Blake's POV
This is it Pansit. Foundation day ngayon! Nasabi ko na ba? Ah basta. Yun yung mga booths. Sa klase nga namin mga sweets daw. Letse ang boring. Pero namili ako kahapon ng mga candies kasama si Drea! Yun oh! Haha.
''Guys! Sa may left ng gym naka- posisyon booth natin punta na lang kayo dun at dalhin niyo ang mga nabili ninyo. 'kay?'' Sigaw nung presidente namin.
Ang saya lang kahapon. Hindi naman sa assuming ako mga pare pero feeling ko magaan na loob sa akin ni Drea. Ewan ko ba pero parang open na siya sa nararamdaman niya. Sayang hindi sumama si Marie kahapon. Tss.
''Blake! Sama ka na sa amin ni Marie pupunta na kami sa gym.'' Alok sa akin ni Drea. Langya. Yung heartbeat ko. Psh. Kabaklaan.
''Ahhh.. Sige, sunod na lang ako. Hahaha!'' Sabi ko. May aasikasuhin pa kasi ako eh.
''Osige. See you!'' Sabi ni Drea sabay ngiti sa akin at lumabas na ng classroom. Heaven ampucha.
Dadaan muna ako sa headquarters mga tol.
xxx
Bakit ang panget ng booth namin? Hahaha. Biro lang pero seryoso, ang panget. Okay lang maganda naman tindera. Ehem.
''Pres!'' Tawag ko sa presidente namin na masyadong busy mag- ayos ng booth namin na mukhang ewan.
''Oh? Bakit?''
''Saan ako naka- assign? Wala ako nung nag- usap kayo about sa mga committee eh.'' Sabi ko sabay kamot sa batok.
''Ay oo nga! Teka..'' sabay tingin niya sa tickler niya. ''Ahh.. Gusto mo ba magtinda na lang? Maglibot?'' Tanong niya sa akin.
''Maglibot? Psh. Nakakatamad. Pwede ba dito na lang ako sa booth?'' Sabi ko. Hindi naman talaga ako tinatamad. Sadyang nandito lang si Drea sa booth! Haha. Landi pa gago.
''Osige. Malamang maraming bibili dito sa atin kasi nandito kayo ni Zico. Hay nako! Mga fangirls niyo. Letse.'' Sabay irap ng presidente namin. Aba! Choosy pa. Madami na ngang benta, aayaw pa! Tss.
''Ako pa! Sus. Syempre may porsyento ako dyan sa benta!'' Biro ko.
''Ano ka? Sini- swerte? Fund raising 'to!''
''Kalma lang. Nagbibiro lang. Sige na! Ako na bahala. Balik ka na po sa trabaho mo madam.'' Bakit init ng ulo ng mga tao? Nagbibiro lang eh.
''Good Morning everyone! Today is our foundation day. Hindi ko na pahahabain pa ang speech ko.. Please enjoy!'' Yan ang gusto ko sa principal namin eh. Masyadong cool. Alam na alam ang nararamdaman ng mga estudyante. Haha.
Maraming mga booths ngayon. Merong horror house. May marriage booth. May bilihan ng laruan. May mga stall ng pagkain. Mga damit. May sponsor kasi kada booth. Hindi ko alam kung meron yung sa amin.
Maka- pwesto na nga sa tapat ng booth namin para maintinda na ang lahat na 'to. Bakit ba ang daming sweets? Nandito naman ako? Ako na lang itinda. Sigurado, sold out! Haha. Biro lang ho!
''Hi. Bili na kayo!'' Sabi ko doon sa mga freshmen na naglalakad- lakad. Agad agad naman silang lumapit sa booth namin. Hindi makatanggi eh. Mga bata pa kasi.
''Salamat!'' Sabi ko nung paalis na sila.
''Ahh... Kuya Blake, pwede daw po magpa- picture?'' Sabi nung isa. Ang cute ng mga batang 'to.
''Hala.. Huwag na nakakahiya.'' Bulong nung isa.
''Hindi. Okay lang ano ba kayo. Schoolmates tayo diba? Haha. Tara na.'' Lumapit sila sa akin at nag- groupie kami. Haha. Letseng groupie. What a term.
BINABASA MO ANG
How Many Heartbreaks?
Teen FictionLOVE? Siguro ang iba sasabihin na masaya at unexplainable feeling ang mararamdaman mo kapag nagmahal ka. Pero paano naman pala kung hindi naman talaga? Paano kung marami ka munang pagdadaanan na pagsubok para ma- achieve yang sinasabi nilang happy f...