Chapter 28

2.6K 46 0
                                    

Chapter 28

“Anak, kain na. Let's go,”

Op-ho!

Natawa kami sa sagot ng anak ko. Astrava stood up and slowly took her way towards me. Tahimik lang kaming nagbabantay sa kaniya, watching her walk all by herself. Malaki ang ngiti nito habang humahagikgik papunta sakin.

“Waaa! Ang galing naman ni Avon ganda!” tili ni Ate Jessi. Pumalakpak pa silang tatlo na parang proud na proud sa anak ko. Kaunti nalang ay parang bibigyan na nila ng ribbon si Astra.

I immediately caught Astra when she reached out of me. Binuhat ko siya. Mahina pa akong napasinghap dahil sa bigat niya. Goodness, she's getting bigger and heavier very day. Kunwareng nahihiya siyang sumiksik sa dibdib ko. I heard her giggled on my chest while clinging on my nape.

Pumasok kami sa kusina. I sat on the chair and the three also did. I'm about to put Astra on the table pero mahigpit ang kapit niya kaya hindi ko siya maalis. So, I just put her on my lap. Mahirap ang ganito. Once na buhatin ko siya, ayaw na niya bumitaw.

“Ma, pakikuha nga 'yung tissue paper,”

Mabilis na inabot sakin ni Mama Phine ang isang supot ng tissue. I wiped the dirty away on Astra's lips. Katulad ng dati, panay ulit ang kuwento ni Ate sa ex-boyfriend niyang— nakalimutan ko ang pangalan.

“Jinowa ko lang naman 'yon kasi mayaman! Amp, akala niya guwapo siya?! Guwapo naman talaga siya! Tapos kung sinong malaki ang tt, e mahina naman sa kama!”

Mabilis na tinakpan ko ang tenga ng anak ko. Sinamaan ng tingin ni Mama si Ate at si Ate naman mag-peace sign.

“Jessi! Tumahimik ka na nga lang! Ang laswa ng mga pinagsasabi mo!” — Mama Jeian.

“Sorry na nga! Aray naman, ate! Ang sakit ng kurot mo! Singit mo kaya ang kurutin ko?!” makdol ni Ate nang kurutin siya ni Mama sa gilid.

We heard Astra giggled. “Minee, Jesh-jesh bad!” saad nito at tinuro pa si Jessi.

“Ugly si Jessi, 'di ba, Avon ganda?” pang-uuto ni Mama kay Astra.

Umiling-iling naman ang anak ko at kinaway-kaway pa ang kamay sa ere. She held my both cheeks and made me look at her. Her innocent and cute circled eyes caught mine.

“No, Minee,” iling-iling nito. “Not ugly Jesh-jesh!”

Sa sinabi niya, tumawa ng malakas si Jessi. At inasar si Mama na kuno maganda siya. Ang anak ko namang maganda pumalakpak at tumawa na para bang naiintindihan ang nangyayari. Inabot pa nito sa dulo ng buhok ko at hinila kaya napangiwi ako.

“ANAK, MAG-INGAT KAYO DITO. Aalis na kami,” paalam ng dalawa kong mama.

Lumapit sila sakin at hinalikan ang noo ko. They're about to kiss Astra but my baby refused. Nagtago ito sa leeg ko at umungot. Umiling pa at kinagat ang tenga ko. Jusko! Napanguso sila Mama. Ngumiti sila sakin na parang sinasabing ayos lang.

Ngayon ang alis nila. Dalawang araw lang ang tinagal nila dito dahil marami pa silang trabaho sa lungsod. Nakakalungkot man isipin pero kailangan. Halos hindi man lang kami nakapag- enjoy.

“Ingat po kayo,”

Tuluyan silang tumalikod at umalis. Sumakay sila sa traysikle dala-dala ang mga gamit nila. Malungkot na kumaway sila paalis.

Naiwan kaming tatlo sa bahay. I'm playing with Astra while Ate Jessi is busy texting someone over the phone. Nakangiti pa siya at kinikilig. Hula ko, may bago na namang lalaki 'to.

Someone knocked on the door. Kumunot ang noo ko at nagtaka. Wala naman kaming ini-expect na bisita. Tumayo si Ate at excited na tumakbo sa pinto.

“Pasok ka, Troy! Nako, pasensya ka na sa bahay namin,”

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon