Chapter 22
Yvo is not here again. Sabi ni Nana ay hinatid daw nito si Ate Karina sa bayan. Sinamahan niya daw ito sa shooting. Ramdam ko ang inis nang malaman ko iyon pero hindi ko pinahalata. Wala akong karapatan.
“Nana, saan po ang mga gamit ko? 'Yong bag ko po,”
Late ulit akong nagising. Hindi ko pa nakakalimutan ang nangyari samin ni Yvo kagabi. He played with me— with my pûssy to be exact. I came for three times before he finally stopped. Ewan ko kung ano ang sunod na nangyari dahil nawalan ako ng malay.
And I just woke up wala siya. Kumain akong mag-isa. Nagising ako na wala na ang dextrose sa kamay ko. Kinakabahan pa ako tuwing naiisip ko na dumugo ito kagabi. Yvo took all my attentions so I didn't bother to check it last night.
Shame of me.
“Hintay lang, ipapakuha ko kay Lisa.” nagpasalamat ako kay Nana. Inutusan niya ang isang tagapagsilbi na kunin ang bag ko at muling bumalik sa tabi ko. She held my hand.
“Nakapagdesisyon ka na ba, Ava? Natatakot ako para sa'yo,” sandali akong tumahimik. Ano bang kinakakatakutan niya? Hindi pa man niya nasasabi sakin ang totoo ay parang alam ko na ang laman ng isip niya.
“H-hindi pa po pero malapit na,” mahinang sagot ko. Nakakatakot ang ganito. Hindi ko inaasahang aabot sa puntong pipili ako. May desisyon na ako pero ayaw kong sabihin sa kanila kahit kay Nana.
Nang dumating ang mga gamit ko, doon naman umalis si Nana. Nag-ipon ako ng lakas ng loob bago unti-unting bumaba sa kama. Halos maiyak ako sa sakit dahil sa kirot ng gitna ko. Napaupo ako sa isang upuan sa gilid at binuksan ang bag.
Sana walang may gumalaw sa mga gamit ko. Mabilis na hinanap ko ang bagay na pinakakailangan ko. Sandali akong napatigil at kinalma ang sarili. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko maipaliwanag. Natatakot ako sa mangyayari.
Lihim akong nagdiwang nang makita ang— ang contact number ni Ate Josephine at Ate Jeian. Do you still remember them? Hope you still remember.
Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko na hindi ko man lang nagalaw ilang araw na ang lumipas. Napakagat ako ng labi ng maalalang wala pala akong load. I took a deep breath and called the maid that waiting for me outside the room.
“A-ate? Ate Rose?” lakas loob na tawag ko sa tagapagsilbi. Hindi pa lumipas ang tatlong minuto, bumukas ang pinto at pumasok si Ate Rose. Salamat naman at nandito siya.
“May load po kayo, Ate Rose? Pwede po ako patawag?” ngumiti siya at walang pagdadalawang isip na ibinigay sakin ang cellphone niya na cherry mobile. “T-tatawig ko nalang po ulit kayo kapag tapos na po ako,”
“Walang problema, Ma'am. Tawagin niyo nalang po ako,” mas lalong guminhawa ang pakiramdam ko. She doesn't know anything about me.
Mabilis na hinanap ko ang contact niya at dina-yal ang number na binigay ni Ate Josephine sakin. Sana sumagot, sana. Halos mapatalon ang puso ko nang nagring. Kagat ang hintuturo na hinintay kong sagutin nila ang tawag.
“Hello? Sino 'to? Busy ako ngayon—”
“Ako po ito, si Mine po. Naaalala niyo parin po ba ako?” mas lalo akong kinabahan nang wala akong narinig na sagot mula sa kabilang linya. Hanggang sa may narinig nalang ako na isang mahinang hikbi.
“Mine, anak? Ikaw ba 'to? Ang tagal naming hinintay ang tawag mo! Nasaan ka? Anong nangyari sa'yo? Sinaktan ka ba nila? Sabihin mo sakin,” nakaramdam naman ako ng lungkot nang marinig ang gasgas na boses niya. She sounds so hurt and regretful.
BINABASA MO ANG
She's Mine
RomanceIt's about obsession, age problems, and past. Will he be willing to forget his past to love her? And will she stay with him despite of his bad sides and stupid beliefs? When will he realize that he loves her?