Hunter
"Look what you've done, Margaret. Pinahiya mo 'yung bata! Sana hindi ka na lang pumayag na dalhin dito ni Dave 'yung girlfriend niya kung ganiyang ugali ang ipapakita mo!" galit na sambit ni Daddy kay Mommy.
"So it is really my fault now, Messiah? Kasalanan ko bang siya 'yung anak no'ng kinamumuhian ko noon pa!" saad ni Mommy.
I lifted my face to see them. "What do you mean, Mom?" I asked her. Agad naman natikom ang kaniyang bibig. "Dad, anong sinasabi ni Mommy na kinamumuhian niya ang magulang ni Amara?" gigil na tanong ko.
Nanatili silang hindi nag-salita. "Tangina! Hindi ba kayo sasagot? Mukha akong tanga dito! Huwag niyo akong gawin tanga," inis na sambit ko. "Lower your voice, Dave," baritonong sambit ni Daddy.
"Kumalma ka muna," Ate Liya trying to calm me down but I can't dahil naiipit na ako sa sitwasyon!
"Sabihin niyo sa akin kung ano ba talaga ang nangyayare! Kasing gulong gulo na ako...'yung girlfriend ko hindi ko masundan kasi may gusto akong malaman sa inyo pero ni-isa wala man lang kayo sinasabi sa akin," inis na sambit ko.
"Her Mom was your dad's first love, ex niya," Mom suddenly said. Pareho kaming nagulat ni Ate Liya sa nalaman namin. "So you're scared?" I bitterly chuckled. "Mom that was decades ago. Hindi pa din kayo maka-move on doon? Tangina, ano tawag mo sa amin? 'Di ba kami ni Ate Liya ang bunga ng inyong pag-mamahalan? Ano pa ba kinatatakot mo?" inis na tanong ko.
"Dahil hindi siya nababagay sa iyo!" Mom yelled. "At hindi ikaw Mommy ang mag-dedesisyon kung sino ang nararapat para sa akin," malamig kong sambit.
"How dare you to talked to me like that? Iyan ba tinuro sa iyo ng girlfriend mo? Asal hay—" "Don't you ever dare to talk to my girlfriend like that Mom," banta ko sa kaniya.
"Ayan! See? Ang laki ng pinagbago mo simula ng nakilala mo iyan baba—" "I said don't you ever talk to my girlfriend like that! Hindi niyo siya kilala! Wala kang alam! At kahit kailan hindi mo—" naramdaman kong ang kamay ni Mommy sa aking pisngi.
I sarcastically laughed. "I-i'm sorry, Son," she apologized. "All my life, Mom, kayo ang nagdesisyon para sa buhay ko. Hindi niyo ako hinayaan na magdesisyon ako para sa sarili ko. Naging sunod-sunuran ako sa inyo. Nagpaka-tanga ako para sa inyo. Sinunod ko lahat ng mga gusto niyo...pero ako? Kahit ito lang hindi niyo naibigay man lang sa akin. Hinarangan niyo ako sa kasiyahan ko. It was too suffocating, Mom and Dad. Naging buntot niyo kami ni Ate dahil lagi niyong sinasabi na para sa ikabubuti namin iyon pero ang toxic...sobrang nakakapagod na lagi ko na lang i-aadjust ang sarili ko para sa inyo. Hanggang ngayon ba naman...hahadlangan niyo pa din ako," I bitterly laughed.
"Try niyo din minsan magpaka-magulang sa amin," I said in a cold tone.
Umalis na ako sa harapan niya. "Where are you going?" Dad asked. "To find my girlfriend and cut my ties with all of you, nakaka-suka kayo," my heart aches.
After so many years, lumaban ako...para kay Amara. Mahal ko eh.
She off her phone kaya naman hindi ko alam kung saan siya nag-tungo.
Nag-sisisi ako na hinayaan ko siyang umalis. Kung hindi ko siya hinayaan baka hanggang kasama ko siya.
Where are you, love?
After 30 mins of finding her. Nakita ko siya sa isang park...malapit lang naman sa village namin.
Bumaba agad ako at pinuntahan siya.
"Love," I called her. Agad naman niyang inangat ang kaniya mukha...her precious eyes are swollen and it's my fucking fault.
"I'm sorry, Love. Natagalan ako..." sambit ko. Narinig ko naman ang kaniyang pag-hikbi.
"Shhh, tahan na...nandito na ako," I hugged her tight. "A-akala ko iiwan mo na ako," she cried.
Hinarap ko siya sa akin. Pinunasan ko ang mga kuha na dumapo sa kaniyan mukha.
"Love, that won't gonna happen. Wala akong balak iwanan ka kasi pinaghirapan kitang makuha tapos dahil lang doon ay iiwan kita? No way," I said.
"Pero 'yung parents mo...ayaw sa akin," she almost whispered it. "Hayaan natin sila Mahal. Sila din ang magdadala ng mga ginagawa nila. Hayaan mong mag-reflect sa kanila iyon," I said.
"Pero pamilya mo sila..." she said. "Ikaw na ang pamilya ko, Amara. Dahil sa iyo ko lang naramdaman ang magkaroon ng pamilya na masasandalan mo. Dahil sa iyo natuto akong lumaban at magdesisyon para sa sarili ko ng walang hinihinging opinyon. Sa iyo ko naramdaman ang pagmamahal na minsan ay hindi ko naramdaman sa magulang ko, ikaw 'yung handang makinig sa mga problema ko ng walang pagiging judgemental," I smiled.
She even cried more. "I'm sorry," I apologized. "Wala ka naman dapat ika-sorry...kasalanan ko din...nag-padala ako sa emosyon ko," saad niya.
"Your feelings are always valid, Mahal," I said.
"Walang susuko, Mahal. Pareho tayong lalaban laban sa magulong mundo," sambit ko. She nods.
"Mahal kita...palagi," she sweetly said. "Mahal din kita palagi," I answered.
May rason na ako para magpatuloy at lumaban. Siya ang nagtatanging ilaw sa madilim na daan na aking tinatahak.
Amara proves that love can conquer all your fears. Love can wait...love can be everywhere.
Amara is my greatest love.
Amara is the bravest girl and bestest girl I've ever known.
Amara Seah Collins is my life, everything, strength...my home.
Siya ang aking pahinga sa mundong magulo at nakapagod.
Amara Seah Collins, the girl I won't get tired of choosing every day.
"Mahal na mahal kita," she sweetly said. "Mas mahal kita," I kissed her forehead.
I will keep admiring her. I will keep chasing her.
Wala na akong hihilingin pa kung hindi ang makasama siya habang buhay. I won't get tired of loving her everyday.
The End
BINABASA MO ANG
Admiring Amara
Teen FictionCOMPLETED ₊❏❜ ⋮ Admiring Duology 1 ╰──╮ ◦•◦❥•◦ an Epistolary wherein; Amara Seah Collins's passion for writing a novel began when she was 21 and helped shape her into the person she is now. She struggled to find the motivation to write, so she decid...