May mga panahon at pagkakataong ipapamuka sa atin na 'yong taong sobrang mahal natin ngayon ay hindi panghabang panahon. Sabi nga nila, pinagtagpo lang kayo pero hindi itinadhana. Na kahit anong pilit mo, hindi magiging kayo hanggang dulo.
Life is full of surprises. Darating na lang ang araw na makikita mong nasa kamay na sya ng iba sa bilis ng panahon.
I'M just a simple, ordinary girl who sometimes prioritized studies, even though I'm not that smart and talented enough to make my parents proud. Hindi ako tulad ng mga bidang babae sa isang libro. Walang espesyal sa akin kaya siguro wala sa aking nagkakagusto, lalo na 'yong crush ko.
"Kira, si Nox 'yong crush mo!" Automatic kong tinakpan ng libro ang muka dahil sa kahihiyan. Kahit kailan pahamak talaga 'tong si Janelle.
"Sige, isigaw mo pa," iritable kong sabi. Pinanlakihan ko sya ng mata sa sobrang inis at hiya.
"Okay lang 'yan, hindi naman sya tumingin," nangingiting sabi nya.
"Sino 'yong crush ni Kira?" tanong ng mga lalaking walang matinong ambag sa mundo. Mga classmate naming loko-loko.
Pasimple kong kinurot si Janelle sa tagiliran para pigilan syang magsalita. Pero ang gaga, hindi nagpatinag.
"Si Nox." Napasampal ako sa noo dahil sa kahihiyan. Kung minamalas ka nga naman. Minsan hindi rin pala maganda ang pagiging honest ni Janelle.
"Si Nox? Mas tarantado pa samin 'yon eh. Gusto mo pala ng badboy." Humagikgik sila ng tawa. "Hoy, Nox! Crush ka raw neto!" Eto na nga ba ang sinasabi ko. Hindi sila makokonsensya kahit isigaw pa nila 'yan sa maraming tao. Kasi nga, ganyan sila katarantado.
Lumingon sa gawi namin si Nox na bumibili ng ice cream. Wala naman akong narinig na sinabi nya. Hindi rin nya ako nakita dahil nagtago agad ako sa ilalim ng simentong lamesa.
"Tanga wala na, nakaalis na sya." Patuloy pa rin sila sa pagtawa. Ang galing nga ng kaibigan ko e, dahil nakikisabay pa sya sa pantitrip sa akin.
Malakas ang kabog ng dibdib ko nang makalabas sa pinagtataguan. Nalaglag ang panga ko nang makita si Nox sa harapan ko. Nakangisi ang loko habang ang kaibigan ko at ang mga kaklaseng lalaki ay mas lumakas ang hagikgikan. Wala na, nakita na nya ng tuluyan ang muka ko. Nalaman na rin nya na nag-eexist ako sa mundo!
"Oh." Iniabot nya sa akin ang isang cup ng ice cream.
"Yieehh, kukunin nya na 'yan!" pang-aasar nila. Inuudyok nila akong kunin 'yon habang tinutulak ang katawan ko.
Mariin akong napapikit dahil sa ginagawa nila. Mas lalo lang nila akong nilulubog sa kahihiyan. Punyeta talaga! Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang muka ko sa pinaghalong inis at kilig.
"‘Wag ka nang umarte, crush mo na 'yang nagbibigay oh," wika pa nila.
At dahil wala na akong magawa, tinanggap ko na lang ang ice cream at ang katotohanang kilala na nya ako.
"Yun oh! Hahaha, may pag-asa naman ba si Kira sayo, Nox?" At talagang humirit pa sila!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko't palihim kong sinipa ang pasimuno ng lahat. Si Cedric.
"Aray ko, potah!" masama nya akong tinignan sabay hawak sa binti nyang natamaan.
Nakita ko ang pagkibit ng balikat ni Nox kasabay ng pagtalikod nya. Naglakad na sya paalis. Papunta sa room nila.
The next day. Nalaman ko na lang na pinagkalat ni Nox sa lahat ng tropa nya at mga kaklase na may gusto ako sa kanya. Pinagkalat nya rin na ako pala ang chat nang chat sa kanya. Pinagmuka nya akong desperada sa mata ng lahat.