Prologue

97 12 2
                                    

Prologue

MALAKAS ang ihip ng hangin, rinig na rinig ko ang mga huni ng ibon. Nagsasayaw ang mga puno at halaman.

Napahinga ako ng malalim.

Kay ganda ng araw ngayon. Ang sarap magpahinga.


Prente akong umupo saaking upuan at inilagay ang dalawang kamay ko saaking ulo. Muli, pinakiramdaman ko ang aking paligid.


*DING DONG~


Agad akong napakunot ng noo dahil sa naririnig ko.

May nagd-doorbell ba?

*DING DONG~


Ha?
Si Aling Grace ba 'yon? Baka mamimigay na naman ng pagkain?

*DING DONG~

*DING DONG~

*DING DONG~


"TEKA LANG!" sigaw ko dito.

Ano ba naman 'to! Makapagdoor bell 'eh!
Unli?! Hays! Masarap na ang pahinga ko dito sa garden 'eh!


Agad akong napatayo saaking pagkakaupo at dali dali akong pumunta sa front door ng bahay ko. Inis kong binuksan ang pintuan ko at agad naman akong napatigil sa aking nakita.


"KUYA!" bungad na sigaw saakin ng kapatid ko at agad akong yinakap. Bagot ko namang tiningnan ang walanghiya niyang asawa habang yakap yakap ako. Ilang na ngumingiti pa ang mokong saakin.


Nakita ko namang dala dala nila ang pamangkin ko at mga iilang bagahe nila.

Takte. Wag nilang sabihing dito sila titira?

"OMG!KUYA! I MISS YOU!" sigaw niya saakin at muli akong niyakap. Tangina, parang masisira talaga eardrums ko dahil sa babaeng 'to.


"Wow! Hindi pa rin nagbabago ang bahay, Kuya!" mabilis siyang pumasok sa bahay ko ng walang pahintulot.

"Teka! Nasaan asawa mo tsaka mga anak mo? Tagal na nating 'di nagkita, Kuya! Mga ilang years ba? 8? 9? 10? Ay 7 years lang pala!"

"3 years lang tayo 'di nagkita! at WALA AKONG ASAWA TSAKA ANAK PWEDE BA!" sigaw ko dito.

"Ay! HAHAHAHA!"

Baliw ang babaeng 'to.


"Paggamit ng kusina, Kuya! Usap na lang kayo diyan ni Honeymooncake!"

Honeymooncake ampota.

"HOY SHINE! WAG MONG SUNUGIN BAHAY KO!" sigaw ko dito, dahil bigla siyang tumakbo papunta sa kusina ko.

"How are you na, Kuya?" tanong nung walanghiya niyang asawa, si Gabriel.

"Tangina mo, 'wag mo 'kong makuya-kuya. Magkaedaran lang tayo!" sigaw ko sakanya.

"Ano ka ba naman, brad! May kid 'oh! Nagc-curse ka pa! Always talagang mainit head mo. Tutol ka pa 'rin ba saamin ng sister mo?"

"Oo kasi ampanget mo, 'di ko nga alam ba't naging kayo ng kapatid ko." bagot na sagot ko dito.

"Ang harsh mo namang magsay! Parang we are not friends noon ah!"

"Pwe! Wag mo nga akong conyohin at walang kaibigan kaibigan ngayon!"

"Hay naku! Oo na! Ito pala ang pamangkin mo. Si Shyrine," pakita niya saakin sa pamangkin ko at nakita ko naman ngumiti ang pamangkin ko saakin.

Hayop. Kamukha nung pamangkin ko 'yang mokong na 'yan! Wala man lang tinira sa kapatid ko!

The Witch And The One-Eyed Wolf Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon