The End of the Word 'US'

73 5 0
                                    

They say, "everything that makes you happy comes with pain."

I didn't know that you'll give me pain after making me so much happy. I wasn't ready to say goodbye after so many years of US being together. You know my weakness and my worst fear... It's being abandoned. But you used it against me.

I remember the first time we saw each other. I was in the jeep, papuntang school. Inilabas ko ng bahagya ang ulo ko para makita ang langit at maamoy ang sariwang simoy ng hangin.

Ipinikit ko saglit ang mga mata ko para mas lalo itong madama. I smiled as the wind touches my face. Panandalian akong kumalma. Iminulat ko ang mata nang may bumusinang sasakyan sa harapan.

My brows furrowed as I glance at the man inside the backseat of a car. He efforlessly put his head out of the window to look at me.

His face is the real definition of beauty. His eyes glinted and a smile appeared on his lips, causing me to be left dumbfounded.

Para sa akin ba talaga 'yon o assuming lang talaga ako?

Nagkibit ako ng balikat at ipinasok na lamang ang ulo sa loob ng jeep. Sakto namang nag-pop-up ang message ng kaibigan ko.

"Bayaran na naman ng boarding house. May pera ka na ba?"

I blew a loud breath and type my reply. Bago ko pa man mai-send ang sasabihin ko ay nagchat na ulit sya.

"Kung wala pa, ako na muna. Bayaran mo nalang ulit ako kapag nakasahod kana sa part time job."

Paano kung hindi ko sya naging kaibigan? Sino ang tatakbuhan ko kapag walang wala na ako? Wala namang ibang nagpapaaral sa akin kundi ang sarili ko. Wala akong aasahang magulang dahil bata pa lamang ako ay maaga na nila akong iniwan sa bahay ampunan. I don't know them, at ayoko rin silang kilalanin. Whatever their reason is valid man o hindi ay hindi ko pa rin sila kikilalanin.

"Thank you, April." I sent it to her.

"Kuya, para po," bahagya kong sigaw nang tumapat sa school ang jeep.

Pagbaba ko ay may sumalubong sa akin.

"Hi! Try to smile like this please?" wika nya at ngumiti ng abot tenga.

"Excuse me?" kunot noo kong sabi. Gulat at nawiwirduhan sa kanya. Sya yata iyong lalaki sa kotse kanina.

Same university rin kami na pinapasukan? I see, he's in Engineering department.

"You look more prettier when you smile," he said, cheerful. Nagulat ako nang kunin nya ang ID ko at pinakatitigan.

Kinuha ko agad 'yon at sinamaan sya ng tingin.

"Miss Krystal Diego from Tourism department, where is Dora?" Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

Ano raw?

He chuckled and clapped his hand. "Hindi nya nakuha," rinig kong bulong nya at pasimpleng nagkamot sa batok.

"I'll see you again, I hope next time you smile like this again," naiwan ako roong nakanganga nang kumaripas sya ng takbo.

Napailing ako at bahagyang ngumiti. Ibang klase. Muka ba akong problemado kaya pinapangiti nya ako?

Pagtapos ng klase ay dumiretso na agad ako para magtrabaho. Mag-aalas dose na nang makauwi ako sa boarding. I massage my nape as I enter the room. Humilata agad ako at hinila ng antok.

Tanghali na ako nagising kinaumagahan dahil sa pagod at puyat. Naligo na ako at nagsimulang magbihis. Matapos kong mag-ayos ay nagpunta ako sa third floor which is room ng mga lalaki.

A not-so-happily ever after... Where stories live. Discover now