Many people wants a relationship that is perfect and will last forever. Syempre, sino nga ba naman kasing ayaw ng ganon. When you love someone, you have to give it all, even if it caused you so much pain in the end. Dahil ganon naman 'pag nagmamahal right? Ibibigay mo ng buo 'yong sarili mo kahit wala nang matira sayo.
Ganoon ako magmahal noon. Kaya nga ako iniiwan kasi masyado raw silang nasasakal. I was too immature to even handle a relationship. Masyado akong overthinker, selosa, at puro duda. That's what they said. Masyado akong mahigpit na kahit makasama lang nila ang barkada nila ay kailangan ko pang sumama.
I felt so lost in the middle of a forest, alone in the dark and finding my way out. It was when my heartbreak era. I'm in a healthy relationship now, I have learned a lot of lesson.
"Where's your boyfriend?" tanong ni Janine, isa sa mga kaklase ko noong elementary.
May reunion kasi kami at sa isang beach namin napiling mag-reunite.
"Parating na rin sya," I answered.
"Don't you have a plan to marry? Kasi halos lahat kami rito kasal na, ikaw na lang ang hindi pa," biro pa nya kaya natawa ako.
"May balak naman ako, pero darating din kami ni Kelvin dyan."
"Nako ha, 'wag nyo nang patagalin, 3 years na rin naman kayo. You two should settle down. Kami ng asawa ko, 1 year lang kaming magkarelasyon, and then nag-propose na sya agad, hanggang ngayon kami pa rin."
"Don't worry, magugulat ka na lang isang araw, nagbibigay na ako ng invitation ng kasal namin," I smiled and nodded.
Saktong tumawag si Kelvin kaya ini-excuse ko muna ang sarili ko para sagutin ang tawag.
"Where are you?" tanong nya sa kabilang linya.
"Ako na lang ang pupunta sayo, where are you?"
"At the entrance." Pinatay ko ang tawag at pinuntahan agad sya.
"Hi!" I greeted him and excitedly run towards him like a kid.
He laughed and open his hands for a hug.
"Did you missed me that much?" he said while chuckling. Kung yakapin ko kasi sya ay parang isang buwan kaming hindi nagkita.
I looked at him and pouted. He pinch my cheek and kissed me quickly. Nagulat pa ako pero kalaunan ay natawa.
"Let's go to our suite. Gagawa tayo ng baby mamaya," I cracked a joked which made him laughed.
Nakita tuloy ng lahat kung gaano sya kagwapo. But well, hanggang tingin lang naman sila.
Nakisali ako sa volleyball na laro nang matapos naming dalhin ang gamit ni Kelvin sa suite. He's wearing a trunks and a sando. Nakisama naman sya sa mga lalaking batchmate ko.
"Ang pogi ng boyfriend mo, Sofia."
"Oo nga, saang lupalop mo nabingwit 'yan?"
"Actually, sa dagat," pamimilosopo ko na tinawanan lang nila.
"Bantayan mong maigi 'yang boyfriend mo, dahil alam mo na, uso ang cheating sa panahon natin ngayon," pangaral ng isa.
"Kampante akong hindi nya magagawa 'yon." I smiled.
"Sus, hindi mo rin masasabi."
"Let's see then," hamon ko at nagkibit ng balikat.
I know my man, hindi nya magagawa 'yon.
"Look, 'yong babaeng kanina pa nakatingin sa boyfriend mo, lumapit na," si Karen habang nginunguso si Kelvin kausap ang babae.
Mahinhing tumawa ang babae habang nakatakip sa bibig.