Chapter 39

2.5K 35 0
                                    

Chapter 39

“Yvo, saan ba tayo pupunta? Kapag hindi mo pa sinagot ang tanong ko, nakooo!”

Kanina ko pa siya tinatanong kung saan ba talaga kami pupunta. Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses.

Today is saturday. Wala akong klase dahil weekend. Yvo woke us up so early today. Sabi niya may pupuntahan daw kaming importante pero hanggang ngayon 'di niya parin sinasagot ang tanong ko.

Halos isang oras na kaming bumabyahe. Astra is sleeping on my lap. Yakap-yakap niya pa si Yva habang nasa bunganga ang baby bottle niya.

Saan ba kami pupunta? Bakit parang ang layo naman ata? I'm kinda familiar with the way but I can't tell where exactly we're going.

“What? What will you do?” nang-aasar na tanong niya.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Halata naman na walang epekto ang galit-galitan ko sa kaniya. He just smirked and chuckled. Ang lakas ng loob ng lalaking 'to. Palibhasa kasi bati na kami kagabi.

He pinched my cheek. Masama ang mukhang nilayo ko ang kamay niya. Kanina pa ako naaasar sa lalaking 'to. I don't know what's his plans. I don't have any idea.

“Yvo, naiinis na ako sa'yo,”

“Fine, it's a surprise. Just wait for a bit more. We're heading there,” mabilis na nilayo ko ang kamay ko bago niya pa ito mahawakan.

“Saan?”

“Mine, it's a surprise. 'Wag na makulit,”

Namula ang mukha ko sa sinabi niya. Makulit ba ako? Oo. Para siyang si Astra kung magsalita ng tagalog. Utal at may halong h ang bawat salita.

He sounds sexy every time he speak tagalog.

“Malayo pa ba tayo? Namamanhid na ang hita ko sa bigat ni Astrava,” reklamo ko at inayos ang pagkakahiga ni Astra sa hita ko.

He stopped the car on the corner of the way. “Half hour more. Give her to me,”

“Hindi pwede, Yvo. Nagda-drive ka baka maaksidente tayo,” I said. “Sige na, bilisan nalang natin. Mag-drive thru muna tayo baka gutom na anak ko,”

“Anak natin.”

“Oo na, anak natin kaya bilisan mo.” asar na saad ko.

Ayaw niya talaga magpatalo!

“MINEE, IM HUNG-YI NA PO...”

NAGISING ako sa sa mahihinang tapik sa pisngi ko. Bumungad sakin ang mukha ng anak ko the moment I opened my eyes. Napakurap ako dahil sa lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Hindi ko napansing nakatulog ako. Saan na ba kami? Nangangawit na ang mga hita ko. Sumasakit na rin ang likod ko sa tagal na pagkakaupo.

“Wake up na po ikaw?” kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Ano daw? Hindi ko naintindihan. Umayos ako ng upo at hinawi ang takas na buhok niya paalis sa mukha niya.

“Ano, Mahal?”

She pouted and looked at Yvo. Kibit balikat lang ang sagot ni Yvo. Paniguradong hindi niya rin naintindihan ang sinabi ni Astra. Minsan talaga ang hirap intindihin ng sinasabi mo Astra.

“Num-num, Minee?” I smiled and kissed her cheek.

Inabot ko ang biniling drive thru ni Yvo. I put a towel on Astra's lap before I gave her the food. Makalat siya kumain baka langgamin ang magarang kotse ni Yvo.

“Malapit na ba tayo?” tanong ko kay Yvo habang pinapakain si Astra.

She tried to get the cup of milkshake kaya inabot ko ito at inalalayan siyang uminom. Pilit pa nitong inaalis ang kamay ko kaya mahina kong pinalo ang kamay niya. Umungot siya at naiinis na pinalo rin ang kamay ko. Naman!

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon