CHAPTER 19
DIA
"SORRY po talaga." Tumingin sa 'kin 'yong babaeng nag bangga kay Niko bago siya sumiksik sa mga kaibigan niya. Pahiya ka tuloy, te. Next time ilugar mo ang kaharutan mo.
Gusto ko pa sanang mag taray kaso sayang lang ng energy. Nakakaawa lang talaga 'yong mga ganyang babae. Desperate at papansin.
Buti na lang dumating na 'yong cable car na sasakyan namin ni Niko. Sumakay na kaming dalawa. Mabagal lang ang takbo kaya medyo boring. Nakikita lang ang magandang view ng kabundukan at mga puno tapos nalalanghap ang malamig na hangin.
Magkaharap kaming dalawa ni Niko kaya medyo awkward. Nagpipicture na lang ako ng paligid para maiwasang tumingin sa kanya.
"Give it to me," utos niya. Tinutukoy niya ang phone ko. Binigay ko naman kasi kukuhanan niya ako ng litrato.
Hiyang hiya akong ngumiti at nag pose. Focused naman siya sa pagkuha ng picture. Inabot niya rin sakin 'yong phone no'ng tapos na. Maayos naman ang kuha niya kumpara sa kuha ng mga kaibigan ko. Hindi blurry at tama ang angle. May photographer na ako.
Pa-sekreto ko siyang kinuhanan ng picture. Naka-suot lang siya ng skyblue na longsleeve but he look so neat and clean and handsome.
Napansin ko na hindi na siya madalas magsuot ng hoodie. Puro long sleeve at t-shirt na lang. Kapansin-pansin na tuloy siya. Marami nang nakakapansin na babae sa kanya noon pero mas dumami yata ngayon. Mukha kasi talaga siyang model. He's a total package. 'Yon nga lang medyo suplado.
"I have a proposal to you but I want to ask you something first." He said out of the blue.
"What is it?"
"Are you happy being with me? I'm an awkward person, I'm boring, I don't know how relationships work and stuff. Hindi ko alam kung masaya ka ba sa akin," aniya habang nakayuko. Napangisi ako.
"Of course, I'm happy being with you. Iniba mo ang impression ko sa 'yo. I thought you're a cold person na walang pakialam sa ibang tao pero nagkamali ako. You're more than that. Dati, I always feel nervous whenever I see you or hear your name. Bumibilis din ang heartbeat ng puso ko. Kapag nasa crowded place tayo sa school, unconsciously, ikaw lang ang napapansin ko. I hated the feeling you make me feel. Pero ang ibig-sabihin pala no'n, gusto kita. Gustong gusto. Kaya no'ng nalaman ko na ikaw ang magiging fiancé ko, tinanggap ko agad kahit sumasalungat ako sa sarili ko." I said with all sincerity. Natigilan naman siya sa rebelasyon ko.
"Sorry, I didn't noticed you back then. Masyado akong abala sa mga ginagawa sa school. Wala pa sa isip ko ang manligaw ng babae." He chuckled.
"Obvious naman." Mabuti nga na wala siyang interes sa babae. Kung meron baka naging playboy na siya sa dami ng mga babaeng nagpapapansin sa kanya.
Natahimik kaming dalawa. Tinanaw ko ang view sa baba na mga puno. Nakakalula pero hindi ako natatakot.
"Dia, come with me. Study with me in abroad." Napalingon ako sa sinabi ni Niko.
"Huh? S—study abroad?"
"I'm asking you to come with me in Toronto."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Gusto ko siyang makasama pero paano sila Mama? Hindi ko sila pwedeng iwan. Hindi ko pa kaya. Alam ni Niko 'yan. Five to seven percent na lang ang chance ni Mama na mabuhay ng limang taon. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari kay Mama anytime.
"I'm not expecting you to answer my request right away. I want you to think about it carefully. In the next few days, I will fly to Toronto for my admission and assessment interview."
BINABASA MO ANG
I'd Be A Fool Not To Love You (published)
RomanceDia Remarque got entangled with the Governor's only son when she seeks financial assistance for her dying mother. She's desperate enough to accept the deal of the governor to get engage with his son in exchange for money. She was shocked when she kn...