Part 19

9 1 0
                                    


"Baby, plano ko na pumunta ng Thailand uli. Gusto ko na siya makilala. Ang laki na ng pagkukulang ko sa kanya. Kilala kaya niya ako?" tanong ko kay Brandon.

"Baby, oo naman hindi naman nagkulang si Brianna sa pagkuwento niya about sa iyo. Mahal at maiintindihan ka niya. She is a smart and beautiful girl like her Mom." sabi niya.

Oo tama nagkaroon kami ng anak ni Daniel yung time na yung unang ginawa namin yun nabuntis niya ako. Yung nalaman ng parents ko ay magdecided na sila na magleave of absences muna ako sa Harvard. Buti na lang yung parents ni Brandon may kilala sa Harvard at alumni ng Harvard yung Daddy niya kaya na gawan ng paraan. Tanggap ng parents ni Brandon na may anak ako sa ibang lalaki. Mahal na mahal nila si Ericka Daniela Aaron.

Kaya Aaron ang surname niya kasi ayaw na nila mabago pa yung surname niya kung sakali magpapakasal kami ni Brandon. Utang ko sa kanila yung taon na kailangan ko itago sa tao na buntis ako.

Nalaman rin ng parents ni Daniel na nabuntis ako ni Daniel pero nakiusap ako na wag sabihin kay Daniel kasi gusto ko na makatapos siya ng pag aaral niya. Kahit ako ang nagsacrifice sa kanya.

Walang nakakaalam kung hindi mga kaibigan ko na nabuntis ako ni Daniel. Kaya ngayon lihim pa rin na may anak ako kay Daniel.

Pasimple na pumupunta si Rodrigo Duterte sa Thailand para makita niya yung apo niya sa akin. Grabe ang ganda ng anak ko. Mana kay Daniel ang mata niya at tawa niya. Sa akin naman niya nakuha yung pagiging mabait at shy type. Masayahin na bata si Ericka.

Sana hindi siya magalit sa ginagawa ko. Na iwan siya. Sobrang mahal na mahal ko siya. Siya ang isa sa back bone ko tulad na lang ni Brandon.

"Kailan mo gusto pumunta sa Thailand para makausap ko na si Brianna na pupunta tayo doon. Para maischedule ko na ying flight natin." tanong niya.

"Natatakot ako kasi baka magalit siya sa akin. By the way,nasa ospital si Daniel kasi nasobrahan sa pagkain pero bukas ma discharge na siya. Ako ang naging doctor niya. Hindi ko alam kung bakit niya alam na doon ako nagwowork. Parang gusto ko na umalis doon at lumipat sa New York. Lipat na kaya tayo? Baby. "sabi ko.

" Baby, you are running away. Kung kailangan mo makausap siya sige kausapin mo kasi kailangan mo maging civil sa kanya kasi may anak kayo. Kailangan niya malaman na may anak kayo. Karapatan niya yun. Tatay pa rin siya ni Ericka. Ako second Daddy lang niya. Alam mo yan. "sabi niya.

" Papano kung kunin niya sa akin si Ericka? Papano na ako? "tanong ko.

" Wag ka matakot kasi nandito ako mahal na mahal kita. May law tayo puwede mo makita si Ericka. Kaya relax ka lang kausapin mo muna siya kapag ready ka na. Sige matulog ka na kahapon ka pa hindi natutulog. Ikaw rin hindi ka na maganda. "sabi niya at tukso niya sa akin.

Kaya natulog na ako at yumakap sa kanya. He is comfort zone. Sa kanya ako naging complete. Tinaggap niya kung ano ako at kung ano meron ako. Siya ang lahat sa akin. Maswerte ako na nandiyan sa tabi ko. Kasi ako never ako aalis sa tabi kahit mamatay ako.

My First Love (Young, Wild, and Free Series 1) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon