"Allefer, if you are given a chance to fall for someone, who would it be?" asked by my bestfriend, Xyrus.
Inilihis ko ang tingin sa kanya at kunwaring nag-isip.
"Ano bang klaseng tanong 'yan?" I said, uneasy. Because if I were to choose, I'll choose him, over and over.
"Wala lang, gusto ko lang malaman. Pansin ko kasing wala kang kinukwento tungkol sa mga lalaking nagugustuhan mo."
"Wala naman kasi akong ikukwento. It means, wala akong gusto."
"Talaga? Ang dami kayang nagkakagusto sayo. Wala kang type sa kanila?" nakangiti pa ring tanong nya.
Ngumiwi ako. "Kailan pa ako nagkainteres sa kanila aber?" Nagtaas ako ng kilay.
"Ako siguro gusto mo ano?" taas noong hula nya.
Nabilaukan ako sa iniinom na tubig kaya binatukan ko sya.
"Aray! Ang defensive mo naman. Joke lang. Masyado kang seryoso, easy lang." Ginulo nya ang buhok ko.
I blew a loud breathe nang hindi na nya ako tinignan.
"Ikaw, if you are given a chance to fall for someone, who would it be?" I reverse the situation.
"Syempre si Charlotte." I knew it. Hindi ko nalang sana binalik ang tanong.
"Ba't hindi mo pa ligawan?" masungit na tanong ko.
"Ayoko nga. Biro lang naman ang tanong, hindi ko naman tototohanin. If I were given a chance lang naman 'di ba?" Inilingan nya ako.
"But you like her." Unti-unting lumawak ang ngiti nya.
"Ye–" Bago pa nya maituloy ang sasabihin ay sinalpakan ko na ng kanin ang bibig nya.
I smirked and rolled my eyes at him. Buong araw ay masama ang loob ko at wala sa mood makipag-asaran sa kanya dahil don. Because I'm jealous.
Alam nyo 'yung tipong ang lapit-lapit nya lang, pero parang ang layo-layo nya, kaya hindi ko magawang aminin 'yung nararamdaman ko para sa kanya. Dahil una sa lahat, I don't want to ruin our friendship. I don't want to lose him. What if wala syang feelings sa akin? Mahirap naman na maging awkward ang sitwasyon sa pagitan namin dahil nabahiran na 'yon nang unrequited feelings. I won't do that.
It's unfair that you have a feelings for him but you chose to keep it for the sake of your friendship.
"Kain tayo sa labas." Pinuntahan nya ako sa bahay para yayain.
"Ikaw nalang tinatamad ako." Pero ang totoo ay gusto ko lang syang iwasan dahil nitong mga nakaraang araw ay napapalapit sya kay Charlotte.
"What's wrong? Noong nakaraang araw ka pa wala sa mood ah? May sakit ka ba?" Hinawakan nya ang noo ko para pakiramdaman kung mainit ba ako. Iritable kong tinanggal ang kamay nya.
"Wala. Umuwi kana nga," masungit ko pang sabi. Nang tignan ko sya ay agad akong naguilty dahil puno ng pag-aalala ang muka nya.
Iniwas ko agad ang tingin ko. "I-I'm fine," mahinahon kong sabi.
"Babalik ulit ako. May bibilhin lang." Bumuntong hininga ako at hinintay nga sya.
I reflected on what I acted a few days ago and until now.
Hindi ba't parang ang sama ko naman yata sa kanya? Parang ako na ang gumagawa ng paraan para magkalayo ang loob naming dalawa? He doesn't know my feelings for him kaya pwede akong magpanggap na parang wala lang kapag magkasama kami.
Dumating si Xyrus na may dalang dalawang plastic bag. Inilapag nya 'yon sa lamesa. May mga prutas don, chocolate at ice cream. Nagulat ako nang meron ding gamot para sa sakit ng puson.