Chapter 18

525 12 0
                                    

CHAPTER 18

DIA

PULANG pula tuloy ang mukha ko dahil sa sinabi ni ate. Pumasok kami ni Niko sa kotse. Kaming dalawa lang. Walang kasamang driver o butler. Umupo ako sa front seat.

"What are those?" Tanong ni Niko sa isang tote bag na bitbit ko. Nilalagay ko 'yon sa backseat kasama ang backpack ko.

"Skin care products, lotion, body wash, vaporizer, toothpaste, slippers, hair blower, hair iron, make-up, tissues, wipes... basically the stuff I use everyday." I enumerated.

"May ganiyan doon, Dia."

Umismid ako. "I use specific products. My life is incomplete without them." I grinned.

"Pft. I don't understand girls..." bulong niya.

"You gonna catch a cold," ani Niko. Nakita niya ang suot kong skirt at croptop. May kinuha siya sa backseat na flannel jacket at binigay sa akin 'yon.

"Thank you." Inabot ko 'yon at sinuot. I feel so warm.

Hindi kasi ako mahilig mag suot ng jacket or hoodie kapag may pupuntahan.. Gusto ko kasi ay stylish clothes. Wala akong pakialam kung mainit o malamig basta ang mahalaga maganda ang suot ko.

His jacket feels warm. Isang oras ang byahe papuntang Tagaytay. Sana ay hindi ako makatulog. Pagod si Niko sa school at sa meeting kaya hindi siya puwedeng antukin.

Nagpatugtog siya ng kanta ng Lany na pink skies sa kanyang stereo.

Lumingon ako sa kanya. He's just silently driving but why my heart is beating so fast and loud.

The more I look at him the more I feel butterflies in my stomach. Parang mas naging matindi ang admiration ko sa kanya. I recalled the time when my heart started feeling fuzzy whenever I see him. Lagi ko siyang nakakasabay sa vending machine sa hallway pagkatapos ng second period. Hindi ko alam kung assuming ako pero binibili niya rin kung ano ang inumin ko. It happened many times.

Lumingon na lang ako sa bintana para panoorin ang mga gusali na nadadaanan namin. Night lights looks so beautiful.

So many thoughts running in my mind just by looking at the buildings. Every window has their own stories and struggles. Right now, to be with him is a different story. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na ito para sabihin sa kanya na mahal ko siya.

Mabilis kaming nakarating sa destination namin. The Villa is so nice. Two storey ang rest house at malawak ang swimming pool.

Pumasok kami ni Niko sa isang room na may dalawang magkahiwalay na bed. Maluwang ang kwarto. May malaking glass door papunta sa balcony sa gilid ng higaan ko. Madilim kaya hindi ko masyadong makita ang view sa labas. Niko and I in the same room? Na-concious ako bigla. Ito ang unang beses na makakasama ko siya sa isang kwarto. Hindi kami magkatabi pero ganon pa rin 'yon. Makikita ko na kung paano siya matulog.

"I'll just wash up." Paalam ni Niko tapos dumeretso siya sa banyo.

Nag-charge naman ako ng phone ko. Sinabi ko kay ate na nakarating na kami ng mapayapa. Tulog na siguro 'yon. Alas-dose na rin kasi ng madaling araw.

Sumunod ako sa banyo pagkatapos ni Niko na naghilamos. Nagpalit din siya ng pajama at hoodie. Malamig kasi rito tapos naka-on pa ang aircon. Natagalan ako sa banyo kasi ginawa ko pa ang skin care routine ko.

Pagkalabas ko, naabutan ko si Niko na nakahiga pero hindi pa tulog. Humiga na rin ako pero hindi ako makatulog dahil sa liwanag ng ilaw. Pinikit ko lang ang mga mata ko. I'm so sleepy but my brain won't shut up.

Naramdaman ko si Niko na tumayo tapos may narinig akong click sa switch ng ilaw. Sa wakas pinatay na niya, makakatulog na ako ng maayos.

Narinig ko ang footsteps niya papalapit sa akin. Eh? Ang ingay ng tibok ng puso ko. Ayaw kong imulat ang mata ko. Hindi ako makahinga nang tumigil siya sa gilid ko. Hinaplos niya ang ulo ko tapos hinalikan niya ako sa noo. Bumalik rin siya sa higaan niya.

I'd Be A Fool Not To Love You (published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon