CHAPTER 1
September, 2016
DIA
INGAY ng mga estudyante ang bubungad sa corridor ng school. Maraming nagsisitakbuhan at nagtatawanan sa gilid. Ganito lagi ang scenario tuwing Lunes ng umaga.
Suminghap ako at pumasok na sa una kong klase. Ang marketing class. Napatigil ako sa pinto ng aming classroom. Naabutan ko ang kaklase kong si Niko Salvatierra na nag-c-check ng attendance sa harap ng klase. Yumuko ako at naglakad sa aking upuan sa bandang likod. Naguumpisa kasi sa 'R' ang apelyido ko kaya sa likod ang upuan
ko.Kaklase ko si Niko rito sa marketing subject. Tahimik siyang tao at ilan lang ang kaibigan. Lagi siyang naka-suot ng hoodie kahit mainit naman. Kinakahiya niya ba ang uniform ng school namin?
President siya sa Student Council at siya lagi ang mataas ang score sa quizes at exams. Maraming babae ang nagkakagusto sa kanya pero wala siyang pakialam. Guwapo kasi siya at galing sa mayamang pamilya. He is also talented and sporty. Iyon nga lang, he is intimidating. Kabado ako tuwing nakikita ko siya.
May sekreto akong tinatago at sila Daddy lang ang nakakalam. Engaged kami ni Niko. Ang ibig sabihin no'n ay fiancé ko siya. Last month lang. Wala rin akong balak na ipagkalat ang tungkol sa aming dalawa rito sa school. Kapag nalaman nila, magiging subject na ako ng mga bully na babae at ayaw kong mangyari iyon. At saka, masyado pa akong bata para ma-engaged! Maraming judgemental na tao ngayon. Baka isipin nila na buntis ako.
Paano kami na-engage? May stage two pancreatic cancer si Mama at kulang kami sa pera para sa chemotherapy niya.
Palugi na lahat ng negosyo ng pamilya namin. Naibenta na rin ang ilan sa mga assets namin gaya ng kotse. Namuti na lahat ng buhok ni Daddy dahil sa gastusin sa hospital at mga gamot ni Mama.
Gusto na rin nila akong patigilin sa pag-aaral para makabawas sa gastusin. Naiiyak na lang ako kasi wala akong magawa at maitulong. Ang iniisip ko lang palagi ang sarili ko. Ang iniisip ko lang ay ang mga material na bagay na nagpapasaya sa akin.
Itinigil ko na ang lahat ng luho ko para makatulong ako sa mga gastusin. Ibenenta ko ang aking mga bags at alahas. Nag-apply din ako bilang freelance model. Tama na rin ang pagkain ng tatlong beses sa isang araw kasi wala na akong budget para sa pagkain na mahal. Hindi ako makapaniwala na ganito na kami kahirap ngayon!
Hindi ko na alam kung anong mukhang ihaharap ko sa mga kaibigan ko. Kilala kasi nila ako bilang isang high maintenance na babae. Ngayon, wala na. Hindi na ako makakasama sa kanila sa mga gimik.
Lumapit ako sa governor para humingi ng pinansyal na tulong kasi sabi ng Tita ko nagbibigay siya ng assistance sa mga cancer patients. Nagkaroon kami ng deal at binigyan niya ako ng kontrata.
Nakalagay sa kontrata na tutulungan niya ako sa gastusin sa hospital at pag-aaral basta pakasalan ko ang kanyang nag-iisang anak na si Niko. Nakalagay din doon ang halaga na matatanggap ko. Matindi ang pangangailangan ko kaya pumayag na ako kasi sayang naman. I can't believe Niko really said yes to get engage with me.
I mean, sa status niya? Mas marami pang magaganda at mayayaman na babae ang puwede niyang makarelasyon. Hindi sa kagaya ko na gumastos lang ang alam gawin. Wala akong ibang choice ngayon dahil nag-aaral ako. Mahihirapan pa akong humanap ng full time na trabaho.
BINABASA MO ANG
I'd Be A Fool Not To Love You (published)
RomanceDia Remarque got entangled with the Governor's only son when she seeks financial assistance for her dying mother. She's desperate enough to accept the deal of the governor to get engage with his son in exchange for money. She was shocked when she kn...