Chapter 6

284 15 2
                                    

Her POV

Tinignan ko ang driver namin nang tumigil ang kotseng sinasakyan sa tapat ng bahay namin.

"Kuya Ed, 'wag mo nang ihatid 'to sa kanila. Sayang ang gas. Mahal pa naman ngayon," sabi ko sabay lingon ko si Jassrah. "Maglakad ka nalang."

"Ang damot mo talaga," busangot niya.

I only chuckled. Lumabas ako ng sasakyan na sinundan niya. Bago pa ako makapag-doorbell sa amin ay hinarangan na ako ng lalaki.

Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. Hawak ng isang kamay niya ang nakasakbit na strap ng kaniyang bag sa kanang balikat habang ang isa ay bahagyang hinilig sa bubong ng kotse namin.

"Pero nilalandi mo na nga si Dylan?" kumpronta niya.

My eyes narrowed at the seriousness of his voice. "What?"

"Ayaw mo talaga kay Cal?" Tinaasan niya rin ako ng isang kilay.

I slightly groaned. "Why do you keep insisting me on him?"

He sighed. "Ang sa akin lang kasi, bakit hindi mo siya i-try?"

"I tried, okay? Nag-date na kami," giit ko dahil totoong nangyari talaga iyon.

I heard him scoffed. "Hindi naman daw date 'yon."

"Huh?" Kumunot ang noo ko.

Umiling agad siya. "Wala! Basta, Calihson is the best guy I know."

"Because he's your best friend," I smiled sarcastically.

"Bahala ka nga. Basta, ayoko sa mga lalaking lalandiin mo."

Ako naman ang natawa ngayon. Wow, kailangan bang magustuhan niya ang mga lalandiin ko?

"I don't need your approval, 'cous."

"Bahala ka. Pagsisisihan mo 'to." At tinalikuran niya na ako.

Napa-awang naman ang bibig ko. Speechless, I watched him hold the other strap of his back before waving his hand without looking at me.

"Thanks for the ride! Matauhan ka sana!"

Napa-irap ako at hindi nakapagpigil na sumigaw din.

"Damn you! Magpa-enlist ka na para hindi ko na makita ang pagmumukha mo!"

Parang nag-echo ang boses ko sa buong subdivision namin. Gosh. Nakakahiya.

"Mong gwapo!" tuloy pa niya bago ako lingunin. "I already know that, 'cous!"

Ugh. I turned my back bago pumasok sa amin.

Nakita ko si Manang Lucile sa may kusina na naghuhugas habang ang dalawa pa naming kasambahay ay nasa likod, naglilinis ng pool.

Umakyat ako sa taas at doon nakita si Mommy sa may pajama lounge. She looked serious as she faced her iPad.

"Hi, My," I softly greeted her.

Nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa mukha niya bago ibaba ang iPad na hawak niya.

"Hi, honey," she smiled sweetly but not as sweet as her voice.

"Are you okay?" Tumabi ako sa kanya.

Nilipat niya sa kabilang side ang hawak niya at tumangong hinarap ako. "Yes... yeah."

Guilt filled inside me again. Alam kong medyo malungkot—no, malungkot talaga siya matapos ang nangyari noong Sunday. Maybe, she's trying but still can't accept that I don't want their plan to happen.

"How's school?" she then asked.

"Good like usual. Medyo busy ngayon since next week, examination na namin."

Back to Summer (High School Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon