01

78 10 0
                                    

Chapter 1

"ONCE upon a time, sa isang lugar na puno ng mga mahika ay may isang witch na nagngangalang Shine. Si Shine ay isang masamang witch."

"Wala naman pong mabuting witch 'eh" sagot niya saakin.

"Tumahimik ka! Sa kwento ko meron! Oh ano itutuloy ko ba o hindi?!" sigaw ko dito.

"Tsk. Tuloy mo."

"Sa simula ng kwento, siya ay lumaganap ng kasamaan sa isang baryo."




"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.






NAGING madilim ang langit dahil sa usok na nanggagaling sa mga nasunog na mga bahay sa isang baryo ng Quarla. Rinig na rinig mo ang sigawan ng mga tao at mga hayop.

At ang mga nangyayaring ito ay kagagawan ng isang bruhang witch. Si Shine. Nakangisi pa ito at tawang tawa sakanyang pinanggagawa. Pero nung sandali lamang ay bigla ito na bagot.

"Wag! W-wag po!" pakiusap ng isang matanda sakanya. Ngunit hindi niya ito pinansin at tinuluyan siyang isinumpa!

Maya maya lamang ang taong isinumpa niya ay naging isang unggoy!


Malakas namang napatawa si Shine, sa nakikita niya.


"HAHAAHHAHAH! UNGGOY!"



Nakatingin lang sakanya ang mga tao na naging hayop at halaman.




Kung kaya't agad itong nailang. Teka, nakakatawa ba 'yon?

Agad niyang itinigil ang pagtawa niya.



"Sino ka bang bruha ka! Ba't ka ba naninira ng mga buhay! Kahit ang mga hayop ay hindi mo ipinaglapas! Binigyan mo sila ng mga buntot!" sigaw ng isang tao sakanya na naging kambing.




Bigla namang napalingon si Shine dito at napangisi nung makita ang taong naging kambing.




"Pero atleast makakalangoy na sila diba? Dapat thankful kayo!" saad nito sakanya.


Hindi naman malaman ng tao na naging kambing ang kanyang reaksiyon.
'Apakawalang puso ng taong ito!


"Thankful mong mukha mo!" aakmang susugod sila sakanya ngunit agad silang pinatigil ni Shine gamit ang kanyang mahika.


Maya maya lamang ay nasatisfied na ito sakanyang ginawa. Sirang sira na ang baryong ito at nakaramdam pa siya ng saya.



'Di nagtagal ay gusto niya ng umalis pumalakpak siya at bigla namang may sumulpot na broom stick sakanyang tabi. Agad naman siyang napangisi dahil dito.

Sumakay siya doon at agarang lumipad. Tuwang tuwa talaga siya sa broom stick niya dahil Limited Edition ito. Mahigit 10000 nang skin ng halimaw ang katumbas nito kung kaya't kay palad daw talaga niya at nakuha niya ito.

Talagang hinaplos haplos pa niya ang broomstick niya kasi baby niya daw ito.


Babalik na lang siya sa mga baryo ng mga witches para magpahinga naman. Ngunit sakanyang paglipad sa ere ay biglang sumakit ang kanang balikat niya. Napakasakit ito at talagang napahawak siya dito.


Napakahapdi ang pakiramdam niya at parang binibalatan ang balikat niya.


Dahil dito nawalan siya ng kontrol sa broom stick niya dahilan upang nahulog siya kasama ang broom stick niya.

I think, deserve niya 'yan.

Nahulog siya sa isang kagubatan kasama ang broom stick niya.

"Aray! Letche!" mura niya agad no'ng nagkita ang pwet niya at ang sahig.


Wala namang nabali sakanya ngunit nagkaroon siya ng galos sakanyang mga paa at braso.

Sumasakit pa rin ang balikat nito. Hindi niya alam kung bakit. Ano ba ang nangyayari sakanya? Dapat ay malaman ito ni Queen Mother of Witches.


Dahan dahan itong tumayo at hinanap ang broom stick niya. Ngunit napatigil ito at parang naging slow mo ang paligid niya dahil sa nakikita niya.



Nabali ang broom stick niya!!
Pero paano ito nangyari?! Limited Edition itong broom stick niya! Hindi hindi dapat masisira agad! Ok lang sana kung gasgas lang! Pero yung nabali agad?!


She swear to Queen Mother of Witches! Hindi kaya ay peke ito?!

Agad napasigaw sa inis si Shine sakanyang nakikita. Dahil baliw siya ay sinunog niya ang mga puno't halaman sa kagubatan.


Wala siyang magagawa ngayon at kailangan niyang maglakad papunta sa kaharian ng witches. Badtrip!


Lumakad siya ng lumakad sa kalagitnaan ng kagubatan habang sinusunog pa rin ang mga puno't halaman. Wala siyang pakialam sa paligid niya.


Sa kabilang banda naman ay may isang binata naman ang nakaramdam ng panganib habang siya ay nasa kagubatan. Ang pangalan niya ay Gabriel. Isa siyang palaboy laboy na hinahanap ng mga pagkain.

Napansin niyang may parang itim na usok sa isang bandang malapit sakanya.

"Oh, jusko! Who ang may lakas loob na magfire sa kagubatang ito! Wala itong heart!", sabat nito. Oo, conyo siya.

Agad itong tumakbo papunta doon. Sa pagpunta niya ay bigla siyang napatigil nung makitang may isang napakagandang dilag na tumitingin sa mga halaman at puno. Ngunit sa likod nito ay may umaapoy na mga puno at halaman. Nakasuot ito ng all black na damit.

Ngunit nagulat siya nung bigla itong nagpalabas ng isang bolang apoy at ibinato iyon sa isang banda na malapit sakanya.

"Hoy! Ikaw pala ang nagm-make nira here sa kagubatan na ito!" sigaw niya sa dalaga.

"Nasaan?" tanong nang dalaga sakanya.

"Nasaan ang what?" balik niyang tanong nito.

"Nasaan ang pake ko?" bagot na sagot ng dalaga

"H-how dare-!!!" hindi na nito tuluyang pinasagot pa dahil bigla niya itong sinumpa.


Isinumpa bilang werewolf naiisa lang ang mata.



At dito nagsimula ang mga kagag*han.

~•~










The Witch And The One-Eyed Wolf Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon