CHAPTER 3

10 1 0
                                    

Third Point of View

Ang daigdig ay hindi lamang umiikot sa iilang nilalang, singrami ng mga bituin sa kalawakan ang iba't ibang uri pa ng mga nabubuhay. May mga maliliit, malalaki, babae, lalaki, hayop, likas na kalikasan, may mga normal...at mga may kapangyarihan. Isa rito ang mundong tinatawag na AFARIA, ang mundo ng mga nilalang na tinatawag na Afarian. Sila ay may likas na kakayahan, mga abilidad na ibinigay ng maykapal upang mapangalagaan at mabuhay ng payapa sa pinangakong tahanan habang nabubuhay. Sari-saring lahi ang makikita sa bawat lupang sinilangan, iba't ibang klase ng lakas, at uri ng nilikha...ito ang mundo ng hiwaga.

Sa isang katutubong lugar malayo sa ilang karatig bansa nakatira ang mga nilalang na tinatawag na Demian, sa kasalukuyan ay nagsisitipon sila sa gitnang bahagi ng masukal na kagubatan ng HARAN. Pinalilibutan nila ang sentrong bilog na gawa sa mga iba't ibang uring pinitas na bulaklak. Ang pagsayaw ng mga kababaihan at mga kalalakihan ay isinasagawa kaagapay ng mga instrumentong gawa sa kahoy at pinatuyuang balat nang hayop. 

May mga kumakanta at may mga nag-hahagis ng mga talulot ng bulaklak sa loob ng bilog. Ito ay isang ritwal na sa paniniwalang paraan upang maiparating ang mga nais na mithiin at hiling ng mga Demian sa kanilang pinaniniwalaang Diyos. Ang dahilan kung bakit nila ito isinasagawa ngayon ay upang humiling ng maiaalay sa dulong bahagi ng kagubatan kung saan matatagpuan ang kwebang nagkikibli ng isang halimaw.

Tila dininig ng maylikha ang kanilang hiling at isang babae ang ibinaba nang napaka-liwanag na sinag ng araw sa gitna nang ritwal na nagpasilaw sa lahat....

Amarah's Point of View

"T'stoía La Oulafaë, Fior! (Hulog ng Langit, Fior!)"

"Hmmmm....." Naantok pa ako, ang ingay naman ata? May nagaaway na naman ba sa kabilang apartment? Oh my...ang aga-aga. "Shhhhh! Tutulog pa ako..."

Hindi ko maidilat ang mga mata ko, ang bigat at parang pagod na pagod. Gusto ko nalang matulog ng matulog. Ayos lang naman siguro kung hindi muna ako mag bukas ng boutique, o si Lexcy nalang siguro magbukas....? 

 Si Lexcy...naginom ba kami kagabi? Argh, hangover ata 'to.

 "HELP ME!"

Biglaan akong napabangon at namulat ngunit nasilaw ako ng sinag ng araw kaya napapikit ako muli. Ramdam ko ang daloy nang kirot sa sintido kaya nakapikit ko itong hinilot, "Aww! Migrane sucks" I groaned. Hindi ko ba nasara ang bintana kagabi?

Onti-onti akong nagmulat at una kong nakita ay...damo? Bakit ako nasa damuhan? 

Tumingala ako at nasilaw sa liwanag ng sinag ng araw. Aray ha! Second time na 'to.

'Teka, nasaan ba ako?'

Kalaunan ay nabawi ko ang normal na vision at napatingala ako only to find out na pinalilibutan ako ng mga puno. Kailan pa naging jungle theme ang kwarto ko? 

 "Binibini?"

Agad akong napalingon sa nagsalita at laking gulat ko nang makita kung ano ang nasa harapan ko..."AHHHHHH!" Mabilis akong napatayo. 

Nagulantang ko din ata sila sa ginawa ko ahil nagsia-trasan sila at tinutukan ako ng mga mahahabang sibat!

'What the f----Bakit may mga buntot at tainga sila ng hayop?!'

May katawan silang tao pero yung ibang part ng katawan nila ay hayop. May mga kasuotan din sila na parang maihahalintulad sa mga kasuotan ng mga katutubo. Ang mga kapirasong tela ay tumatakip lamang sa kanilang maselang bahagi ng katawan. Halos na duling na rin ako sa dami ng mga alahas na nasa katawan nila.

AMARAH: The Chronicles of AfariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon