88

89 5 5
                                    

Hunter

After 3 months, naging tuloy-tuloy na ang pag-uusap namin.

Masaya ako dahil mali ang iniisip nila kay Amara.

Alam ko naman na hindi talaga ganoon si Amara. At alam ko din na may past trauma siya dahil sa past relationship niya.

Ang gago nga no'ng lalaki eh, ginagago 'yung taong handa siyang mahalin ng buo. Tanginang pustahan iyan.

"Tangina inspired 'yarn?" pang-aasar ni Nathan. Napa-iling na lang ako sa kaniya. "Tangina nito, minsan na nga lang ako ganahan mag-laro, eepal ka pa," singhal ko sa kaniya. Natawa naman siya sa sinambit ko at napa-iling na lang.

"Ilang buwan na ulit kayo nag-uusap?" Flynn asked. "3 months na," sagot ko.

"Tagal na pala, ilang beses na ulit nagkikita?" he asked again. "3 or 4 times na," I said.

"Naks, kilala mo na ba ng lubusan?" Nathan asked. "Hindi pa, inu-unti unti ko," saad ko. "Naks ayaw talagang mag-madali," natatawang sambit ni Nathan.

"Ayokong magmadali pagdating sa love...love takes time," I said.

"You're right," Flynn said. Hindi ko na siya sinagot at nag-patuloy na lang sa pag-lalaro. Tapos na kasi ang exam namin at bakasyon na pero kailangan ko na mag-earn ng hours para makalipad na ako at makakuha ng lisensiya.

Graduate na din kami nila pare-pareho kami nag-eearn ng hours para makakuha na kami ng lisensiya.

Nag-apply kami sa Air Asia at natanggap din naman kami agad. Si Amara naman bumalik na ulit sa pag-susulat after a long hiatus na akala namin ay maiksi lang.

Nag-rereview na din siya for the upcoming board exam. Alam ko naman na makakaya niya iyon. Matalino siya hindi ako nagtaka why she graduated with latin honors.

Same as mine. Graduate din ako ng latin honors.

Naks, same goals, and vibes.

Nang matapos naman na kami mag-laro, napag-desis'syunan ko ulit ayain si Amara na kumain sa labas.

Pumayag naman siya. Mamaya din ay mag-kikita na kami.

"Did you miss me? To the fact na inaya mo ulit ako makipag-kita ulit?" a smirk formed in her lips. "Oo tama ka naman diyan," gumanti ako sa kaniya.

Sinabi ko din sa kaniya na samahan ko na din siyang mag-review, dinala naman niya ang tatlong libro na kasing kapal ng mukha ko.

"What the?! Ang kakapal naman niyan? Babasahin mo iyan talaga?" saad ko. "Oo eh, kailangan. Ito kasi nirecommend no'ng mga instructor ko na ito ang bilhin na mga libro," she said.

At wow...nasa kalahati na niya iyon. She was a fast learner naman pala. Pagkatapos namin kumain, inaya ko siya sa starbucks para doon na lang siya mag-review. Payapa naman doon kaya hindi na siya tumanggi.

Mukha kasing kailangan niya ng payapa sa pag-aaral. Umorder na lang ako ng pagkain at kape namin dalawa at sinamahan na siya doon mag-review.

Kapag may need naman siya sa akin ay tinutulungan ko siya para mapadali na lang lahat sa kaniya.

"Kung mag-na-nurse pala ako hindi ko kakayanin, baka ako pa maging pasyente," natatawa kong sambit. "Well hell yes, hindi mo talaga kakayanin kasi madaming readings at may mga kailangan ka pang kabisaduhin na parts ng body," natatawa kong sambit.

"Sabi ko nga magiging pasyente mo na lang ako," natatawa kong saad. "Subukan mo lang kasi madamimg syringe ang ituturok ko sa iyo," pananakot ko. "Ay huwag na pala, gusto ko pala ng healthy living life," biglang bawi.

Humagalpak naman siya ng tawa dahil sa sinabi ko. "Ewan ko sa iyo, Hunter. Mag-rereview lang ako sandali tapos kwentuhan tayo after?" she suggested.

"Sure, take your time. Sabihan mo lang ako kapag may kailangan ka," I smiled. She nod.

Pinagmasdan ko lang siya ang ganda niya talaga. I took out my phone at sumegway ako para pikchuran siya.

I posted it on my Instagram

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I posted it on my Instagram. I want to flex her.

Comments:

@AbiRamirez
Naks naman haba ng hair ni @SeahCollins

@Arabella_Cia
Kailangan ba kapag mag-rereview by pair na din?🤡

@NathanNuevo
Kaya pala biglang nawala, may date pala.🤨🤨🤨

@FlyFaj
HAHAHAHAHAHA baka ikaw maging unang pasyente ni Amara. 😆

Natawa na lang ako sa mga comments ng mga kaibigan namin. Wala pa din akong alam kung ano nga ba talaga kami.

Wala din naman aking balak tanungin siya dahil ayoko din naman siya ma-pressure.

Tinatawag-tawag naman niya ako kapag may need siya. Ayoko din naman kasi siyang mabigatan saga nirereview niya. Kahit papaano mah alam din naman ako. Ano pa silbi ng science kung hindi ko rin naman ma-apply sa future. Joke.

"Tapos na!" masiglang sambit niya. "Kwentuhan na tayo," dagdag niya. "Sige," I smiled. "Kwento ka...about your life...mga pinag-daanan mo, ready akong makinig," she said.

Mukhang gusto niya talagang mag-usap kami ng matagal pa. Nag-kwento naman ako about sa buhay na mayroon ako at mga past experience ko.

Nang masabi ko iyon sa kaniya gumaan naman pakiramdam ko kasi feel ko need ko talaga siya i-vent out.

Si Amara ang patunay na kahit anong estado mo sa buhay tatanggapin ka pa din niya. Kung ano mayroon ka. Hindi ka niya i-jajudge.

Habang tumatagal mas lalong lumalalim nararamdaman ko sa kaniya at natatakot ako.

Admiring AmaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon