Chapter 16

528 13 0
                                    

CHAPTER 16

DIA

Alam ko na dadating ang oras na ito. Wala kasing sikreto na hindi nabubunyag. Kahit anong tago ko malalaman pa rin nila. Guilty ako kasi hindi ko agad sinabi sa kanila ang tungkol sa amin ni Niko. Hindi naman nila kailangang malaman pero kaibigan ko rin sila. They deserve to know it.

Hindi ako maka-tingin sa mukha ng dalawa kong kaibigan. Kahit anong palusot ko ngayon hindi sila maniniwala kasi daig pa nila ang imbestigador. Wala akong choice kung hindi sabihin ang katotohanan.

"Oo si Niko nga. 'Yong student council president."

"How come? Seryoso? Kailan pa? Anong gayuma ang ginamit mo?" Napahawak si Kelsie sa ulo niya na parang nahilo. Hindi siguro mag process sa utak niya ang rebelasyon ko.

"Huli ka ngayon balbon. Sinasabi ko na nga ba eh may jowa ka. Kaya pala lagi kang tulala at blooming," sabi ni Lara.

Huminga ako nang malalim at tuluyang hinablot ang phone ko. "Napag-usapan kasi namin na sekreto lang ang relasyon namin kaya wala akong pinagsasabihan. Sasabihin ko naman sa inyo, naghihintay lang ako ng magandang timing." I said.

"Timing ka diyan? Eh lagi tayong nagkikita. Lumalandi pala ito ng palihim. Sa SC president pa at anak ng governor. Ang lakas mo, Dia." Kinurot ni Lara ang aking pisngi.

"Aray!" I glared at her.

"Sabihin mo man o hindi, malalaman namin 'yan ni Lara. Suportado ka namin sa kalandian mo kaya 'wag kang mag-alala. Safe ang sekreto mo sa amin ni Lara kasi kaibigan ka namin," sabi naman ni Kelsie.

Hindi ko akalain na sasabihin 'yan ng chismosa kong kaibigan. Isa sa hobby nila ang mag chismis kaya hindi ko alam kung makakapag pigil sila na 'wag itong ipagkalat.

"Ang hihilingin ko lang naman sa inyo, 'wag niyong sasabihin sa iba ang tungkol dito. Family ko lang at ni Niko ang nakakaalam ng relationship namin."

"Makakaasa ka. Pero... may nangyari na ba sa inyo?" Walang pakundangan na tanong ni Lara. Namula ang pisngi ko.

"Syempre, wala!" bulyaw ko. Sumubo ako ng ice cream. Ang awkward pag-usapan ng mga ganyang bagay kaya please lang 'wag niyo akong tanungin.

"Ang hina naman ng lalaki'ng 'yon! Anyway, congrats sa inyo ni Niko. Kaya pala hindi ka na sumasama sa amin kasi naglalandi ka na. Pero ayos lang kasi ngayon sinabi mo na ang totoo. Kung ano man ang dahilan mo sa pagsesekreto, we'll respect it. Break a leg." Ngumiti sa akin si Kelsie.

Honestly, my friends are annoying and bad influence at times pero ngayon naramdaman ko ang sincerity nila bilang kaibigan ko. Kung hindi man nila ipagkalat ang tungkol dito, siguro mas makakapag open up na ako sa kanila.

Narealize ko rin na hindi ako perfect na kaibigan. Sumasama lang ako sa kanila kapag stress ako at iiwan ko naman sila kapag masaya na ako. I feel so ashamed.

Ginabi ako ng uwi. Hindi pa rin tapos ang party nila Niko. Ayos lang naman sa akin kasi hindi siya party person. Minsan lang 'yon. 'Wag lang siyang malasing.

I did my usual routine at night. Tinignan ko rin ang mga pinamili ko kanina sa mall na mga gamit. Bago ako matulog, pumunta muna ako sa kwarto ni Mama para magkwento sa kanya ng mga nangyari ngayong araw. Naboboring kasi siya sa kanyang kwarto.

Nagtipa ako ng mensahe para kay Niko. Sinabi ko na nakauwi ako ng maayos at matutulog na. Hindi naman siya nagreply. No'ng sumapit ang alas diyez ng gabi, nagulat ako kasi biglang tumawag si Niko. I guess he's home. Hindi na niya ako napuntahan.

"Hello?" Bungad ko. Ibang boses naman ang narinig ko sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko,

"Hello? Dia? So it's really you. Listen. This is Jayus. Niko and I got involved in a car accident. We're here at the hospital right now. Niko don't want me to tell anyone about the accident but I think you should know about this."

I'd Be A Fool Not To Love You (published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon