09

37 6 0
                                    

Chapter 9





NAGLALAKAD ngayon sila Shine, Gabriel at ang batang Fiwer sa lugar ng Urino. Malayo pa ang kanilang lalakarin patungo sa kweba. Kung saan ang halamang Yawre.


Tahimik at alerto silang naglalakad habang tumitingin tingin sa paligid.



Maya maya lang ay napansin ni Gabriel na ang batang Fiwer naman ay parang nahuhuli sa paglalakad. Tumigil siya sa paglalakad at hinintay ito


"Blue bird, sumakay ka sa likod." maotoridad nitong utos, kung kaya't parang natakot naman ang batang Fiwer.


Umakyat ito sa likod niya at umupo.




Napatingin naman si Shine sakanila ni Gabriel. Napansin niya kasing parang huminto sila ni Gabriel at parang may kung ano naman sakanyang puso noong makitang umaakyat ang batang Fiwer sa likod ni Gabriel.


Sa mukha niyang iisang mata lamang ay parang isang maamo pa rin siyang lobo. Kung dalawa ang mata ay mac-cutan pa si Shine sakanya ngunit hindi 'eh. Mukhang katawa tawa ang lobong kasama niya ngayon.



Napatingin naman ang dalawa sakanya dahil sa titig nito kung kaya't agad na inalis ni Shine ang tingin sakanila at nagpatuloy na sa lakad.



"O-okay ka lang ba there?" tanong ni Gabriel sa Fiwer.



"Fru Fru~" sagot nito hindi naman maintindihan ni Gabriel ang sinabi nito.

"Hampasin mo ang back ko ng three beses kung Oo, tas two kung hindi"


"Fru Fru~"


"Aray! Aray! Ugh!" daing na sigaw ni Gabriel. Malakas kasi ang paghampas sakanya ng batang Fiwer. Parang binato siya ng tatlong hollow blocks sa likod.



"Ang hurt mo naman humampas! T-teka lang what if nabali 'yong bones ko."


"Fru Fru?~" mukhang naiiyak na tono ng batang Fiwer.


"Shh! Magshut the f*ck up nga kayo! Baka may makarinig na halimaw saatin!" galit na pabulong sakanila ni Shine.


"Isay mo yan sa Blue bird na halimaw na ito! Ang hard pala humampas!" turo ni Gabriel sa Fiwer.



"Tumahimik na lng kayo at mukhang malapit na tayo." saad ni Shine.


"Goods pala you, ha! Why noong sa ahas 'eh parang ka lang ball na kinick?" tanong ni Gab dito.


"Fru Fru~"


"Maiba na nga lang, malapit na me maging ferson!" sabik na saad niya dito.

"Mas-see mo ang gwapo kong face!"


"Fru~! Fru~!" mukhang sabik rin ang batang Fiwer na makita ang mukha ng binatang lobo.

"Teka, what pala name mo?"

"Fru fru~?"

"Alaws kang name? Kawawi ka naman, wait! Asul? Gusto mo ba Asul?" rekomenda nitong pangalan.

"Fru~"

"Three pitik kong yes."

Nakaramdam naman siya ng tatlong maliit na sakit sa likod niya.

"O'sige, Asul na ang name m--- GRRRRR" napatigil si Gabriel sakanyang pagsasalita noong bigla siyang itinulak ng isang dambuhalang halimaw na pawang toro.




May dalawang sungay ito at mas malaki pa ito sakanya.




Nahulog naman ang batang Fiwer sa likod ni Gabriel at pawang madadaganan pa ito ngunit agad itong napatakbo papunta kay Shine.




The Witch And The One-Eyed Wolf Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon