Amara
Saturday came...our first meet-up.
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito like hello? First time ko po kasi ito kaya ganito na lang kaba ko. Nandito si Arabella and Abigail dahil gusto nila akong tulungan sa susuotin ko.
"Oh ano? Kinakabahan ka?" natatawang saad ni Abi. "Hindi ko maiwasan, what if he was bad guy?" I asked. Natawa naman sila ni Arabella. "Napaka-inosente mo talaga," halakhak ni Arabella. "Tulungan niyo na lang ako pumili ng disenteng damit, instead pag-tawanan niyo lang ako diyan. Akala ko ba tutulungan niyo ako?" mataray kong saad.
"Oo na tutulungan ka na nga eh," natatawang sambit ni Abigail.
Pumunta naman sila sa dressing room ko habang ako ay nag-aayos ng mukha ko. Marunong naman ako mag-make up kahit papaano. Kailangan kasi namin ito para hindi kami dugyot kapag naging nurse na kami.
Napagka-sunduan namin ni Hunter na mga bandang 12:00 PM na kami mag-meet sa MOA. Balak kasi namin kumain at manood sa cine.
"Oh ito beh, bagay sa'yo," Abigail suggested. I look at the dress called Byinns Women's Sweetheart Neckline Mini Dress Ditsy Floral Smocked High Waist Short Sleeve Drawstring Dress. I think this was the best dress I've ever bought. "Ayan bagay nga sa'yo iyan," Arabella agreed.
"Sige ito na lang suot ko," sabay kuha no'ng dress na pinili nilang dalawa para sa akin. Nang masuot ko ay tama nga sila bagay sa akin iyon dress. Pinartneran ko naman ng pair of white doll shoes.
"Oh ayan pak, first time ulit ng dress ng ganito si Amara, mabuti na lang ay inaya agad siya ni Hunter atleast nasuot niya na itong dress," natatawang sambit ni Abigail. "Baliw, nag-dedress naman ako kapag occassions lang," saad ko. "Kaya nga okasyon din naman pupuntahan mo, date nga lang," mapang-asar na sambit ni Arabella. "Hindi iyon date," I rolled up my eyes.
"But for us it your date," Abi winked. "Umalis na nga kayo, sinisira niyo lang gabi ko punyeta kayo," inis na pagtataboy ko sa kanila.
"Luh porket may ka-date ka lang pag-tatabuyan mo na kami?" mapang-asar na sambit ni Abi habang inaayos nila ang kanilang sarili dahil tapos na mission nila sa akin. "Hindi nga iyon date, kulit niyo naman," diin kong sambit. "Oh eh 'di hindi na date, madali lang naman kami kausap," Arabella and Abigal keep teasing me.
Buti wala pa dito sila Mom and Dad for sure pagtatawanan nila kami dito. "Oh siya, alis na nga kami baka sumabog ka pa. Hindi pa naman kayo nag-kikita," pag-papaalam ni Arabella. "'Ge bye," saad ko.
Nang maka-alis sila ay chinat ko na si Hunter na papunta na ako, ganoon din siya.
Nagpa-hatid na lang ako sa driver namin dahil tinatamad akong mag-drive ngayon. Papa-sundo na lang ako kapag uuwi na ako.
May part sa akin na nakakaramdam ako ng excitement. Hindi ko din alam bakit gusto ko na din siya makita.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na ako sa moa kaya naman chinat ko na siya na nandito na ako sa entrance ng Moa.
Nandito na din daw siya kaya naman dinaga na naman ang puso ko sa nerbyos na nararamdaman ko.
Habang nag-hihintay ako ay hindi ko maiwasan tumingin sa mga couple na dumadaan sa harapan ko. Sarap batuhin ng mga itlog.
Pasensiya na lang at bitter pa din ako ngayon. Nagulat naman ako dahil may tumatawag sa messenger ko sa ig. Siya pala iyon.
Sinagot ko naman ito.
Amara:
Hello?Bakit walang nag-sasalita sa kabilang linya?
"Gotcha," someone whispered in my ears. "Ay tukong hilaw!" gulat na sambit ko. "Cute mo naman magulat," it was him...I was too stunned to speak.
Hindi ko alam bakit umurong ang dila ko. He was like greek god sa sobrang gwapo! Tangina.
Kalma...kumalma ka Amara.
"Uh hi?" nag-aalangan saad ko. He chuckled swiftly. "It was nice seeing you, Amara," he smiled.
Nakakalusaw kung tutuusin ang titig niya sa akin.
Hindi naman ako na-inform na gwapo nga talaga 'tong si Hunter. Sinasabi din naman ng mga kaibigan ko pero hindi ko na lang pinapansin kasi hindi ko pa din siya kilala.
He was sent from God above. Lord, kung bibigyan niyo pa po ulit ako ng bagong trauma handang handa na po ako basta Hunter ang pangalan ng magbibigay ng trauma po sa akin.
"Tara na? Saan mo gustong kumain? It's my treat," he offered. "Uh...kahit saan mo gusto," I said.
I was too pre-occuppied. Hindi ko din alam sa sarili no bakit ko pa siya kinikilatis eh halata naman hindi siya gagawa ng ikakapahamak ko.
Pumasok na kami sa loob. Naisipan niyang kumain kami sa isang restaurant dito sa loob, hindi ko alam kung ano name no'n basta pumasok kami ng magulo ang utak ko.
"If you're thinking me, stop that. You might got distracted," he winked at tinawag na ang waiter.
Ang sarap mag-palamon sa lupa ng wala sa oras! Amara puro ka kahihiyan!
The picture of outfit of Amara:
BINABASA MO ANG
Admiring Amara
Teen FictionCOMPLETED ₊❏❜ ⋮ Admiring Duology 1 ╰──╮ ◦•◦❥•◦ an Epistolary wherein; Amara Seah Collins's passion for writing a novel began when she was 21 and helped shape her into the person she is now. She struggled to find the motivation to write, so she decid...