Chapter 4

321 15 3
                                    

Her POV

"I'm... still not sure."

I heard him scoff at what I said after he asked me how to stop our wedding. I suddenly felt insulted.

Tumaas ang kilay ko at tinignan siya. "Bakit, ikaw? May naiisip ka ba?"

"Many." He then sipped his coffee.

Edi siya na ang matalino. Napasandal ulit ako kasabay ng paghigop sa aking frappe. I can see how Calihson lowkey watchec how I move.

I tilted my head so I could glance at Hailey and her friends' table. They are still busy chatting.

Hailey who was my cousin Zyke's ex-girlfriend, her bestfriend, Shiela, and Kylie were my schoolmates since junior high habang si Victoria naman ay nag-transfer last year sa MEFI, ang school na pinapasukan ko simula high school.

Magba-barkada silang apat. They were famous and cosidered as it-girls in the campus last year up until now. Aside from that, they are so active in terms of chika. Minsan, sila pa ang nagpapakalat ng mga 'yon kaya updated ang mga Montrivalleans sa mga nangyayari, even on the other schools. 

Since I'm a Monteverde, sikat ako sa loob at labas ng school, even in EUF, isang university malapit sa MEFI.

Kaya once na mahuli nila akong kasama ang lalaking 'to, this news will surely and quickly spread. Ayokong pag-usapan ng iba ang buhay ko, even my love life (kahit na madalas talaga akong makitang may kasamang lalaki), maliban sa mga achievements and beauty ko.

"Is it true that you're just eighteen?" I started the conversation.

Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya nang magtanong ako.

"Uh-uh...?"

Napangiwi ako. "Eww."

"What?" His forehead creased like he was a bit insulted by what I said.

Pinatong ko ang frappe sa lamesa.

"Not you. Our age. I feel like I'm a... sugar mommy." Napa-iling ako sa mismong sinabi kahit na isang taon lang naman ang agwat naming dalawa, kung tutuusin ay apat na buwan lang talaga.

I was really stunned when I heard him chuckle. His voice was deep and a bit husky. Sa pagkakaalala ko, ito ang unang beses na marinig ko siyang tumawa. I don't remember him laughing way back when we were young.

"Tumawa ka ba?" I asked unbelievably. Kumurap-kurap pa ako habang nakatingin sa kanya.

His face is now in a serious look. Hindi siya nagsalita, nagkibit-balikat lang bago muling sumimsim sa kape.

"You should be in college right now. Bakit senior high pa rin? Tumigil ka?" Siya naman ang nagtanong.

Tumaas ang dalawang kilay ko. "Wow. You're interested in my life?"

His face remained the same. "Not really. I just asked that to make this more like a date, not a meeting about your plan."

I smiled sarcastically. "Hindi ako nag-stop. Nalate lang ng pasok."

I sipped on my frappe. Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy pa ako sa pagku-kuwento.

"As far as I remember, ayoko pa munang pumasok ng kinder dahil..." Nagkibit-balikat ako nang maalala ang dahilan. "Ayaw ko lang. Hindi ako pinilit nila Mommy kaya late na ako ng isang taon nang pumasok ako sa school."

"Spoiled," I heard him.

Tinaasan ko siya ng kilay at tinitigan. He just avoided my stare.

"I'm not," giit ko.

Back to Summer (High School Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon