72

109 8 2
                                    

Amara

"Do you figure out now?" Abigail keeps jumping to conclusions. "No, wala akong balak alamin iyon, Abi," I said. "Are you scared to find out the real situation?" she asked. "Maybe yes, maybe no. Hindi naman iyon eh, we just met online. Maybe Hunter was different from that asshole man pero ayoko pa din," paliwanag ko. 

"You're scared to retake a risk?" she asked. 

Nandito kami sa hallway, si Arabella naman ay nasa library dahil may kukunin lang daw siya pero susunod siya sa amin papuntang room. "Hindi ko alam pero ayoko pa," I said. "Ayaw mo kasi naduduwag ka. Natatakot kang mag-take a risk," she pointed out. 

"Try to meet him," she added. "Ayoko, okay na ako dito," saad ko. "Paano mo malalaman ang totoo kung ikaw mismo ang may ayaw," saad niya. Napa-iling na lang ako sa kaniya at hindi na pinansin ang sinabi niya. 

Maybe I was scared to take a risk again. Masisisi niyo ba ako? I was once risking for love for the wrong man pero it didn't turn out so well. It's been 3 years pero ang sakit pa din no'n. He cheated. Akala ko kasi mahal ako pero hindi pala. Pinag-laruan ako, Dreb and his friends made a bet. Isa ako sa mga nabiktima tangina nila. 

"Why don't you meet him kasi? Para malaman mo kung masamang tao or hindi si Hunter," pangungulit ni Abi. "Abi, hindi ko kayang mag-aksaya ng panahon para lang makipag-meet up sa kaniya saka hindi din siya nag-iinsist. Ayokong mag-first move. Kung interesado talaga siya sa akin sana una pa lang nag-usap kami, mag-aaya na iyan ng meet up pero hindi naman 'di ba? Hahayaan ko siya Abi, ayokong ipilit sarili ko sa kaniya Abi," paliwanag ko sa kaniya. 

"Sabagay may point ka naman," saad niya ng ma-realize niya ang sinabi ko. "Pero both of you are still talking pa din naman 'di ba?" she asked. "Oo, minsan na-iinboxed ko na dahil sa dami ko ng ginagawa," saad ko. "Siguro mag-usap muna kayo ng mas matagal tapos kapag umabot ng one month or two months, makipag-meet ka na para makilatis na natin si Hunter," she suggest. 

Natawa na lang ako sa kaniya. Kahit kailan talaga 'to hindi siya susuko na hindi i-point out ang gusto niyang sabihin. 

Ngunit habang tumatagal ang aming pag-uusap ni Hunter, doon ko na-rerealize na gumagaan na talaga ang presensiya niya. It feels a comfort zone...a haven. 

And it makes me scared more...natatakot ako na baka masaktan ko siya. 

The next two weeks. Naging ganoon lang ang cycle namin ni Hunter. We continue what we are doing. Nag-uusap pa din kami kapag hindi ako busy or hindi siya busy balita ko kasi patapos na ang finals nila while me? Ito halos dumugo na ang utak ko sa anatomy. 

"Bakit ba kasi tayo nag-nursing eh!" singhal ni Arabella. "Eh bakit niyo kasi ako sinundan?" natatawa kong sambit. "Kasi ayaw namin mahiwalay sa'yo kasi mahal ka namin," mapang-asar na sambit ni Arabella. 

That's true, sinundan nila ako dito sa nursing sa pag-aakalang kaya nila ang kursong ito but infairness dean's lister din sila gaya ko. "Konting tiis na lang naman eh, internship na natin sa isang buwan tapos graduating na din. Huwag na muna kayo suminghal diyan," natatawa kong sambit sa kanila. 

"Ginusto naman natin 'to 'di ba, Abi? Papanindigan natin 'to hanggang dulo," sambit ni Arabella kay Abigail. "Kaya ko naman talaga Ara, ikaw lang hindi," pang-aasar ni Abi. "Hindi mo sure," pang-aasar niya pabalik kay Abi. 

"Huwag na kayo mag-talo pareho kayong hindi matatapos sa pag-rereview," pag-awat ko sa kanilang dalawa baka mamaya mag-sabunutan pa sila pero alam kong hindi iyon mang-yayare. "Nakakapagod din pala mag-aral na lang ng mag-aral," singhal ni Abi, natawa naman ako sa kaniya. "Kailangan mong mag-aral para maging rich tita tayo soon," I joked. "Ay bet ko iyan," natatawang sambit niya. 

All we do for the whole 2 weeks ay mag-aral ng mag-aral hanggang sa makuha namin ang topic sa lesson namin. Ewan ko ba bakit ko napili ang nursing? Hindi ko naman 'to talaga ang pinaka-want ko pero gusto kong subukan ang mga pinakaka-takutan ko, iyon ang nursing. 

Takot ako sa dugo pero ito...hinarap ko ang mga fears ko. Nilabanan ko dahil sa kagustuhan kong makatulong sa mga taong may mga sakit. 

Gaya nga ng kasabihan "The brave man is not he who does not feel afraid, but he who conquers that fear." Courage is a decision that we may make over fear. Being brave does not imply that we are not terrified. Being brave implies we are frightened yet you choose to confront our anxieties and take a step forward.

Labanan mo ang lahat ng fears na mayroon ka kasi kung magpapakulong ka, habang buhay ka na lang kakainin ng mga takot mo. 

Be brave and face all your fears. 

Admiring AmaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon