Sometimes, the hardest battle you will face is letting go of someone you spent the half of your life with. Kahit gaano pala kalalim 'yong pagmamahal mo sa isang tao, hindi pa rin maiiwasan na darating kayo sa dulo.
Do'n sa lugar
kung saan ka magiging masaya,
kahit na,
hindi ako ang kasama
Ihahatid kita,
Walang mangungulit
at wala nang magagalit,
'wag kang mag-alala,
ihahatid kita.
Pinaghalong lungkot at tuwa ang naramdaman ko nang una kong marinig ang boses nya maging ang lyrics ng kanta.Hatid; ang lalim ng pinaghugutan. It also says "ihahatid kita, kung saan ka magiging masaya." It conveys a thousand emotions with those simple yet painful words. Even if you want that person to stay, you have no choice but to let them go. Kailangan mong buksan ang palad mo para makalipad ang paru-paro papunta sa lugar kung saan sya magiging malaya.
"Hi Shit! Namangha ka na naman sa boses ko. 'Wag mo namang ipahalata na may gusto ka sakin."
Laglag ang panga ko nang lapitan nya ako pagkatapos nyang kumanta. And what did he fucking call me? Shit?
"Excuse me? Do I even know you?" masungit kong litanya.
"Oh come on, you know me. Magkapit-classroom tayo. I'm Trent," tinuro nya ang sarili. "‘Yong pogi, witty at talented sa kabilang section." He smirked and winked at the same time.
"Maybe you are just mistaken for calling me Shit." Umiling ako at inirapan sya. Akmang lalakad na ako paalis nang humarang sya sa daraanan ko.
"Your name is Shitomi right? That means your nickname is Shit," sambit nya sabay tawa.
"Nakakatawa 'yon?" Walang emosyon ko syang tinignan para lang iparating na hindi ako natutuwa.
Simula noon, palagi na nya akong inaasar at kinukulit. He's fun at magaling syang makisama. Hanggang sa namalayan ko na lang ang sariling nagugustuhan na sya.
"Shitomi, pinapapunta ka ni Trent sa music room," wika ng kabanda nya nang makasalubong ako.
"Bakit daw?" nagtataka ko namang tanong.
"Ewan, baka magpapasamang tumae," seryosong wika nya at sinamahan pa nya ng pagkibit ng balikat.
Hinipan ko ang bangs na humarang sa mata ko. "Muka ba akong nakikipag biro?" taas kilay kong sumbat na tinawanan lang nya.
"Ikaw naman, hindi ka mabiro."
Nilagpasan ko na sya para puntahan si Trent sa music room. Nasa pinto na ako nang marinig ko syang kumanta.
Sa unang tingin
agad na nahumaling,
Sa nagniningning
mong mga mata,
Ika'y isang bituin
na nagmula sa langit...When I entered, our eyes immediately met. He smiled when he saw me, so I couldn't help but smile too.
Namumukadkad
ang aking ligaya,
Sa tuwing ika'y
papalapit na,
Hawakan mo
ang aking kamay...It's like I'm being serenaded. I can't help but be amazed.
"How was it?" he asked nang matapos syang kumanta.
"Ayos lang," I casually said. Tumango-tango lang ako para hindi ipahalatang natuwa ako nang husto.
"Huh? Hindi ka man lang kinilig?" dismayado at gulat nyang tanong.
"What? B-Bakit naman ako kikiligin?" naramdaman kong uminit ang dalawang pisngi ko at nag-assume na naman ako.
"Kasi para sayo 'yong kanta. Hinaharana kita, hindi mo ba talaga nahahalata?"
My jaw dropped and I struggled to form words.
"During our first encounter, I decided to court you. Sana umepekto 'yong pagpapapansin ko sayo, 'cause I want you to be my girlfriend."
Mas lalo akong hindi nakapagsalita dahil sa pagkabigla.
"Please, Shit. Say something," he hopefully said.
Imbes na seryosohin ko ang sinabi nya ay natawa ako.
"Ikaw ah, may gusto ka na pala sakin dati pa," pang-aasar ko na ikinapula ng pisngi nya.
"The feeling is mutual," I said that made him jump in happiness. "But you have to promise me one thing, hindi mo ako sasaktan," seryoso kong sambit.
"I can't promise you that I won't hurt you because many things can happen and we can be tested, but I can promise you that I will fix everything once I hurt you."
Iyon ang pangako nyang pinanghawakan ko. At ang tanga lang dahil naniwala ako.
The things he used to do, he doesn't do anymore. Before, he would give me assurance and I wouldn't overthink, he would give me excessive care and love. Pero ngayon kahit sa simpleng bagay, hinahayaan na nya ako.
Dumating na naman sa puntong ako na lang ulit ang lumalaban. It's funny to think that we both set sail into the ocean together, but now I'm the only one rowing.
"‘Yan ka na naman sa pagiging oa. Ang liit na bagay lang pinagseselosan mo?"
Kinalma ko ang sarili para hindi makapagsabi ng masakit na salita. Pagtapos non ay hinayaan ko na lang sya at pinayagan sa lahat ng gusto nya.
"Trent, samahan mo pala ako bukas, may aasikasuhin lang ako." I'm planning to go on a date with him, sinabi ko lang 'yon para surpresahin sya.
"I can't, may lakad kami bukas ng barkada. Kaya mo na 'yan," sambit nya habang pinagtutuunan ng pansin ang cellphone nya. "Oh baka sabihin mo na naman, inuuna ko na naman sila kaysa sayo, nauna silang nagsabi sa akin."
Huminga ako ng malalim. At hinayaan na lang ulit sya sa gusto nyang gawin.
You know? It's a different kind of pain when you're just waiting for each other to let go.
"Mahal mo pa ba ako?"
"Anong klaseng tanong 'yan?" natatawang aniya.
"Hindi ko na kasi maramdaman," I said and gave him a half smile.
"Kung hindi mo na maramdaman, bakit hindi na lang tayo maghiwalay?" walang ano-ano'y sambit nya.
That's when the realization hit me. Oo nga pala, nagkaroon na rin kami dati ng pag-aaway at halos magmakaawa akong huwag nyang iwan dahil pinanghahawakan ko 'yong pangako nya.
Pinili nya lang ulit ako kasi pinilit ko. Pinilit ko lang isalba at inilaban kasi kaya ko pa naman e, kahit sya hindi na. I didn't know back then that he was only staying for the memories, and not because he's still inlove with me. Tuluyan na syang nilisan ng pag-ibig.
No matter how tight I hold on, we are bound to go separate ways.
I realized that if a man is truly committed to you, he will never leave you. They also say, if the man you love doesn't change for you, he will do it for another woman. Isn't it unfair? That someone else will benefit from the change you wished for? You gave him several chances but he couldn't change for you.
Unloving him isn't easy. But this is destined to happen. He will find someone new, and I will find someone who will not get tired of loving me.
"Ihahatid na kita," he said in a lower voice. Ngumiti ako nang maalala 'yong una naming pagkikita.