Sa Susunod Na Habang Buhay

72 7 0
                                    

It was raining that day when you handed me an umbrella. I glanced at you, confused. Nakakapagtaka na sa dami ng mga estudyante sa loob ng waiting shed ay sa akin mo pa inalok ang payong.

Maybe because you were mesmerized by my beauty? I don't know.

I didn't take it as I stay away from you. As if you were some pervert or addict guy. I heard you chuckled.

"Ang arte, sya na nga 'yong inaalukan," narinig kong bulong ng mga babae sa tabi ng lalaki.

Tinignan ko sila at inirapan. Kasalanan ko pang maarte ako? Atleast maganda.

At saka, bakit ba sa akin ibinibigay ng lalaki 'yong payong? Pwede namang gamitin nya nalang para makaalis na sya rito. Ano bang tumatakbo sa utak nya? Gusto nyang makita ng ibang babae rito na gentleman sya? Nagpapasikat sya ganon?

Mga lalaki nga naman oo.

Unti-unting nagsi-alisan ang mga taong kasama naming nag-aantay ng sundo sa waiting shed. Hanggang sa kaming dalawa nalang ng lalaki ang natira.

Sa tagal tumila ng ulan ay naiirita na ako. Nagsasalita na ako mag-isa, habang inilalabas ang inis ko.

Narinig ko ang mahinang tawa ng lalaki. Matalim ko syang tinignan, na para bang kinukulam ko sya sa aking isipan.

Itinikom nya agad ang kanyang bibig at umiwas ng tingin. Mukang natakot.

Huminto ang itim na sasakyan sa harapan namin. Akala ko sundo nya ngunit hindi.

"Miss, alam mo ba kung saan ito?" Lalapit na sana ako para tignan ang address sa maliit na papel na hawak ng lalaking mukang naka-laklak ng ihi ng kabayo, nang pigilan ako ng lalaking may payong.

"Don't," seryoso nyang sabi habang pinagmamasdan ang lalaki.

"Oh sige, ikaw tumingin. Tutal desisyon ka eh," prangka ko.

May sinabi 'yong lalaki sa loob ng sasakyan kaya lumabas 'yong dalawa nyang kasamahan. Nagsuspetsa na kaagad ako dahil iba ang galaw nila. Tumingin sila sa paligid kung may mga tao.

Kinuha ko naman ang pagkakataong 'yon para tumakbo, hawak ang lalaking may-ari ng payong.

We run as fast as we can, wala na akong pakialam kahit basa na kami ng ulan, makalayo lang sa mga taong 'yon.

"Umupo ka rito para walang maka agaw ng pwesto," utos ko sa kanya nang makarating kami sa labas ng 7/11.

Hindi ko na sya inantay pang magsalita. Pumasok na ako sa loob para bumili ng dalawang noodles na naka cup at dalawang slurpee, nang mabayaran ko na ay lumabas na agad ako. Hindi naman kami pwedeng sa loob tumambay dahil basang basa kami ng ulan.

"Oh," I gave him the noodle and slurpee.

"Thank you. How much is this? I'll pay you back." Dudukot na sana sya sa pitaka nya ng pambayad nang pigilan ko sya.

"Hindi na," I said as I start eating.

"What's your name? Base on your uniform, we're schoolmates," nakataas kilay na tanong ko.

"I'm Ian, and you?"

"Hazel."

And that is the beginning of our love story. Kahit nakakairita at prangka akong kausap, tinatawanan mo lang ako. Kahit ang sungit-sungit ko ay pinagtiyatiyagaan mo lang ako. Hindi ko alam kung dahil ba naaawa ka lang sa akin kaya mo ako iniintindi? Because you know where family I came of. I came from a broken family. While you, hindi mo naranasang maabandona.

A not-so-happily ever after... Where stories live. Discover now