Kabanata 15

350 18 2
                                    

Marie's POV

Naikwento na sa akin ni Drea yung nangyari. Walanghiyang Zico talaga. Subukan niya lang magpakita sa akin at masasampal ko talaga siya. Dyahe, dadating at dadating din yung araw na aapak siya dito sa apat na sulok ng classroom at kapag nangyari yun, humanda talaga siya sa akin. Wala akong pakialam kung mapatawag ako sa prefect of discipline. Gago siya. Ginago niya best friend ko.

Nakaka- stress!! Ano ba yan. Ang beauty ko naha- haggard. Ugh. Damn boys. Uunti na lang mga matinong lalaki dito sa mundo.

''Wala na sila ni Zico..''

The f. Nag- eecho nanaman sa isipan ko yang sinabi ko kay Blake. Parang labag sa kalooban ko na sabihin sa kanya yang mga katagang yan noong mga oras na 'yon. Bakit? Eh alam niyo na.

Sigurado ako nung narining niya yun, isa lang ang pumasok sa isipan niya at yun ay ang hanapin si Zico. Again and again. What's new?

Bwiset kasi eh. Feeling ko may guilt part akong nararamdaman sa loob ko. Alam niyo yung feeling na sana hindi na lang sila nag- break ni Drea para naman kahit papaano.. Kahit kaunti, may atensyon pa rin akong makukuha kay Blake. Pero ngayong wala na talaga sila, yung natitirang 0.1% na atensyon sa akin ni Blake ay napunta na kay Drea. At wala nang natira sa akin.

Don't get me wrong. Hindi ko ginugusto ang masaktan silang pareho. Wala akong intensyon na paglayuin si Blake at si Drea because I want them both to be happy. Ang sa akin lang, kahit patago.. Hayaan niyo naman akong maging selfish ng kahit katiting lang.

Pero kahit hayaan pa ako ng tadhana na maging selfish, wala rin namang magbabago. Ako pa rin naman ang hihingian ni Blake ng tulong. Lagi naman eh.

''Marie...'' Guess who? Yea right.

''Oh? Ano kailangan natin?'' Masayang bati ko kay Blake.

''Break na talaga sila. Official na... Nakausap ko si Zico kahapon nung uwian eh..'' Sabi niya. Alam niyo itsura niya ngayon? Unti- unting may namumuong happy face sa pagmumukha niya. #AlamNaThis.

''Anong gusto mong mangyari ngayon?'' Tanong ko sa kanya. Obviously Marie!! Alam mo na yan.

''Ano...um bwiset. Nahihiya ako.'' Sabi niya. Tf. Kailan pa nagkaroon ng hiya ang isang 'to?

''Ah. Gets ko na. Ilakad kita? Osige. No problem. Marie at your service!'' Sabi ko habang nakangiti. Weh? Acting pa more.

''Talaga? Oo talaga? Yes!!!!'' Sigaw niya sabay yakap sa akin. Buti wala pang tao dito sa room. Medyo napa- aga ako eh.

Marie, sulitin mo na yung feeling kapag niyayakap ka niya kasi baka hindi na maulit. Sabi ko sa sarili ko. Alam niyo yung feeling ma gusto kong ibalik yung yakap niya pero hindi ko ginawa kaya tinulak ko na lang siya? Hay.

''Halos patayin mo na ako sa higpit ng yakap mo. Kalma lang. Makakarating tayo sa finish line..'' Sabi ko habang inaayos buhok ko.

''Eh masyado akong na- excite eh! Ano kayang magandang gawin? Hindi niya pa pala alam na siya gusto ko. Psh.'' Sabi ni Blake sabay kamot sa batok niya.

Torpe mo kasi. Tss. Eh ako nga din eh. Hindi niya pa alam na siya yung gusto ko. Pero

''Edi sabihin mo pero not now. Eh magmumukha ka niyang rebound? Okay lang ba sa'yo?'' Halatang concern ang boses ko.

Sabagay, kung ako kaya.. Mas pipiliin ko bang maging kaibigan o maging rebound? Hindi ko masasabi. Pero paano kapag ang pagiging rebound na lang ang tanging choice para maramdaman yung pagmamahal niya.. magta- take ba ako ng risk at hahayaan kong masaktan ang sarili ko? I don't know.

How Many Heartbreaks?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon