CHAPTER 1

15 2 0
                                    

AMARAH POV

~Hmm, hmmmmmm, hmmm~

Napahinto ako sa kinatatayuan ko ngayon habang naka ngiti at pinagpapasadan ang onti-onting pag sakop ng liwanag sa malawak na kalangitan.

'Monday...What beautiful start'

"Hayyyyy..." malalim na paghinga ko, matapos akong mag-inhale ng hangin. "Fresh!".  Malamig ang simoy nang hangin kaya pinagpapasalamat ko tuloy na nagsuot ako ngayon ng cardigan.

~I am blood and bone~

Muli kong nilingon ang nilalakaran ko at nagpatuloy sa paglalakad. Palingon-lingon ako sa mga bulaklak na nadaraanan ko. Ang gaganda nila! Ngini-ngitian ko rin mga nasalubong ko kilala ko man ko o hindi. Syempre para magandang-maganda ang bungad ng umaga.

Himala at kahit lunes ay maraming tao ngayon sa park. Kadalasan kasi ang makikita lamang lalo na ngayon ay yung mga nagja-jogging, nage-exercise at yung ibang empleyado sa mga store na makikita din dito. Pero ngayon ay dumoble ang bilang dahil may mga grupo na mga kabataan at iba pa na ang kasuotan at talagang pinaghandaan.

~Writings in the stone~

Mukhang may event na magaganap, obvious naman dahil inaayos yung mga instrument sa stage na located sa gitna ng park na 'to. At rinig na rinig ang pinatutugtog nilang soundtrip. Mukhang marami-raming customer mamaya sana...praying!

Nakarating na ako sa harap ng store, at nilabas ang susi sa bag na dala-dala ko.

"Amarah? Good Morning! Maaga ka magbubukas ngayon ah?" tinig na narinig ko mula sa kaliwa. Napalingon ako at ngumiti.

"Good Morning Kuya Jes, yes, kailangan kong bumawi ilang araw din akong sarado eh". Tuluyan ko ng nabuksan ang lock at binulsa ito.

"Quit Calling me 'Kuya', Balita ko nga kakauwi mo lang galing Cebu?" Tumango ako. Kaedaran ko lang din si Kuya Jes, Coffee Shop owner siya katabi ng Flower Boutique ko. Matangkad at matipunong lalaki. May itsura, asset niya yan kaya madaming customer na dumadayo at pabalik-balik pa nga, yun nga lang...maharot.

"Oo, Kasal kasi ng classmate ko kaya ayun..." Hinawakan ko ang door knob saka tinuloy ang pagsasalita. "Hindi naman ako pwedeng tumanggi". Ngumisi siya at nag crossed arms pa. Onti-onting lumapit sa akin hanggang sa isang tao nalang ang pagitan namin.

"Sabi ko sayo, kung sinagot mo na ako, Edi sana tayo na ang kinakasal ngayon". 'Wow..hindi nga ako pumayag mag paligaw sayo.' I don't have any grudge to him, hindi ko lang talaga siya type at kahit nasa tamang edad na ako hindi ko pa feel na mag-commit. Pero since  ayaw ko namang maging rude sa kaniya, tinawanan ko nalang.

"Sira, 'wag ako iba nalang, Haha!" Tumingin ako sa relo and it's 5:50 am palang. Tumingin din ako sa harap ng boutique dahil katapat kasi nito ang stage na ilang dipa ang layo.

"Anong meron? May event ba?" Tanong ko habang sinisilip ang mga taong nag aayos  sa stage.

"May promotion event daw ng shampoo product, Mamayang 8 am umpisa". Walang ganang sabi niya at tumingin din sa paligid.

"8 pa pala, bakit daming ng tao? May banner pa yung iba? Lalabas ba ang Ben&Ben after nito?" Biro ko, Kitang kita naman kasi na parang may iba pang dahilan yung iba para pumunta kasi may banner at may long ballons pang hawak ang karamihan.

"Nice guessing. May gigs after ng promotion". Lumingon ako sa kan'ya at ganun din siya. "Wanna go there....with me?" Kumindat pa. (◐∇<)

AMARAH: The Chronicles of AfariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon