Chapter 7

515 9 0
                                    

CHAPTER 7

DIA

SLEEP naked? Really? I don't understand his attitude at all. He can be cold and intimidating but he can say idiotic jokes with straight face. He's unpredictable guy.

"I'm just kidding. You can borrow any clothes."

Umalis siya sa harap ng pinto para makapasok ako. Humakbang ako papasok sa kwarto niya. I can't believe I'm in the room of the smartest student in our school. Walang masyadong gamit ang kwarto niya. Isang malaking bed, study table at isang cabinet na puno ng anime figurines ang makikita. Those things are hella expensive. Alam ko kasi mahilig din si Lara mag-collect ng figurines.

Nilapag niya ang gatas sa study table. Napansin ko na nakabukas ang laptop niya na nandoon. May gagawin pa siya ngayon. Hindi ba pagod ang isang ito? Kasi ako gusto ko nang pumikit ngayon dahil sa antok. Napatingin ako sa isang kulay red na libro na nasa study table niya. That's my freakin' sketch book! I knew it. He took it. Abala ako nitong nakaraang araw kaya nakalimutan ko na ang sketch book ko. Bakit hindi niya binabalik sa akin? Kukunin ko na lang mamaya sa kanya.

Sinundan ko siya sa walk in closet niya. Ang taray may walk in closet! Pagkabukas niya ay bumungad sa akin ang napakaraming tshirt at hoodie na well organized. Maayos ang pagkakatupi at naka-arranged by color. He is very neat.

Karamihan sa damit niya ay black, gray, white, dark green. Pare-parehas ang kulay at halatang galing ibang bansa dahil sa mga brand. May collection din siya ng rubber shoes na mamahalin. Ang iba nakalagay pa sa boxes.

"I'll borrow this one." Kumuha na lang ako ng isang hoodie at white shirt. How ironic. I always ridiculed him for always wearing a hoodie but here I am borrowing one.

"How about pajamas?" tanong niya.

"There's no need. Ayos na ito," sagot ko. Lumabas na kami sa walk in closet niya.

Tinignan niya ako sa legs at saka siya tumango. "Okay."

"Anong iniimagine mo dyan?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Nothing." He shook his head. Kung iniimagine niya na matutulog akong naka-panty ay nagkakamali siya. May cotton shorts ako.

"If you need anything, kumatok ka lang or sabihin mo sa kasambahay." He said.

"Yeah, salamat ulit. You should rest too." Lumabas na ako sa kwarto niya.

Huminga ako ng malalim noong nakapasok ako sa kwarto ko. He's... nice and caring. Why? Does he like me? Ay, masyado akong ambisyosa. He's just being nice. Sinuot ko na 'yong hoodie at natulog na ako. Ang himbing ng tulog ko dahil sa pagod at sa wine na nainom ko.

Kinabukasan sa school, tamad na tamad akong pumunta sa library. May quiz kami mamaya sa economics kaya nag rereview ako sa notes ko. Kanina ko pa binabasa pero walang pumapasok sa isip ko.

As usual, naabutan ko na si Niko na naka-upo sa front desk na nagbabasa ng libro. Nilapag ko ang bag ko at umupo ako sa tabi niyang upuan. Hindi niya ako pinansin. Hindi ko rin siya pinansin. Nag focus na lang ako sa nirereview ko. So many things to memorize. This is so frustrating. Ayaw kong makakuha mamaya ng itlog sa quiz.

Hinawi ko ang buhok kong tumatakip sa notes ko.

"Just choose a keyword." sabi bigla ni Niko. Naririnig niya siguro ang bulong ko sa mga binabasa.

"Ha?" I glanced at him with a puzzled look.

"You don't need to memorize it all. Just choose a key word." Ulit niya. Ah, I get it. I have never tried that technique before. Gusto ko talagang pahirapan ang sarili ko, eh.

I'd Be A Fool Not To Love You (published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon