ISANG LINGGO NA ANG NAKAKALIPAS simula nang mapunta ako dito. Walang araw na hindi ko inisip paano bumalik at bakit ako nandidito. Kung kamusta na ba ang flower boutique ko, nama-manage kaya ni Lecxy nang maayos? Wala naman na akong malapit na relatives bukod sa kanila, I didn't make so much friends maliban sa mga college friends ko. 'How's their life?'
I'm still on the process of accepting, nandidito lang ako sa bahay-ampunan kasama at katulong ni Manang Imeng sa pagaalaga nang mga bata. Buti nga kahit papaano nandito sila at naiibsan ang lungkot ko.
I still feel weird na makisama sa kanila't lumabas dahil sa itsura palang sobra na akong na-ooverwhelmed. Hindi ako nangja-judge, they look fine at all pero bilang foreigner sa lugar na ito hindi ito normal para sa akin.
Hindi ako lumalabas at tanging sa bakuran, loob at harap lang ako ng bahay nakakapaglibot-libot. Madalas pa nga ay loob at bakuran lang dahil kada may napapadaan dito na kalahi nila ay napapatingin sa akin, dahil tulad nila hindi rin sila sana'y na may ibang lahi sa lugar na kinabibilangan nila. It's either they feel amused or confused.
Nandito ako ngayon sa kusina at naghahanda ng pagkain namin sa tanghaliang ito. Matapos namin mag-usap ni Galleon noong nakaraan ay pinakiusapan niya si Manang na dito muna ako patuluyin. Bagamat 'di namin sinabi ang tunay na dahilan, mainit niya akong tinanggap gayon din nang mga bata.
Pinatay ko na ang apoy sa lutuan at tuluyan na itong tinakpan. Traditional ang halos lahat dito sa mundong ito. Noong una, akala ko talaga sa fictional lang nangyayari ang mga mahika-mahika. Ngayong nandito na ako at nakakaranas, para akong bumalik sa umpisa. Taga-observe, tinuturuan, at taga-pakinig sa lahat. Maraming bagay na ang nagpagulat sa akin. Pati ang mga pagkain, parang another variant lamang nang kung ano ang nasa mundo ko. Hindi naman ako nahirapang mag adjust doon.
Lumakad ako papuntang lampara na nasa gilid ng pader, isa to sa nagpa-warshock naman talaga sa tanang ng buhay ko. Kung titignan sa malayo, akala mo bulb ang loob o 'di naman kaya'y apoy kasi nga manual ang mga gamit dito. May bukasan ito na parang maliit na pinto, binuksan ko ito at lumabas ang isang maliit na creature na kung tawagin man sa atin ay 'fireflies'. They are mostly relate to that kaso ang itsura niya ay parang bubuyog na may malaking pakpak na transparent at kapag ipinagaspas niya ito ay nakaka-create ng liwanag.
Hanggang ngayon 'di ko nga alam paano nangyayari yun pero sila ang dahilan bakit maliwanag ang mga lampara. Kung paano naman sila nakinukulong sa lampara at napapailaw, dahil ito sa pagpapakain sa kanila nang food. Si manang ang nagbibigay nito madalas kaya hindi ko alam ano ito. Ito na ang kusang lalapit kapag naka-amoy sila at kinukulong sa lampara. It may looks cruel para sa mga insekto pero that's how nature works.
Sinarado ko ulit ang lampara at kumuha na nang mga plato't baso saka inilagay sa lamesa.
*KNOCK! KNOCK!*
Napalingon ako sa kumatok at agad ko naman pinagbuksan.
"Manang, sakto po nakauwi na kayo. Kakatapos ko lang po mag-luto" Bungad kong saad at ngiti siyang sinalubong. Galing siyang palengke para bumili nang stock dito sa bahay, pero takha akong tumungin sa kaniya dahil wala siya ni isang bit-bit.
"Salamat iha, nga pala andito si Galleon. Iho, pasok ka". Kaya naman pala, nakatinginan kami at ngumiti. Last na kita at usap namin ay noong unang gabi ko dito kaya ngayon nalang ulit. Hindi naman na ako ilang sa kaniya pero hindi ko rin masasabing malapit kami sa isa't isa. I'm thankful to him na tinulungan niya ako.
"Kamusta?" I asks him. "Tulungan kitang magbuhat" May ilan akong kinuhang bayong at sabay kaming pumunta sa kusina.
"Ayon, It's really exhausting lalo na pag may responsibility ka", he said saka nilapag ang hawak namin sa lamesa nang kusina. Sumandal siya sa dito at nakahalukip-kip. Halata ngang pagod siya. Inilabas ko isa-isa ang mga nasa loob at inilagay sa pantry.
BINABASA MO ANG
AMARAH: The Chronicles of Afaria
Ficción GeneralSa araw-araw, Marami tayong nakakasalamuha, nakikilala at nakakasama...Natatandaan mo pa ba sila? May mga bagay na ang hirap ipaliwanag, Mga pangyayari na sa tingin ko nakita at naranasan ko na. Sobrang pamilyar. Yung tipong parang nabuhay ako nang...