Chapter 10

547 12 0
                                    

CHAPTER 10

DIA

"I'M sorry," sambit niya at lumayo siya sa akin na parang napaso.

Umayos naman ako ng upo. What the heck! I think I need air! I can still feel his lips on my neck. Nahagip ng mata ko ang mukha ko sa salamin. Pulang pula pa rin ang pisngi ko. Mukha akong nabilad sa araw. Hindi ko rin maintindihan ang tiyan ko dahil may nararamdaman akong mga insektong nagwawala.

Naging awkward ang atmosphere namin ni Niko dahil sa nangyari. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri. Bumuga ako ng hangin. Inayos ko rin ang blouse kong medyo nagulo.

"Uhm, let's just go home." Basag ko sa aming katahimikan.

Huminga siya ng malalim at pinaandar na ang kotse. He didn't say a word. Tahimik lang kami hanggang sa nakarating kami sa harap ng bahay. Aligaga kong kinalas ang seatbelt ko. Ah finally! Parang napaka-tagal ng byahe kahit 20 minutes lang naman.

"T—thank you for today. Ingat ka sa daan." Tensyunado kong sabi kay Niko. He responded with a nod. Kinuha ko naman 'yong mga pabaon ng lolo niya na fruits na nakalagay sa paper bag tapos lumabas na ako sa kotse.

Thank you, Lord! Parang nabawasan ulit ang life span ko do'ng, ah? Makakahinga na ako ng maayos. Buti na lang humupa na ang ulan kaya hindi ako nabasa no'ng lumabas ako sa kotse.

Hinintay ko munang makaalis si Niko bago ako pumasok sa loob ng bahay. Ah, I'm tired. Hindi ko kinaya ang mga nangyari ngayong araw.

"Oh, nandito ka na." Bati sa akin ni Ate. Naabutan ko siyang nagkakape sa terrace ng bahay.

"Galing ako sa hospital kanina, Ate."

"Ah. Hinatid ka ni Niko? Kotse niya ba 'yon?" tanong niya. Napaka-chismosa talaga ni ate.

"Yup."

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Ah... hmm... I see." Ngumisi siya at humigop ng kape. Tinaasan ko siya ng kilay. What's up with her?

"Parang timang." Inabot ko sa kanya ang paper bag na hawak ko bago ako pumasok sa loob.

Pumunta ako sa kwarto ko at saka sumalampak sa kama. Pinatong ko ang braso ko sa mata. Naalala ko 'yong eksena kanina sa kotse. Napabangon ako. Namumula pa rin ang mukha ko hanggang ngayon. Why did he do that?

"FORGET IT." I shrug it off.

In-heat lang kaming dalawa kaya nagawa ni Niko 'yon. Walang ibang kahulugan. Isinusumpa ko talaga 'yong herbal tea na pinainom sa amin! Medyo mainit pa rin ang pakiramdam ko pero hindi na gaya nung kanina.

"Ugh!" I groaned. Ginulo ko ang buhok ko. Tumayo na lang ako at pumasok sa banyo para magpalit ng damit. May gagawin pa akong activity mamaya na ipapasa bukas ng umaga! I'm stressed.

Nagulantang ako nung nakita ko ang itsura ko sa salamin. Nahulog sa sahig ang mga dala kong pang skin care.

"What the hell, what the hell, what the hell..." Lumapit pa ako sa salamin para makita lalo. Punong puno ng kiss marks ang leeg ko! Paano ko 'to itatago? Anong gagawin ko? Nakita ba 'to ni ate?

AAAAAH! I want to die! Kung nakita niya man ito, gusto kong magtago sa kweba at wag nang lumabas. I don't know what to do. Gusto kong maghalupasay dito sa tiles ng banyo. Kinagat ko ang labi ko at tinignang maigi ang mga marka. May kiss mark ako hanggang sa collarbone. Bampira ba 'yong lalaki'ng 'yon? I can't believe him!

Mabilis akong naghilamos at nagpalit ng damit. Kinalkal ko ang cabinet ko para maghanap ng turtle neck na damit. Nakahanap ako kaso ang weird kong tignan. Nasa bahay pero naka-turtle neck? Nag-suot na lang ako ng hoodie at nilugay ang buhok ko para matakpan ang leeg ko. Sasakalin ko si Niko kapag nagkita kami bukas! Argh!

I'd Be A Fool Not To Love You (published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon