"CLEANING service!"
Yumuko ako para tingnan ang sapatos kong malapit nang mapudpod habang naghihintay sa pagbukas ng pinto. Ilang taon ko na rin 'tong sapatos at mukhang ilang araw na lang ang nalalabi nito bago 'to bumuka. Hindi naman masasaktan ang savings ko kapag bumili ako ngunit hindi ko pa naman kailangan. Mas priority ko si Noah.
Saka na lang siguro kapag nasira na talaga at wala akong choice upang bumili.
Inangat ko ang tingin ko nang bumukas ang pinto sa unit niya. Muntik pang malaglag ang panga ko nang makita siya.
He walks out wearing nothing except for his grey joggers which is hanging low on his hips. Wala siyang saplot sa pang itaas at napansin ko ulit 'yung dog tag silver necklace sa kanyang leeg na hindi pa niya inaalis. Naglakbay ang aking tingin sa kanyang katawan. His shoulders are broad and his chest and abs are well sculpted.
Sumunod na naglakbay ang tingin ko sa v-line niya at sinundan ko ng tingin ang linya hanggang sa nawala ito dahil natatakpan ng suot niyang joggers. Medyo kita pa ang band ng kanyang boxers at napansin na isang tanyag na brand ang suot niya.
His muscles look prominent because of his tan skin.
Sinuklay niya ang kanyang magulong itim na itim na buhok. Mukhang kakatapos niya lang maligo. May nakasampay pang puting tuwalya sa kanyang balikat. Amoy na amoy ko ang kanyang sabon.
It smells citrusy with a hint of beige clean scent—Amoy gwapo.
Namula ako. Ang dami na talagang nagbago sa kanya. Hindi na siya 'yung batang madungis noon.
Nang makita niyang nakatayo ako sa unit niya ay agad na nagsalubong ang kanyang makakapal kilay. Nakasuot din pala siya ng specs na mas lalong nagpakabog sa dibdib ko.
"Ikaw ulit?"
I smiled at him sweetly.
"I'm Lest from Spotless, thank you for choosing our service!" I said for professionalism and bulldozed past him until I was inside his unit.
Napawi agad 'yung ngiti ko nang makita ang mga kalat. Hindi 'to kasing gulo no'ng huling punta ko rito pero hindi ibig sabihin ay hindi madumi! Nasa sahig na 'yung mga throw pillows at nagkalat na naman 'yung mga beer cans at package ng take outs.
Hindi ko talaga maintindihan kung paano niya nakuha 'yung gano'ng katawan kung ganito 'yung mga kinakain at iniinom niya.
"Leave when you're done." Rinig kong sabi niya bago siya pumasok sa kanyang kwarto. Medyo pabagsak pa niyang isinara ang pinto.
Nagiging gago ba ang isang tao kapag broken?
"Pasalamat ka, gwapo ka," naiinis kong sabi bago sinimulang maglinis pero natigil ako nang magsalita siya.
"I heard that."
Namula ang aking pisngi. Hindi na lang ako nagsalita at nilinisan na lang ang unit niyang parang binagyo. Inilapag ko saglit ang charm bracelet ko sa lamesa dahil baka sumabit pa ito kung saan-saan kapag maglilinis ako.
Sampung minuto pa lang ang lumilipas nang lumabas siya sa kanyang kwarto at gano'n pa rin, wala siyang suot pang itaas. Palihim ko siyang sinundan ng tingin at naningkit ang mga mata ko nang dumukot na naman siya ng beer can sa kanyang fridge.
"What?" Nag taas siya ng kilay.
"Masama ang sobra," pagpaparinig ko.
He scoffed. Inisang lagok niya 'yung beer bago kumuha ulit ng isa pa. Ramdam ko ang matalim niyang titig habang naglilinis ako.
Aba!
"Don't you know that binge drinking alcohol will damage your liver?" nakapamewang kong tanong.
BINABASA MO ANG
Kiss and Don't Tell
RomantizmGetaway Girls Series #1 After a night filled with the triadic hues of red, blue, and yellow, Celeste knew that her life would take a turn. Like the flame, it burned her past life to bits and ashes. All the wealth and comfort in life are gone. She is...