Epilogue

61 5 0
                                    

Epilogue


TUMATAKBO ngayon si Shine papunta sa kweba. Ngunit noong tuluyan siyang nakapasok sa kweba ay bigla siyang napatigil sakanyang pagtakbo.




Bakit nga ba siya nandito? Hindi niya naman siguro kailangan pa ang halaman  iyon dahil sigurado siyang mamamatay naman doon si Gabriel sa higanteng torong halimaw na namataan niya.




Pinaikot ni Shine ang kanyang mga mata at naglakad paalis sa kweba. Uuwi na siya ngayon. Hays, masyadong malayo na sa bunganga ng kweba ang itinakbo niya.




Napakapagod ng kanyang araw ngayon. Ngunit habang naglalakad siya ay pawang may kung ano sa dibdib niyang mabigat at hindi niya mawari kung ano ito at pawang hindi rin siya mapakali.




Ano ba ang nangyayari sakanya?
Parang gusto niyang bumalik doon kina Gabriel at tulungan sila. Pero bakit niya naman sila tutulungan? Wala na siyang pake do'n.





Kasalanan rin kasi ito ni Gabriel dahil nagpaiwan ito. Siya sana sasabak 'eh. Pero pinigilan siya nito, 'edi iyon ang napala niya.





Sa totoo lang ay ito ang patibong ni Shine. Kaya niya sinasabing kailangan siyang protektahan ng binatang lobo ay dahil upang masabak ito sa isang gulo at tuluyan itong mamatay.




Hays. Madali talagang malinlang ang mga tao ano?




Naglalakad ng naglalakad lamang siya at maya maya lamang malapit niya nang maroonan ang bibig ng kweba ngunit nagulat siya noong bigla siyang natapilok  sa kung ano. Maya maya lang ay nagulat siya noong makita niyang gumalaw ito.



A-anong nangyayari?



Para itong ahas at pinalilibutan siya ng mahaba at malaking katawan nito. Parang liliparin naman siya noong pinagaspas nito ang pakpak nito. At doon ay biglang tumambad sakanya ang isang pulang dragon.



"Magdahan dahan ka sa paglalakad, bruha." sabat ng dragon.



Nabigla naman si Shine sa tawag nito.
"A-alam mo kung ano ako?!"




"Oo, nakikilala ko lahat ang talumbuhay ng isang tao isang kita ko lamang sakanila."



Namangha naman ang si Shine sa dragon.




"Sige nga! Sabihin mo kung sino ako!" panghahamon nito.





"Sinusubukan mo ba ako?" tanong ng dragon at bigla itong tumawa. Napakunot naman ang noo ni Shine dito. "Mali ka ng hinamon, bruha. Tsk. Tsk. Sa aking nababasa ay isa kang napakasamang bruha! Isa kang mapanglinlang at hindi sapat sayo ang pagkawala lamang ng kapangyarihan! Dapat ay kailangan kang patayin!"




"Ano ba ang pinagsasabi mo?!" galit na tanong niya sakanya.




"Hindi ba't hinamon mo ako? Mali man pero dapat ka talagang patayin. Isa na namang nilalang ang iyong pinatay."  hindi naman alam ni Shine ang magiging reaksiyon niya sa sumunod na sinabi nito.



"Hindi." agad na sagot nito.


"Hindi ka ba talaga nakokonsyensya?" paulit na tanong ng dragon.




"Kailangan ko ng umali—"



"Paumanhin ngunit hindi ka pwedeng umalis. Kailangan mong pagbayaran ang mga ginawa mo!" pagharang ng dragon sa dadaan niya.



Kinuha niya naman ang balisong niya at isinaksak iyon sa kamay na ginamit na pangharang sa dinadaanan niya. Bago pa man makareact ang dragon ay bigla itong tumalon sa dibdib nito at binigyan ito ng daplis. Bigla namang nataranta ang dragon dito dahil sa sakit at sumigaw ng pagkalakas lakas.



The Witch And The One-Eyed Wolf Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon