CHAPTER 6

3 1 0
                                    

Amarah's POV

Ito na ba ang napapala ko sa kakapanood nang encantadia? Tulala ako ngayon sa estrakturang nasa harapan ko. It was just I just entered a realm of faries and fantasy. Ang ganda!

Nagtataasang mga gusali na para bang gawa lahat sa kahoy at sa kahit saang anggulo ay may mga halaman at bulaklak. Hindi ko na namamalayang lumalakad na ako patungo sa loob nang syudad na ito.

Nakatingala ako sa aking mga nakikita,  I feel enchanted at sobrang gaan sa feeling. Dumaan ako sa malaki at malawak na tulay na gawa mismo sa punong kahoy, kitang-kita ko pa ang mga wood grains---tawag sa mga linya na makikita sa puno. There street lamps were like an antique design came from all the way back 1800's.  

Even the railings were made with wood branches na pinagtagpi-tapi pero matibay. Sinilip ko ang tubig sa ibaba, napaka-linis at may mga naglalanguyan ding mga isda. I knew I'm smiling ear-to-ear, this place is such a dreamy! Gaano ba ako kapagod kahapon at sobrang lalim ng tulog ko? Parang ayaw ko na gumising. Haha!

Tumingin ako sa paligid ko, walang mga tao--or should I say mga kakaibang nilalang. I sigh as a relief. Baka ano naman mangyari sa akin, dami nang ganap dito sa loob ng panaginip ko. 

Akmang aakayat nang nang hagdan patungo sana sa itaas kung saan nandoon yung isang structure nang mapatigil ako. 

"Wala na po akong ibang dala...pa-parang awa niyo na", rinig kong ngarag na boses nang isang batang lalaki. Napalingon sa kaliwa ko, may mailiit palang eskinita na nalagpasan ko at 'di ko napansin dahil sobrang naa-amaze ako kanina. Sumilip ako nang bahagya sapat na para makita. 

Medyo madilim ngunit naaaninag ko ang dalawang matangkad na pigura na nakatalikod sa akin. Hindi ko tuloy makita if may batang lalaki tulad nang narinig ko.

"Ilabas mo na, tignan mo malilintikan ka pa lalo", ani ng isa pang boses. Ano bang pinagagawa nang dalawang 'to? Ang tangkad-tangkad ang liit namang ng utak. Pumapatol pa sa bata. Hindi naman sa pagiging judgmental, there were just right method how to approach people lalo na ang mga bata ano man ang ginawa nila. 

"W-wala po talaga akong alam sa binabanggit ninyo, kakadaan ko lang din po------argh!" Nagulat ako nang sikmurahan nang isa ito. What the heck!? Bata yan! 

Hindi na ako nakapagtimpi at nilapitan sila kahit madilim. I will not care kung panaginip ko man ito, hindi ako papayag hanggang dito may mga bayolente sa mga bata. 

"HOY! Ang tangkad-tangkad niyo pumapatol kayo...s-sa...s-sa b-bata" Tila naputol dila ko nang humarap sila sa akin, mas matangkad sila sa personal, matangos ang mga ilong, moreno, kakaiba ang suot at ang pinaka-nakakaloka ay MAY TENGA SILANG PANG-DUWENDE! 

Oky, 'di ko pagkakailang may itsura sila pero BAYOLENTE SILA. Bigla akong natakot na kinilig konti. PERO NO! THEY ARE OFF!

Tumaas ang kilay nilang dalawa at nagkatinginan pa. "Anong ginagawa nang isang binibini sa eskinitang madilim?" ngumisi pa siya. Anak nang---manyakis pa nga. Wala na, lalo sialng pumanget sa paningin ko. 

Tinaasan ko din sila nang kilay at pumamewang pa. Aba, hindi ako basta-basta bumibigay sa itsura. 'Kinilig nga kanina e' ani ng konsensya ko. Well, kanina lang yun. Person can change. 

"Eh kayo? Anong ginagawa niyo dito at pinagtutulungan niyo yang bata?" napatingin tuloy ako sa batang nasa harap ko. Maluwag ang damit at short niyang mukhang kupas na. Nakaluhod siya ngayon at nakahawak sa tiyan niya. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil sa payuko niyang daing. Lumambot ang puso ko sa nakita ko at namuo ang galit sa dalawang siraulong ito. 

"Ang galing niyo rin ano? Paano niyo nakukuhang 'di makonsensya matapos niyong saktan yung bata." Humakbang nang konti ang isang nasa kaliwa at yumuko para pantayan ako. 

"Hindi kinakailangan nang konsensya sa magnanakaw". How absurb!

"Paano niyo nasabing siya ang kumuha? Sa tingin niyo ba makatarungan yang ginagawa niyo? Pwede namang kausapin bakit kailangan niyo pang saktan?"

"Wala ka nang pakealam sa pamamaraan namin, Binibini. Kung ako sayo, mas aalalahanin ko ang sarili ko lalo na't na sa madilim...ikaw pa'y nagiisa" ngumisi siya at tumawa sila nang isa pa niyang kasama. 

Sayang ang ganda nitong lugar sa mga ganitong klaseng nilalang. Nakaka-disappoint, bakit sila ganito? Sa hindi malamang dahilan sa halip na matakot ako ay nalungkot ako para sa kanila. 

"Pakawalan niyo na yung bata, sa tingin niyo sa suot niya ngayon may magpalalagyan siya nang kung ano man ang hinahanap niyo?" malumanay kong sabi. Napatigil sila sa pagtawa at tumingin sa bata. 

"Hoy!" mahinang sinipa nito ang balakang. Bastard! "Hindi mo naman kailangan sipain! Ano ba!" inis kong ani sa kaniya. Nginisian niya lang ako. 

"Tumayo ka diyan, Hoy!" sigaw namang nang isa. Kahit na mimilipit ay dali-dali siyang tumayo. Pagtungo niya ay nagtugma ang mga mata namin. Omy...he's adorable.

Tumakbo siya sa pinanggalingan ko kanina. I feel relieved nang makaalis na siya dito, tho sobrang nakakaawang nasaktan pa siya. Anyway, let Ate handle this bastards. "Buti naman ginamitan niyo na nang utak", inis kong ani. 

"Ngayon binibini...may alam ka ba sa hinahanap namin?" Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang tanong niya. Pinagsasabi nito? 

"Kakapunta ko lang dito anong alam ko?", Nagtinginan ang dalawa at ngumisi. "Bahala kayo diyan". Naasar lang ako lalo sa mga tinginan nila tapos ngingisi, habit ba nila yan? 

"Oh! Aalis ka na?" humarang yung dalawa nang binalak kong lumakad kung saan pumasok.

"Tingin mo magbabakasyon ba ako dito sa eskinita?" pambabara ko. Umasim ang mukha nila at masama akong tingnan. Did I hit the nerve? Sayang, sana sa sikmura nalang. 

"Kanina pa ako pikang-pika sayo. Hawakan mo nga yan, wala namang masamang tumikim nang taga-ibang lugar". Ang kaninang tapang ko ngayon ay biglang napalitan nang takot. Fudge, anong gagawin ko ngayon?

"Huwag kang lalapit, Aray! TULONG---ASDFHJKL!" Mabilis akong nahawakan at tinakpan ang bibig. Sinubukan kong pumiglas pero sobrang lakas niya, lalo lang ako nasasaktan. 

"Ngayon mo ilabas ang tapang mo", nakangising banta nang lalaking papalapit sa akin. Sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko. 

"Tapang sa pagitan ng hita. HAHAHAHA!"Gatong pa nang isa at nagtawanan na parang nakakaloko. Pinagpapawisan ako nang malamig. I don't want this. Pilit akong kumakawala pero sobrang lakas at tangkad nila, talo pa rin ako sa pisikal. Naluluha ako.

"Huwag ka nang pumiglas...masasarapan ka pangako". Bulong nang may hawak sa akin. Kinilabutan ako at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Tuluyan nang nakalapit ang isa at akmang hahalik. 'No, no, no, no, I don't want to be here----GOD PLEASE!' 

Hindi ko na ininda ang sakit sa patuloy na pagpupumiglas. "PEIRTA! ANG GALAW!" rinig kong sigaw niya at akmang pagbubuhatan ako nang kamay. Baka blessing-in-disguise na rin ito para matrigger akong magising, still, this is not the best way I wanted. Napapikit nalang ako...hoping that I'll wake up from this nightmare.

.

.

.

.

.

"AHHHH!!!" Agad akong napadilat nang maramdaman kong bumagsak ang katawan sa gilid ko at likod ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakahilata na ang mga ito sa lupa at parang wala nang buhay. Omygosh...who did that?!

"Wew! Akala ko nahuli na ako", rinig kong boses mula sa harap. Agad akong napalingon at doon ko nakita ang pinadala para iligtas ako ulit...


To Be Continue...


AMARAH: The Chronicles of AfariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon