03

57 10 1
                                    


Chapter 3



"I THINK, deserved po iyon."

"Diba! That's what I am talking about!"



"Teka, Uncle. Onaka ga akimashita(My stomach became empty/I'm hungry). Make me some food po. Onegaishimasu!(Please!)" pakiusap pa nito at nagpuppy eyes pa ang batang hamog.


Takte.



"Aba't sumusobra ka na ah! Dapat at nagpasalamat ka pa nga dahil kwinekwentuhan kita ngayon! Tapos nagr-request kapang lutuan kita?! Ano ka gold?"




"Make me some food or I will cut yo—" bigla siyang natigil sa pagsalita at parang may hinahanap siya. Agad naman akong napangisi.



"Ito ba ang hinahanap mo?" pakita ko sa gunting. Sus! Mga bata talaga madaling malinlang!




Kinuha ko 'to habang ng patago habang nagkwekwento sakanya.


Tsk.


Nakita ko namang parang sasabog ang mukha niya sa inis.


Pero nagulat ako nung hinawakan niya ang stem ng halaman ko.



"Kung ganon.. I will rip this na lang!"



Shit. Shit.



"No! Stop! Onegaishimasu! I will make you some food!" sigaw ko dito at agad naman itong napangisi.



Nakasimangot akong naglakad papunta sa kusina. Tas ang batang hamog na 'to eh gusto pang hawakan ang kamay ko habang naglalakad kami! Syempre ayon itinaboy ko kamay niya at naunang maglakad kaysa sakanya.




"Akunin(Bad man)." rinig ko pang sabi niya.



Like? Pake ko?



Pagkarating namin sa kusina ay parang binagsakan ako ng langit at lupa dahil sa nakikita ko. Kalat na kalat ang mga gamit na pangluto sa lababo at kalat na kalat rin ang mga ginamit na mg ingredients sa pagluto!




What the hell?!
Ano ba ang ginawa ng kapatid ko dito?!



"Takte. Anong niluto ng nanay mo?" tanong ko dito.



"Ewan ko, Chopsuey yata 'yon."


"'Eh nasaan na yung Chopsuey?"
Hinanap ko kung saan nakalagay ang niluto ng bruhilda kong kapatid ngunit wala akong makita kung hindi ay kanin lang.



"Ewan ko, mukha ba akong tagahanap ng nawawalang gamit? Baka(Idiot)."



Tanginang batang 'to!



Tumingin naman ako ng pagkain sa fridge at puro frozen foods lang ang nakikita ko dito tsaka itlog.



Tinignan ko naman ang relo ko, 1 pm na pala.


"Kumakain ka ba ng frozen foods?" tanong ko dito.


"Hindi."


"Tsk. Pinagbawalan ka ba ng nanay mo?"


"Hindi. Ayaw ko lang kumain kasi unhealthy 'yan," sabat niya saakinpero kinuha ko pa 'rin ang tocino sa ref at nilapag iyon sa kitchen table. Buti na lang may space ba ang table na ito.



Ipapalinis ko talaga 'to mamaya kay Shine, ang landi ng batang iyon!




"Psh. You're missing out kid." sabat ko sakanya.



The Witch And The One-Eyed Wolf Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon