Part 2

4 0 0
                                    

Kaya excited na ako makita si Ate Brianna kaya pumunta ako agad sa kuwarto ko after ko magbreakfast kahit hindi pa ako nagtoothbrush para makavideo call siya at makausap kung kamusta na si baby. Excited to be a tita. Ang hirap talaga maging only child sabik sa kapatid. Kasi naman sila daddy at mommy hindi nagdagdag ng anak.

Kaya nagdial na ako sa instagram ko para makita si Ate Brianna.

" Hi! Ate Brianna, kamusta ka na? I heard that you are going to work for mommy's firm? When are you going here to Thailand? I'm so excited to see you?" I told her. "Hello! First Ashley, I'm fine and the baby is fine. Your Kuya Brian is so excited too for the delivery of our baby. Hindi na ako ininiwan. Ito nga eh napaka clingy at OA. Ayaw ako paalisin ng higaan. Eh, need ko rin magwork kasi minsan may zoom meeting ko sa court tapos may meeting rin ako sa mga clients ko. " reklamo niya sa akin.

"Hoy! hindi ako OA no!Worried lang ako sa baby natin baka mamaya masyadong kang mapagod. Ayoko mastress ang anak ko." sabat ni Kuya Brian sa amin. " Sino ba yan kavideo call mo?" tanong niya Kuya kay Ate Brianna. " Si Ashley lang naman yung magiging yaya ni baby kapag nasa Thailand tayo." sabi ni Ate Brianna. " WOW! yaya talaga ako hindi puwedeng tita lang?" tanong ko. " Puwedeng Tita-Yaya." sagot ni Kuya Brian."Grabe talaga kayo! Hoy! Kuya Brian alagaan mo mabuti si Ate Brianna, kung may mangyari masama diyan lagot ka sa amin nila Daddy at Mommy." sabi ko. " Hoy! ka rin.Hindi yun mangyayari na may mangyayari na masama sa Ate mo at kay baby baka malagot ako sa Kuya Benjaimin mo at kay tito at tita mo. (yung parents ni Kuya Brian) Baka mapatay nila ako. Alam mo naman na start na pinakasalan ko ang Ate Brianna. Si Ate Brianna na ang anak nila hindi na ako. Minsan talaga nagtataka ako kung anak ba ako labas." reklamo ni Kuya Brian. "Wala na Kuya na out throne ka daw na sa family mo. Tigas daw ulo mo eh." sagot ko. " Ayoko na suko na ako sa inyong dalawa, Mahal,ano gusto ninyo kain ni baby? Magluluto na lang ako kasi never mananalo sa inyo." sabi ni Kuya. " Mahal, gusto ko ng fried rice with lots of garlic and corn, bacon na super crispy , egg na perfect ang sunny side up niya, korea sausage, very cold lemon juice with lots of sugar caramel." sagot ni Ate kay Kuya. "WOW! Si buntis grabe ang cravings Mahal, it's 12 midnight here in New York, saan naman ako hahanap ng korea sausage ng ganitong oras? Tapos kapag nasa harap mo na magbabago na gusto mong kain. Ano ba talaga?" reklamo ni Kuya. " No choice ka bakit mo ako binuntis? "sagot ni Ate Brianna kay Kuya Brian. " Ito na maghahanap na ako ng Korea store na bukas. Sana meron pang bukas." sagot ni Kuya Brian. " Sige na Ashley at yung ate mo gutom na. Sana kainin niya yung lulutuin ko." paalam ni Kuya Brian. " Ate, sana makapunt kayo dito sa Thailand." sabi ko. " Oo nga eh, pero naghahanap na ang Kuya mo ng bahay diyan na malapit sa inyo kasi gusto niya malapit lang sa family natin para kung may meetings siya sa resort at kung may emergency madali lang siya makakapunta sa akin." sagot ni Ate. " Ate, anong business ni Kuya ngayon?" tanong ko. " Ngayon, nagpart sila ng Resort World sa Thailand kaya he is always on meeting with the head of Resort World. Busy rin ang kuya kasi need niya magsave ng money para sa magiging baby niya. Ako naman may trabaho kaya hindi ko na kailangan ng pera niya. Lagi naman sinasabi ng kuya mo na "What is mine is yours too!" Kaya wala naman akong problema sa kanya. Saka sa akin nakaname yung hotel sa Batanes kaya wala rin akong masyodang problema sa pera." sagot niya. " Sige na Ate late na bawal sa baby na napupuyat ka na. Drop ko na yung call natin tawag na lang ako uli sa susunod ng araw. Thanks Ate for entertainting my call and I love you so much. See you soon" paalam ko. " Okay, Ashley alam ko na umaga na diyan sa Thailand at magreready ka na for your school sige bye muna at nandito na ang Kuya mo. I just send your goodbye to him. I love you and See you soon." paalam niya. After ng goodbyes namin at nagdrop na kami ng call kasi titingan daw ni Ate kung nakabili si Kuya ng korea sausages. Craves nga naman ng buntis napakacomplicated.

After namin mag usap ni Ate Brianna ay nagstart na ako mag ayos ng kuwarto ko kasi medyo magulo kasi nakakalat yung mga damit ko na malinis at madumi naghalo na. Actually, kapag gusto ko mag isip ay gusto ko magulo ang paligid ko. Ayoko na mag ayos kasi nakakapag isip ako kapag magulo ang kuwarto ko. Pero napagalitan ako kanina before ako umakyat para makipag video call kay ate. Kaya kailangan ako mag ayos ng kuwarto puro madumi at magulo ang kuwarto kaya madalas sabihin sa akin na magulo ang buhay ko.

My First Love (Young, Wild, and Free Series 1) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon