Chapter 3

659 12 0
                                    

CHAPTER 3

DIA

MAY group activity kami ngayong araw sa marketing subject. Sa kasamaang palad, ka-grupo ko si Niko. Ang kailangan naming gawin ay mag present ng research at gumawa ng business plan. I have left with no choice! 'Yong professor kasi ang namili ng mga members sa group para raw equal at walang maiiwan sa klase. Now I'm stuck with Niko. I'm really pressured and my hands are sweating.

Siya pa ang itinakdang leader namin para sa activity na ito. Nilalamig ang katawam ko dahil sa kaba. Hindi ako puwedeng maging bobo! Argh! Ayaw kong ipakita sa kanya na wala akong alam sa activity namin.

Nagsimula nang mag brain storming ang ibang grupo pero kami ay hindi pa nag-uusap. Super awkward! Our group is consist of five members. May dalawang lalaki at tatlong babae. Katabi ko ngayon si Niko. As usual, nakasuot nanaman siya ng hoodie. He smells very nice. Ang sarap niyang amuyin. Hindi ko alam kung pabango ba ang naamoy ko o fabric conditioner kasi hindi masakit sa ilong.

Kung sila Kelsie at Lara ang kagrupo ko, panigurado wala kaming magagawa. Wala kasi silang alam gawin kung hindi ang gumala. Hindi ko nga alam kung paano sila nakakapasa sa kanilang mga subjects?

"Any suggestions guys?" tanong ko sa mga ka-grupo ko. Hindi ko na kasi kaya ang awkward na atmosphere. Hindi sila sumagot sa tanong ko. Mukha namang hindi sila interesado sa activity na ito?

Next week na ang presentation ng activity na ito kasi susunod na ang school festival at final exam. May sinusulat na si Niko sa kanyang yellow paper. Nagbigay na lang ako ng kapirasong papel para isulat nila ang kanilang mga pangalan kasi hindi ko sila kilala. Si Niko lang ang kilala ko. I need their names for our group chat.

Sinulat nila ang kanilang mga pangalan sa papel na binigay ko.

Dia Atasha F. Remarque

Lourey E. Monterey

John Ian M. Enteria

Helena G. Garcia

NICHOLAS FINNLEY P. SALVATIERRA

Napansin ko na naka-capital letters ang sulat ni Niko. Parang sulat ng ito ng architect. Malinis at maayos ang mga linya. Puwede bang ganyan ang sulat niya rito? Umubo ako. Pati sulat niya ay guwapo.

Tinupi ko ang papel kung saan nakasulat ang mga pangalan nila. Sa bahay ko na lang gagawin ang group chat namin.

"You are free to choose what part you're going to do," sabi niya nung natapos na ang sinusulat. Pinakita niya sa amin iyon. Gumawa siya ng outline ng mga gagawin naming parts. He is quick at these, huh? Iba na talaga kapag matalino! Sigurado akong hindi na niya kailangan ng mga kagrupo.

Pumili kami ng gagawin naming part. Pinili ko ang tables at market analysis strategy dahil iyon ang topic na madami akong alam. Ayaw kong pahirapan ang sarili ko. Ayaw kong magkamali sa part na kinuha ko.

"Guys, we need to set free the time and location of the place we're going to meet. Saang bahay ang puwede?" tanong ko. Mahirap kasi kapag sa group chat lang kami mag-uusap. Hindi kami magkakaintindihan sa gagawin.

Hindi puwede sa bahay kasi ayaw kong malaman nila ang estado ko ngayon. Simula noong nagkasakit si Mama, magulo na ang bahay. At saka—hindi ako sanay magkaroon ng bisita sa bahay. Tanging mga kamag-anak ko lang ang bumibisita sa aming bahay. Hindi pa roon nakakapunta ang mga kaibigan ko.

"Nakatira lang ako sa apartment at bawal ang bisita sabi ng tenant," sagot ni Ian.

"Malayo ang bahay namin,eh. Kailangan pang sumakay ng bus," sabi naman ni Lourey.

I'd Be A Fool Not To Love You (published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon