CHAPTER 17
DIA
DALAWANG linggo na ang lumipas no'ng nadisgrasya si Jayus at Niko. Nalaman 'yon ng Daddy ni Niko and he got scolded. Balik ulit siya sa pagkakaroon ng driver. Gumaling na rin ang mga sugat niya. Buti na lang minor wounds lang ang natamo niya. Tinignan na rin kung may blood clot siya sa ulo pero wala naman. Ganon din si Jayus.
Final exam was over too. Pagkatapos kasi ng school festival agad kaming nag-exam. Nakakapagod mag-aral gusto ko na lang maging hotdog.
Hinihintay kong mag loading ang result ng grades ko sa school portal. Hindi ako kinakabahan kasi maganda ang results ng exams ko. Focused kasi ako ngayon sa pag-aaral pero sa ibang subject ay nahihirapan talaga ako.
Nag-loading na ang site kung saan makikita ang grades ko. Tinignan ko ito isa-isa. My grades were not really bad. Kontento na ako kasi ang mahalaga hindi ako mag-t-take ng remedial class! Magiging maayos ang aking sembreak!
Wala na kaming klase ngayon. Pumunta lang ako rito sa school para tignan ang grades ko. Uuwi rin ako mamaya kasi may pinapabili si mama na gamot. She's doing well. Hindi na siya laging nakahiga, minsan ay lumilibot sila ni Daddy sa labas ng bahay. Hindi siya puwedeng mapagod.
Hindi ko alam kung nasaan si Niko. Nasa gymnasium siguro siya para sa dean's list awarding. Pumunta ako sa gymnasium kasi hindi ko mahanap sila Lara.
Pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko sa gym. Dahil siguro sa suot kong crop top, pink skater skirt at platform boots. Ang iba kasi naka-uniform pa. Dumaan lang kasi ako rito sa school kaya hindi ako naka-uniform. Kokonti lang ang students dito sa gym.
Nakita ko si Niko na nasa stage. Naka-upo siya kasama ang ibang dean's listers at professors.
"Uy, Dia." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Alex. May hawak siyang certificate.
"Kasama ka rin ba sa dean's list?" tanong niya.
"Hindi." Tipid kong sagot.
Ha? Ako? Magkakaroon ng ganyang award? Himala na lang kapag nangyari 'yon.
"Bakit ka nandito?"
"Nanonood lang." Bawal bang manood?
"Sayang hindi mo ako nakita sa stage kanina." Pinakita niya sa akin ang certificate niya kung saan nakalagay ang GPA niya. Good job sa 'yo. Nagbunga ang pagiging bida-bida mo sa klase.
Napatingin ako sa stage kasi tinawag si Niko para sa closing remarks. Nakita ko na nakatingin siya sa banda namin ni Alex.
Nag-umpisa na siya sa speech niya. "Before we close today's ceremony, I'd like to take this opportunity to say in behalf of faculty and professors, congratulations to the students." Pumalakpak ang mga estudyante.
Lumapit naman sa akin si Alex at may sinabi. "Ano? Free ka na ba mamaya? Kasali ako sa DL kaya manlilibre ako. Sa downtown lang mag-c-chill." Here he goes again.
"No. May gagawin pa ako mamaya. Dumaan lang ako rito sa school," sagot ko naman.
"Eh? Kasama naman ang mga friends mo. Sila Lara? Gusto ko nando'n ka rin," sambit niya.
"Sorry pero may pinapagawa sa akin si Mama." Pagtanggi ko ulit. Totoo naman kasi na bibili pa ako ng gamot ni mama mamaya.
"Akala ko ba wala kang boyfriend? Bakit lagi mo na lang akong tinatanggihan? Do you hate me that much? Akala mo ba hindi ko napapansin 'yon?"
Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Kumunot ang noo ko. Gusto ba nitong masapak ngayon?
"It is clearly seen your outstand—" Napatigil naman si Niko sa speech niya. Natahimik ang paligid. Nakatingin siya sa amin ni Alex.
BINABASA MO ANG
I'd Be A Fool Not To Love You (published)
RomanceDia Remarque got entangled with the Governor's only son when she seeks financial assistance for her dying mother. She's desperate enough to accept the deal of the governor to get engage with his son in exchange for money. She was shocked when she kn...