Blake's POV
Sticky Notes (/)
Next? Hindi ko alam kay Marie.
''Mission accomplished na yung mga sticky notes kaya red or white roses naman everyday.'' Gabi na pero nagpa- plano pa rin kami ng next na pakulo namin.
''Ang mahal naman nyan. 15 php ang isang rose fyi.'' Sabi ko.
Siya nga pala nagsinungaling lang kami kay Drea kanina na may gagawin pa kami. Ang totoo nyan, nag- foformulate kami ng plano.
''Ayaw mo? Edi huwag na. Itigil na natin 'to. Ikaw na bahalang dumiskarte.''
''Oy huwag. Oo. Okay lang yung rose. Unique yun. Haha. Sige. Ang ganda ng idea mo. Promise.'' Deep inside namo- mroblema ako kung saan ako kukuha ng pera. High school lang ako. 120 lang baon ko araw- araw.
''Okay. Ano pang pag- uusapan natin?'' Halatang pagod na pagod na si Marie ngayong araw. Mabuti pa umuwi na kami.
''Wala na ata. Tara? Uwi na tayo?'' Alok ko sa kanya. Shit. Patay may laro pala kami bukas ng umaga. Kailangan ko pumunta ng 4am sa school kasi 4:30 may practice pa kami. Hindi ako makakabili ng rose. Hala.
Si Marie na lang kaya? Favor lang? Nakakahiya na pero ugh.. Try ko.
''Um.. Marie.. Favor.''
''Ano?'' Sabi niya. Bigla akong nailang. Parang yung itsura niya gusto niya na talaga mag- pahinga. Haha.
''Huwag na tuloy. Sige. Uwi na tayo.'' Sabi ko kasi nahihiya na ako. Lagi na lang akong nagpapatulong sa kanya sa lahat ng bagay tapos hindi ko man lang siya binabayaran ng kung ano. Haha. Kapal ng mukha. Sabagay, okay lang naman kasi magkaibigan kami.
''Ano nga? Nakakainis yang mga ganyan na may sasabihin tapos biglang babawiin.'' Tingnan mo 'to. Halos lumabas na yung eyeballs kakataray.
''Eyeballs mo po baka mahulog. Kalma. Ano kasi may practice kami bukas ng super maaga so....''
''So... Hindi ka makakabili ng rose? Ako na lang bibili. Gigising na lang ako ng maaga.'' Sabi niya.
''Talaga? Talaga? The best ka talaga!! Oh pano ba yan? Bukas ha? Huwag mong kalimutan. Sige. Ingat!'' Tumango na lang siya sabay sakay sa kotse nila na kanina pa naghihintay sa kanya.
Magiging masaya ang araw ko bukas for sure. Di bale nang gumastos ng kinse araw- araw para sa rose kasi para kay Drea naman yun.
xxx
Time Check : 4:30am
Hindi pa kami kumpleto. Ang babagal kumilos. Sabi nang 4am dapat nandito na eh. Lagot sila kay coach. Ay hindi, ako pala ang lagot kay coach. Bwiset.
Si Zico wala pa. Pa- importante talaga. Tss. Naturingan pa namang assistant team captain. Kapag ako nainis, si Jones ang ipapalit ko sa kanya. Bwiset.
''Tol! Umagang umaga yung kilay mo halos magdikitan na. Smile na muna. Mr. Menopause ka talaga. Tss.'' Sabi ni Jones. Isa rin 'tong parang may megaphone sa ngalangala. Bagay talaga sila ni Marie. -__-
''Tumigil ka. Daig mo pa may megaphone sa ngalangala. Text mo na nga yung iba. Sabihin mo dapat 5 mins. nandito na sila kasi kung wala pa, patay sila sa akin.'' Sabi ko kay Jones. Bossy ba? Hindi. Seryoso lang talaga ako pagdating sa laro na 'to. Parte na 'to ng buhay ko eh.
''Uso kumalma. High blood eh. Pang ilang araw mo? First? Sec---- Aray naman kap! Nagbibiro lang. Oo na. Eto na. Sending message na oh!'' Nabatukan ko nga. Ang ingay eh. At talaga dinuhol pa sa pagmumukha ko cellphone niyang iPhone 6.
BINABASA MO ANG
How Many Heartbreaks?
Teen FictionLOVE? Siguro ang iba sasabihin na masaya at unexplainable feeling ang mararamdaman mo kapag nagmahal ka. Pero paano naman pala kung hindi naman talaga? Paano kung marami ka munang pagdadaanan na pagsubok para ma- achieve yang sinasabi nilang happy f...