Chapter 19

223 14 0
                                    

Her POV

We planned what we would be going to do the whole week as our mini-vacation that same day kahit na Wednesday palang naman. We were both excited for next week that was why we thought, everything went smoothly between us.

"Boyfriend mo si Calihson Ferrer, 'di ba? 'Yung Elordean?"

"Yes, why?" ngiting tanong ko sa mga ka-batchmates kong sina Ivy at Aye nang maka-table ko sila habang kumakain ng lunch sa canteen.

"Pumunta kasi kami sa EUF kahapon, nakita namin siya. May kasamang babae sa table. Akala nga namin nung una, girlfriend niya," sagot ni Aye na nagpataas ng kaliwang kilay ko.

Babae? Who the hell is that girl?

"Kilala mo?" muling tanong ni Aye.

"Hindi," Kumunot ang noo ko.

Tumingin si Ivy kay Aye bago sa akin. "Talaga? Mukha kasi silang close. Nagtatawanan pa."

Tumaas na rin ang kabilang kilay ko. Nagtatawanan? Calihson was laughing with a girl? That's absurd.

"Anong itsura? Maganda?" Hindi ko na napigilan.

Narinig ko ang pagtawa ng katabi ko. I glared at Zyke. Mukhang hindi naman naririnig nila Jassrah ang pinag-uusapan naming tatlo dahil kausap niya ngayon si Katrinah.

As usual, Vinaux wasn't here with us, nandoon sa girlfriend niyang si Shayne. They got back together na nga pala. Katabi naman ni Zyke sila Luke at ang mga pinsan niya.

Napabaling ako kay Aye nang matawa ito.

"Tama lang. Matangkad, sexy tapos medyo mahinhin. Pero mas maganda ka pa rin."

Mahinhin? I remembered he liked shy girls before. Wait, is it Rhiann?

"Schoolmate niya?" agad kong tanong.

Ivy also chuckled like she already noticed the sudden change of my mood. "Naku, 'wag ka na masyadong mag-overthink. Mukhang hindi ka naman lolokohin nung Calihson."

"I know. I'm just curious. Naka-uniform ba?" paniniguro ko pa.

Please, 'wag si Rhiann. First love is the greatest insecurity and hardest opponent of girlfriends.

"Oo. Alam ko, candidate 'yun ng Miss Elorde. Parang pamilyar 'yung mukha, eh."

I sighed in relief but still curious and... a bit jealous. No, I am really jealous. Sinong hindi magseselos kapag nalaman mong nakikipagtawanan ang boyfriend mo sa ibang babae habang tuwing magkasama kayo, madalang lang siyang tumawa. Goodness!

That maybe the reason why I couldn't focus on our afternoon subjects. Dagdag pa na hindi siya nakatawag sa akin kanina dahil medyo busy daw siya.

Ano, busy sa pakikipagtawanan? Nangalay 'yung bibig kaya hindi nakatawag? Fucking yes, I'm now being a clingy person. Sinanay niya, eh! Damn him.

"Oh, anong mukha 'yan?"

Tamad akong nag-angat ng tingin kay Yvan, magka-krus ang dalawang brasong nakapatong sa kahoy na lamesa.

Nandito kami ngayon sa bagong tayong food park sa likod lang ng campus namin. Tinatamad nga akong sumama nang mag-aya si Jonathan, pero dahil minsan lang siyang manlibre, sinulit ko na.

My cousins and the Salvadors are busy looking around while my mind is busy overthinking about Calihson and that girl.

I chatted him earlier to come here but he replied he couldn't since they need to finish something in the school. Naiintindihan ko naman na talagang busy ang pagiging college student, pero nagiging sarado ang isip ko dahil sa narinig ko kanina kila Ivy.

Back to Summer (High School Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon