre. Lapitan mo na.

Lalapitan ko ba? Susundin ko ba ang sinasabi ng isip ko? Nag- aalangan pa rin ako. Gabing gabi na ah. Bakit nandito pa si Drea? Huwag niyong sasabihing umiiyak nanaman ang isang 'to.

''Ah.. Blake. Ikaw pala.'' Shit. Hindi ko namalayan nandito na pala ako sa tabi niya. Punyeta. Ano bang iniisip ko?

Relax lang. Act cool.

Okay. Sige. Hinga ng malalim Blake. Gusto mong i- comfort siya kapag nalulungkot siya diba? Ano pang hinihintay mo tol, eto na. Grab the fcvkng chance.

''Ah.. Eh. Nakita kita eh. May problema ba?'' Tanong ko kay Drea. Umupo ako sa kabilang swing. Tiningnan ko siya. Malungkot nanaman siya.

Ano nanaman kayang ginawa nung lokong Zico na yun?

''Ah. Wala naman. Ayaw ko pa kasi umuwi eh. Hehe.'' Hay. Drea. Kilalang kilala na kita. Bakit ba ang hilig mong umasta na okay ka lang kahit halatang halata naman na hindi? Tsk.

''Kung may problema ka.. Sabihin mo lang. Makikinig ako.'' Sa wakas nasabi ko rin ang matagal ko nang gustong sabihin kapag nakikita ko siyang umiiyak.

''Wala talaga. Promise. Okay lang ako. :)'' Ngumiti siya sa akin. Shete. Pwede na akong mamatay ng masaya. Haha. Pero ayaw ko, kasi alam kong malungkot pa siya.

How Many Heartbreaks?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon