Drea's POV
Tatlong linggo na ang nakalilipas buhat nung araw na nag- break kami. 3 years rin kami kaya mahirap mag- move on. Mahirap talaga. Lalong lalo na't araw- araw ko siya nakikita sa classroom. Eh paano ba naman, magkaklase kami. Diba awkward? Tapos yung mga teachers namin magtatanong kung kumusta na daw kami.
Sa tatlong linggo na yan, araw- araw kong nakikita si Zico kasama yung babaeng nakita ni Marie na kahalikan niya sa may elementary building. Siguro kung sinabi yun ni Marie sa akin before our 3rd anniversary, hindi ako maniniwala sa kanya.
Wow. Ganon ko pala siya kamahal. Buong tiwala ko binigay ko sa kanya na kahit yung best friend ko na ang magsasabi, hindi ko pa rin paniniwalaan. Siguro kung sinabi yun ni Marie sa akin ng maaga, malamang alam ko walang mangyayari. Kasi alam kong paiiralin ko nanaman ang pagka- blinded ko sa kanya.
Araw- araw kong tinatanong ang sarili ko kung saang banda ba ako nagkulang at nakuha niya akong ipagpalit sa ibang babae dyan. Kapag nakikita ko silang magkasama, masaya naman sila. Nakakalungkot lang kasi yung mga ngiti ni Zico, hinding hindi niya 'yon naipakita sa akin.
Hindi nga ba? O masyado lang akong naka- focus noon sa pagiging perfect girlfriend para sa kanya kaya yung inaakala kong mga perfect moves ko ay punong- puno pala ng pagkukulang. How ironic.
Hanggang ngayon, nagsisisi pa rin ako kasi hindi ko nagawang ibigay sa kanya yung mga gusto niya. Nakakalungkot lang. Bakit kasi kailangan pa ng sad ending? Bakit ganon na lang 'yun? Naaalala ko pa nung sinabihan ko siya sa room na huwag muna siyang mag- krus sa landas ko kasi mahihirapan akong umabante kapag humarang siya. Mahihirapan akong bitawan siya.
Kapag sinabi niya sa akin ulit na mahal niya pa ako.. Sa tingin ko, bibigay pa rin ako kahit na ilang beses niya pa akong saktan. I want him back. I need him and to be honest. I still love him.
Masaya ako kasi habang nag- momove on ako, nandyan palagi si Blake at si Marie sa tabi ko. Palagi nila akong pinapasaya. Hindi nila nakakalimutan tanungin ako araw- araw kung okay lang ako. Minsan nga gusto ko na silang bilhan ng tape recorder para huwag na sila magpaulit- ulit.
Naiinis ako sa sarili ko. Bakit? Kasi pati yung oras ng iba ay sinasayang dahil lang sa malungkot ako. Naiinis ako sa sarili ko kasi feeling ko napaka- attention seeker ko na simula nung nag- break kami ni... Z.. zico. Ugh. Bakit nahihirapan pa rin akong bigkasin pangalan niya? Tss.
Whatever. Pero kapag may isang tao na nagtangkang mahalin ulit ako? I will definetely give him a chance. Why? Because I don't want to dwell in the past anymore. Kung siya nga totally move on na, bakit ko pa ipapakita sa kanya na hindi pa ako nakaka- move on? Baka lumaki pa ulo nun. Tss.
Minsan naisip ko, ang sarap lumabas sa sarili kong katawan. Sana kaluluwa ako for one day para masampal ko yung pagkatao ko. Nakakainis kasi masyado akong nabulag sa kanya. Masyado kong ibinigay sa kanya lahat na halos wala nang natira sa akin pero bakit para sa kanya, kulang pa rin? :(
Ayoko na. Promise, kakalimutan ko na siya. Head up. Stay strong. Fake a smile. Move on!! I- pupush ko yang quote na nabasa ko sa twitter. Hahahaha. Kapag hindi ko natupad, ewan ko na lang. Pakisampal na lang ako.
''Hi Andrea! Take Care. Sana huwag ka nang malungkot.''
Ayan nanaman yung mga sticky notes sa desk ko. For two weeks, laging may mga notes sa desk ko. Creepy na. Pero hindi, napapasaya naman ako nito kahit papano. Pero promise, hindi ko alam kung sino ang naglalagay ng mga yan.
Tinatanong ko sila Blake saka si Marie kaso hindi naman daw nila alam kasi late naman daw sila dumadating. Pero wow naman, effort naman masyado. Nakaka- touch. :( :( :)
BINABASA MO ANG
How Many Heartbreaks?
Teen FictionLOVE? Siguro ang iba sasabihin na masaya at unexplainable feeling ang mararamdaman mo kapag nagmahal ka. Pero paano naman pala kung hindi naman talaga? Paano kung marami ka munang pagdadaanan na pagsubok para ma- achieve yang sinasabi nilang happy f...