Chapter 20

242 12 0
                                    

Her POV

"What the... hell are you two doing here?" bulalas ko nang makita ang dalawa kong pinsan.  

Jassrah on the driver seat of his gray car, and Nicole on the shotgun seat. Nakababa ang salamin sa puwesto ni Nicole kaya kitang-kita ko ang mapaglarong ngisi sa mga labi nila. 

"Ruining your honeymoon!" Nicole laughed.

Nanatili lang ako sa gate habang naramdaman ko sa aking likod si Calihson. Nang tignan ko siya ay nakita ko itong bahagyang nakabusangot dahil talagang sinira nila ang bakasyon naming dalawa.

Naunang bumaba si Nicole sa sasakyan at yumakap pa sa akin ngunit mas napagtuunan niya ng pansin ang bahay sa likod ko.

"Wow! Is this your beach house?" Nauna na siyang pumasok doon.

"Hey, Cal!" Jassrah smirked at him.

I didn't saw Calihson's reaction dahil nakatalikod ito sa akin, nakaharap sa pinsan ko. Tumawa si Jassrah at tumingin sa kabuuan ng bahay.

He sighed happily, "Ahh. Memories bring back talaga." 

Nagkatinginan kami ni Calihson nang pumasok na rin ang lalaki sa loob. I frowned and he only smiled in dismay while slightly shaking his head. Nilapitan niya ako at hinawakan ang aking kamay. We both got inside while holding each others' hand.

Naabutan namin si Jassrah na kinukutingting ang mga pinamili naming pagkain habang si Nicole ay naririnig kong nagsisigaw sa tuwa sa backyard. I sighed problematically. This isn't the vacation we planned.

Humiwalay ako kay Calihson upang puntahan ang babae sa labas. I saw her busy taking pictures near the infinity pool. Nakita niya ako at mas lalong lumawak ang ngisi. 

"Swimming na tayo, Franshey!" she excitedly exclaimed as she approached me. "Ang ganda ng dagat! OMG!"

Ngumisi ako pabalik at sinang-ayunan ang sinabi niya. We went back inside. Naabutan kong nilalagay ni Calihson ang grocery na pinamili namin habang si Jassrah ay nilalantakan na ang isang malaking sitsirya. 

Kinuha ni Nicole ang bag na dala niya at muling lumapit sa akin. Naramdaman ko naman ang pagsunod ng tingin ni Calihson sa akin.

"By the way, why are you here in Lucena?" tanong ko sa pinsan nang paakyat na kami.

"Nung sabihin sa 'ming may academic break, ikaw agad ang unang naisip ko. Sabi ko, 'bakit hindi ko kaya i-surprise 'yung babaeng 'yon.' So I decided to visit you. Boring kasi sa bahay," she then smirked. "But I didn't know you also have a vacation with your fiancé."

I chuckled with her, "He's my boyfriend."

Binuksan ko ang pinto ng kwarto kung saan ako palaging natutulog noon. I'm planning to sleep here this time again. I put my beige luggage on my bed and started finding what I'm going to wear.

Umupo naman siya sa dulo ng kama ko, "Jassrah told me everything about you and your hot boyfriend." 

"Bakit pala kayo magkasama kanina?" tanong ko naman nang maalala.

Her lips twitched, parang kinikilig. Ah! I forgot she has a crush on him. Bad and ugly choice, cous'.

"Nakasalubong ko siya pagdating ko sa bahay niyo. Sinabi niya, wala ka raw do'n. Tapos inaya niya akong sumama sa kanya, alam niya raw kasi kung nasa'n kayo. Kaya ayun," nagkibit-balikiat siya, bahagyang pinipigilan ang ngiti.

"Stop crushing on him," pigil ko na agad.

Natawa siya. "Bakit? Gwapo ang pinsan mo, ah? And very hot! My gosh!" 

Back to Summer (High School Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon