06

43 9 0
                                    

Chapter 6



"Wow! Yes! Papunta na tayo sa exciting part!!" nagiggle pa ang batang demonyita.



Hay naku, parang inaantok ako ngayon ah.




"Bilisan na lang natin 'to at parang kulang ang tulog ko." saad ko sakanya.



"Teka uncle, can I ask something?"




"Hmm"



"Naligo ka ba?"



Agad ko naman siyang tinignan na pawang hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Like?



Apakabastos ng batang ito!



"Last mo na tanong 'yan ah." babala ko sakanya.




Shit. Nawala tuloy antok ko.
Strategy niya yata 'to para di ako antukin eh.




"Weh? So di ka panaliligo? Eww"



Tangina naman 'to.



"Ba't naman kasi ako maliligo kung nandito lang naman ako sa bahay? Hindi naman kasi ako katulad mo na batang hamog!" sabat ko sakanya.




"Hay naku. Kawawi naman 'yong mga followers mo. What if sabihin ko sakanila na 'di ka naliligo?" banta niya.





"Ha! I bet! Paano mo naman sasabihin sakanila aber?"




Nakita ko namang ngumisi siya at may kinukuha siya sakanyang bulsa. Isa iyong cellphone.




Nang makita ko ang cellphone ay alam ko na agad kung ano ang binabalak niya.
Hayop!! 9 years old pala ito at sigurado akong gumagamit na ito ng social medias!!




"Ay just kidding!! Maliligo ako mamaya. Tapusin lang muna natin ito." sabat ko sakanya.



Letcheng bata ito. Kung di to bata ang sarap nitong garamusin.





~•~







NAGLALAKAD ngayon sina Gabriel at Shine. Papunta sila ngayon sa lugar ng Qesra. Sila ay naglalakad ngayon. Dapat ay makarating sila doon bago magdilim.





"Ba't anrami mo namang pinabibit saakin?" tanong ni Gabriel. May dalawang bag ang likod niya ngayon at talagang mabigat ito.






Ang laman ng isang bag ay mga pagkain at tubig at ang kabila naman ay mga espesyal na gamot at espesyal na kutsilyo para sa halamang Yawre.






"Dahil mas malaki ka saakin. Katumbas mo ang tatlong Gorilla kaya tumahimik ka diyan." sungit na saad ni Shine dito.





Medyo malapit lamang ang lugar ng Qesra sa bahay ni Shine at wala silang mga taong mamamataan sa paglalakad dahil restricted talaga ang lugar ng Qesra.




Ang Qesra ay isang bayan ng puno ng mga halimaw. Doon ay may mga walang pake at mapanganib na monsters.



Kung aatakihin mo sila ay lalabanan ka nila ngunit meron ring bigla bigla ka ring aatakihin.



Sa kanilang paglalakad ay may namataang agad silang halimaw. Ngunit hindi ito nakaabang sakanila. Nakaabang ito Isa pang maliit na halimaw.



Kulay asul ito at mukhang daga. Matutulis rin ang mga daliri nito. Ramdam ni Shine ang takot ng nilang iyon habang nakatingin sa tatlong malaking halimaw. Sigurado siyang gagawin ang nilalang na iyon na pagkain. Kawawa pa naman dahil mukhang bata pa ito.



Ang tawag sa maliit na halimaw ay Fiwer. Sila ay nakatira sa isang islang maraming bulkan at pinalilibutan ng mga tubig. Ang kapangyarihan nila ay apoy. Minsan ay inaakala ng iba na tubig ito dahil sakanilang balat na pangtubig. Madulas rin kasi ang balat nila kaya ganoon.



Ang mga batang Fiwer, ay may water resistant. Kahit apoy ang kapangyarihan nila ay hindi agad ito mapapawi ng tubig. Nakatira ang mga batang Fiwer sa tubig habang ang mga may edad na ay sa lupa o sa bulkan.



Ang mga malalaki naman ay mga trolls. Well, alam niyo naman yata kung ano sila hindi ba? Pero wag nating tingnan masasama ang mga trolls, nagugutom rin sila at naghahanap ng prey.


Nilagpasan lamang ito ni Shine dahil wala naman siyang paki dito pero napatigil siya noong parang papalapit si Gabriel sa mga halimaw na iyon.



"Gabriel! Wag na tayo makialam diyan." saad nito sakanya.


"Kawawa ang creature na iyon. Kailangan natin siyang ihelp." hindi na nagpatumpiktumpik si Gabriel at agad na nakalapit siya sa mga halimaw. Si Shine naman ay wala ng magawa dahil sa padalusdalos na kilos nito.



Mas malaki pa si Gabriel sa mga trolls kung kaya't parang kinakabahan sila noong makita ang binata. Sinigawan sila ni Gabriel at halos mahimatay na sila sa takot at sa baho ng hininga ni Gabriel, dagdag mo pa ang tumatalsik na laway nito.



Walang magawa ang mga trolls kung hindi ay tumakbo ng matulin. Habang ang batang Fiwer naman ay natatakot rin kay Gabriel ngunit naistatwa lamang ito sa kinatatayuan niya dahil sa takot.









"Ay sorry! Wag lang mascared, 'di kita ie-eat. Chumupi ka na sa mga kasama mo." saad nito. Ngunit ang Fiwer ay nakatitig lamang sakanya.





Bumuntong hinga naman si Shine sa nakikita niya at tinawag si Gabriel.




"Umalis na tayo, Gabriel. Tumatakbo ang oras." sabat nito at lumakad. Sumunod na rin dito si Gabriel.


Naglakad lang sila ng naglakad hanggang sa nakarating sila sa bayan ng Qesra.


"Maging alerto ka, Gabriel." saad nito.

Dahan dahan silang lumakad sa mga sulok ng mga kabahayan sa Qesra. Hindi sila gumagawa ng kahit anong ingay. Madali kasi silang mapapansin ng mga halimaw dahil sa ingay.


Dahan dahan lamang silang naglakad papunta sa pinakasulok ng lugar. Doon rin kasi sila dadaan.




Maya maya lang ay nakarating rin sila agad sa sulok. Habang dahan dahan silang naglalakad kanina ay nabighani si Gabriel sakanyang mga nakikitang halimaw.




Iba iba ang mga halimaw sa bayan. May malaki, may maliit. May mukhang delikado, may mukhang hindi naman.




Ngunit sakanilang paghinto ay nagulat sila noong may narinig silang sigaw sa direksyon nila.

"FRU~FRU~!!!!"

Tinignan nila kung ano 'yon.


Ang isang Fiwer pala na tinulungan nila! Mukhang nadapa ito at napasigaw!

Agad namang kinabahan si Shine sa namataan. Sigurado siyang may mga halimaw na nakarinig ng sigaw na iyon.



Tumingin agad siya sa paligid at agad naman siyang napatigil noong makitang may nakatingin sakanila na isang ahas na dalawa ang ulo.

Hayop.

Delikado ang ahas na ito dahil sa makamandag nitong lason.








"Hayop. Gabriel, takbo!!"





~•~








The Witch And The One-Eyed Wolf Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon