115

136 5 3
                                    

Amara

"Are you nervous?" Hunter asked while we were on our way to his house. Sinundo niya ako kasi mapilit siya.

No'ng nalaman ng magulang ko at ng mga kaibigan ko ang tungkol sa amin ay labis silang natuwa. Akala ko nga magagalit sila Mommy pero sabi nga nila may sarili na akong pag-iisip.

Hindi habang buhay de-depende ako sa mga desisyon nila, dapat daw matuto na akong magdesisyon para sa sarili ko.

At ito na nga, ito 'yung desisyon na hinding hindi ko pagsisihan hanggang dulo. Ang mahalin si Hunter.

"Bakit ako kakabahan? Unless? Nangangain sila ng buhay?" I was trying to lighten up the atmosphere. He burst a laugh because of my corny joke.

"Hindi naman bampira magulang ko grabe ka naman, Mahal," he lifted his gazed on me.

"Tumingin ka sa daan huwag sa akin," sambit ko. Natawa naman siya at tumingin na sa daan.

Mga ilang minuto ang nakalipas ay dumating na din kami sa bahay nila. Maganda ang kanilang bahay, simple pero elegant tignan. May 3 floor ito sa loob.

"Hindi mo man lang ako na-inform na ganito pala kayo kayaman," I said. "Hindi naman, sadyang pinag-hirapan lang ni Daddy na ipundar iyan galing sa sarili niyang pera," he said.

My mouth formed into 'o' dahil sa natuklasan ko. Ano kaya nangyare?

Did his family doesn't have a good relationship with their relatives?

"Let's go, naghihintay na sila Daddy," saad niya. He grabbed me on my waist. Nag-tungo na kami sa main door at napamangha ako sa ganda ng bahay nila sa loob.

"Oh nandiyan na pala kayo Dave, tara na pasok na tayo," saad ng Ate niya. If I still remember isa 'tong flight stewardess. Mukhang nasa lahi talaga nila ang magaganda at guwapo.

"Oh by the way I'm Aaliyah Kaye Aranda, Hunter's elder sister," she introduced herself to me. Minsan na din siyang na-kwento ni Hunter sa akin. "Just call me Ate Liya," she said.

"Hello po, I'm Amara Seah Collins, just call me Amara or Seah kung saan po kayo comfortable," I even introduced myself.

"Tara na sa dine in table," aya niya sa amin. Sumunod naman kami, nakita ko doon ang mommy at daddy niya, mga tancha ko ay mga nasa mid 50s nila sila? Hindi ko alam.

"M-magandang umaga po," magalang na pagbati ko. "Magandang umaga din iha," his mother greeted me back. "Magandang umaga din sa iyo, Iha," his father greeted me also.

Pinaupo na nila kami. I didn't even know why I suddenly felt nervous around them.

"So let's eat then?" his mom asked. We all agreed. Napansin siguro ni Hunter na nanginginig ako kaya naman siya na ang naglagay ng mga pagkain sa plato ko.

Nagsimula na kaming kumain pero tahimik lang at ni-isa ay walang nag-sasalita, hindi ko alam kung ganito ba sila or dahil nandito ako?

"I heard that you've graduated in nursing?" his father broke the silence between them and us. "Yes, Sir, I am currently waiting for the result of my board exam," I said.

"What's your family business Iha?" his mother asked. "Mom," suway ni Ate Liya, "Why? I was just asking?" his mother raised her brows. "Uhm, they own a firm po which is Collins Firm for Public Lawyers," I said.

"Oh, your parents are a lawyer?" she asked. "Yes po," I answered politely.

"Let's end this, I don't even want you from my son," his Mother said. Agad naman ako napayuko. "Mom!" Ate Liyah yelled. "What?! You know that I hate lawyers!" his mom yelled back. "Sana naman binigyan niyo ng respeto si Amara!" galit na sambit ni Ate Liya.

Si Hunter ay naka-yukom na ang mga kamay, anytime ay gusto na niyang ilabas lahat ng sama ng loob niya.

Ngunit bago niya pa gawin iyon iyon ay inunahan ko na siya. "I-i'm sorry for the disturbance Ma'am and Sir, I have to go and thank you for the food," malamig kong sambit.

Hindi ko na hinintay si Hunter at nag-dire-direcho na lang ako palabas ng village nila.

Akala ko ba mabait parents niya? Bakit naman ganoon sila sa akin at sa magulang ko? Wala naman kaming tinatapakan tao? Pinaglalaban lang ng magulang ko ang tama para sa bayan at bawat mamamayan.

Sunod sunod ang tunog ng aking cellphone kaya naman naisipan ko ng i-shut down iyon.

Sabi ko, kahit anong mangyare hindi ko iiwan si Hunter pero bakit mismong tadhana ang naglalayo sa amin dalawa?

Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon basta ang mahalaga ay nakalayo ako doon.

Nagsisimula pa lang kayo Amara biglang kang sumuko dahil lang sa magulang niya?

Bakit na lang ba ako laging pinag-lalaruan ng tadhana? Kailan ba ako titigilan ng ganito? Hindi ko naman alam na hahantong sa ganito.

Wala pang isang buwan pero ganito na inabot namin. Paano naman kung magtagal pa kami? Baka mas lalo lang sumakit ang nararamdaman ko.

Baka mas lalo lang kaming mahirapan na pakawalan ang isa't-isa. Mukhang hindi nga kami ang para sa isa't-isa.

Hindi ko namalayan na may luha na palang dumadaloy sa aking mukha. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng takot ko. Hindi ko alam kung kailan ko matatahak ang tamang daan para sa aming dalawa.

Hindi ko kung hanggang kailan na lang kaming dalawa, o magwawakas na ba ang aming kwento kahit nagsisimula pa lamang ito.

Admiring AmaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon