Chapter 4"Wow! Si Gabriel na ba 'yon?!" tanong ni Shyrine.
"Teka nga, tapusin mo muna pagkain mo" hindi naman siya sumabat pa at agad na kumain.
Lumagok naman ako ng tubig.
"Tapos na po ako!" sigaw niya at muntikan naman akong mabulunan sa malakas niyang energy.
"Ah tapos ka na? Oh sige, maghugas ka na ng pinggan."
"H-ha?!"
"Maghugas ka ng pinggan."
"A-ah" di siya makasagot. Agad ko naman siyang tinignan ng with disbelief.
"Wag mong sabihin na hindi ka marunong maghugas ng pinggan?!" tanong ko dito.
Naiilang naman siyang umiling.
"Omayghad ka! Ano ba ang mga tinuro sayo ng Nanay mo?! Malaki ka na! Dapat marunong ka nang maghugas ng plato! Kawawi ka naman, pabigat ka sa bahay niyo."
"Sorry, may maids kasi kami." sabat niya at naghair flip pa.
Haha. Tangina naman oh.
~•~
NAGULAT at parang natatawa pa sa nakikita niya ngayon. Sino ba naman hindi matatawa dahil katawa tawa ang itsura ng werewolf na nasa harap niya ngayon at iisa lamang ang mata nito!
Ngunit sa kabilang banda naman ay parang natakot naman ang dalawang bandits. Sa mundo nila ay mapanganib ang mga werewolves, lalo na sa mga tao. Rare lang ang makakakita ng werewolf at kung makakita ka man daw ng kahit isa lang ay siguradong mapanganib ang buhay mo ngayon. Dahil susundin daw nila ang amoy mo at hindi ka tatantanan, makain at mapatay ka lang niya.
Ngunit para mas natakot sila ngayon no'ng makita ang mukha ng wolf. Mas nakakatakot para sakanila ang itsura ng wolf dahil iisa lang ang mata nito.
Pawang tatangkaing aambahin sila ng werewolf ngunit bago pa man sila ambahin ay agad nang tumakbo ng napakabilis ang dalawang bandits.
"Hayop!Apakamalas ng araw natin ngayon, 'tol" sigaw pa noong isa.
Tinignan lamang sila tumakbo ng dalaga at ng wolf. Nang mawala na ito sa paningin nila ay agad na tumayo ang dalaga at kinuha ang mga natapon na pagkain at gamit.
Habang nagpupulot siya ay pawang parang nakatitig sakanya ang wolf. Tinignan niya naman ito pabalik.
"A-ah salamat pala sa tulong mo, Kaibigan." pagpapasalamat niya dito.
Ngunit nagulat ito no'ng parang nakatingin ito ng masama sakanya.
Kaibigan ng mga witch ang mga wolf. Sa katunayan nga ay ginagawa nila itong pet. Ngunit kunti lang ang mga witch na may mga alagang wolf dahil rare nga kasi sila.
"A-anong problema?" natatarantang tanong ni Shine.
Naku! Baka hindi siya narerecognize ng wolf bilang witch dahil wala itong kapangyarihan!
"Nagpapasalamat ka pala?"
Agad na napaupo si Shine sa gulat sa narinig niyang boses.
Ang boses na iyon.
Ang boses na iyon ay galing sa wolf na kaharap niya ngayon at iisa lamang ang mata!
"S-sino ka?", agad niyang tanong. Sigurado siyang may kakaiba sa wolf na ito. Baka possessed wolf ito at may kailangan sakanya.
"Hindi mo ba ako nakikilala?"
"Magtatanong ba ako kung kilala kita?!", irita kong tanong sakanya. Naiirita rin ako sa pagiging conyo niya.
"Isa ako sa mga sinumpa mo." agad na sambit ng wolf.
Agad namang napatango si Shine sa sagot nito and it does make sense.
"Ay sorry, madami akong sinumpa noon 'eh."
"Tsk. Aalahanin mo. Sa pagkakaalam ko ako lang 'yong isinumpa mong bilang lobong nagiisa lamang ang mata."
"Ah ganon ba?. Sorry, masyado ka kasing irrelevant eh."
Napamura naman ang werewolf sakanyang isip.
Haha. Tangina naman ito.
Hindi niya na lang inisip ang sinabi ng bruha at agad na inutusan ito.
"Ngayon na niligtas kita ay pabalikin mo ako sa aking dating anyo." sambit nito.
"Tsk." asik naman ng dalaga. "Kung may kapangyarihan lamang ako ay 'di muna ako matutulungan ng ganito." sambit niya at tumayo sa pagkakaupo.
"Ano ang ibig mong sinisay?!" pagconyo ng werewolf.
"Teka! Parang familiar ka nga! Teka iisipin ko. Weyt, Oo nga! Ikaw 'yong conyo! HAHAHA! Tanda ko naiinis ako sa iyo noon dahil nagcoconyo ka. Nakakairita sa tenga 'yang boses mo! Teka, medyo hindi ka na nagcoconyo ah! Ayos 'yon!"
"Tangina! Sino pa ang magsasalita ng conyo kung ginawa ako werewolf at iisa lamang ang mga mata?!", sigaw nito sa dalaga. "Ngayon ay kailangan mo akong pabalikin sa dati! Sa ayaw at gusto mo!"
"Ikaw tsaka! Sinasabi ko nga sa'yo hindi kita matutulungan!"
"At why naman?!"
"Dahil wala na akong kapangyarihan!", pabalik na sigaw nito at parang pinagsakluban naman ng langit at lupa ang werewolf. "Isa na akong tao ngayon, ok? Wala na akong kapangyarihan. Kaya bigla na rin akong napatahimik."
"K-kung ganon ay 'd-di na me makakabalik sa old kong anyo?!" pasigaw na tanong nito.
"Hmm, Oo. Ngayon chumupi ka na. Kailangan ko ng umalis." pagtataboy nito sa lobo.
"Hindi! Walang magc-chupi!" sigaw nito at hinarangan ang dalaga sa pagalis. "Hindi ka aalis at kailangan mo talagang pabalikin ako sa dati! Kung hindi ay susundin kita habang buhay para patayin at kainin ka lamang!"
"Hay buhay, kahit lumuha ka pa ng dugo ay hindi kita matutulungan diyan."
"The fudge!. TUTULONG KA O TUTULONG?!" sigaw nito kay Shine at bigla namang napatigil ang dalaga sa nakita. Sadyang nakakatakot ngayon ang istura ng werewolf. Naging kulay pula ang mga mata nito at sadyang parang mamatay ka sakanyang tingin.
Agad naman siyang napabuntong hininga.
"Sige, susubukan ko."
~•~
BINABASA MO ANG
The Witch And The One-Eyed Wolf
Manusia SerigalaSi Shine ay isang evil witch na sinumsumpa ang lahat, tao, hayop o kahit halaman pa. Satingin niya ay siya ang pinskapowerful sa lahat, ewan ko kung ano ba trip n'yan. Satingin niya nam-manipulate niya ang lahat pero akala niya lang 'yon. Ano siya g...