103

91 6 3
                                    

Amara

Nandito ako ngayon sa sala at hinihintay na lamang siyang dumating, hindi ko alam bakit ako kinakabahan ng malala ng ganito. Piste ka talaga Hunter!

"Oh 'nak saan ka pupunta?" Mom asked. Nandito sila ngayon dahil day off nila from stressed work. "Uhm, makikipagkita lang po kay Hunter, may pag-uusapan lang po kami," nahihiya kong sambit. 

"Makikipagkita nga lang ba talaga?" ramdam ko ang panunukso ni Mommy. "Mommy naman eh!" singhal ko. "Aw my baby girl are now a lady," natatawa niyang saad. "Mommy, dalaga naman po talaga ako. Hindi lang halata," natatawa kong saad. 

"Sigurado ka bang hindi mo boyfriend si Hunter?" nanunuksong sambit ni Mommy. "Mommy!" I bursted out. "Oo na, hindi na nga eh. Kung magiging boyfriend mo iyan. Boto kami ng Daddy mo," she winked at iniwanan na ako sa sala. 

Naramdaman ko naman ang pamumula ng aking mukha. Nakakahiya naman eh!

Maya-maya lang din ay nakarinig na ako ng busina ng sasakyan, hudyat na nandiyan na siya. Nag-paalam naman ako kila Mommy. 

Lumabas na ako at sumakay na siya shot gun seat. "Hi," he greeted me. "Hello, let's go na," I said. He nod and he drove the car. "Ano ba pag-uusapan natin? Kinakabahan naman ako sa'yo Lods eh," he broked the silence between us. 

"Basta, doon na lang," natatawa kong sambit. "Kung ano man iyan, Lods. Kinakabahan pa din ako kasi ang seryoso mo kanina doon sa chat eh," sambit niya. Napa-iling na lang ako sa kaniya. 

Mga ilang oras lang ay nakarating na din kami sa starbucks tagaytay. "Grabe, mag-uusap lang tayo pero dito sa tagaytay," natatawang sambit niya ng maka-baba kami. "Mas peaceful dito," saad ko. 

"Tungkol ba saan talaga ang pag-uusapan natin?" saad niya.  "O-order na muna ako," pag-iiba ko. Wala naman siyang nagawa dahil nagpunta na ako sa counter para orderin ang usual na iniinom namin. 

Dahil sa madalas namin pag-kikita ay kabisado ko na ang iniinom at favorite coffee niya. 

"Alam na alam mo talaga kung ano iniinom ko na kape," natatawa niyang sambit. Dito kami sa labas na kita ang taal pumuwesto dahil magandang tanawin ito kung tutuusin. 

"Oh tapos ka na umorder, sabihin mo na ang gusto mong sabihin kasi kanina pa ako hindi mapakali dito eh," he said. I let out soft chuckle. 

"Hunter...ano ba talaga tayo?" I asked, he was too stunned to speak...hindi ko alam kung anong gagawin ko. "I mean, 'yung mga ginagawa mo kasi ay hindi ginagawa ng mga pang-karaniwang magkaibigan lang, sana na-gegets mo ang pinupunto ko," I explained. "Kung ayaw mo pa naman sagutin, okay lang naman hindi kita bibiglain. I was just wondering kung ano nga ba talag╼" "Gusto kita," he suddenly cut what I say. 

Nagulat ako sa sinabi niya. "Gusto kita Amara, matagal na...simula noong nakita kita sa UAAP one time. You caught my attention. I even asked one of your close friend your account everything that are connected with you. Totoo itong sinasabi ko Amara. Nasa sa iyo na lang kung papaniwalaan mo ba ako or hindi, ngayon lang ako nabaliw ng ganito. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa akin para mabaliw ako sa iyo ng ganito. I was your first fan, ako ang unang nakabasa ng story mo. Hangang-hanga ako sa iyo...like super talented mo. Magaling sumayaw, magaling kumanta at magaling din mag-sulat ng nobela. Napa-hanga mo ako doon, Amara," he confessed. 

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Biglang nagkaroon ng zipper ang bibig ko. Just like him...I was too stunned to speak. 

"Crazy right? Hindi ko alam Amara, basta alam ko sa sarili ko na gusto kita...gustong gusto," he chuckled. "Kaya no'ng nag-reply ka na sa mga message ko, doon ako natuwa dahil ang tagal ko ng pinapangarap na maka-usap ka, kaya no'ng kinakausap mo na ako, sabi ko sa sarili ko na kilalanin kita...lahat ng flaws lahat ng about sa iyo aalamin ko kasi sa iyo lang nagkaroon ng interest," he said. "Madaming babae diyan na gustong gusto ako pero hindi ko makita ang sarili ko na magustuhan sila dahil sa iyo ako naka-focus...halos pag-tawanan na ako ng mga kaibigan ko kasi hindi nila inaakala na mababaliw ako ng ganito sa isang babae," he smiled. 

"Dapat sa anniversary mo bilang writer ako mag-coconfess pero ito na, napa-confess mo na ako ng wala sa oras," natatawa niyang sabi. 

"Gusto kita...gustong gusto Hunter," I confessed. Nagulat ako ng bigla niyan ma-ibuga ang kape na iniinom niya. Putangina talagang lalaki 'to, no'ng nag-confess siya hindi ko naman binuga ang kape ko.

"Ganiyan ka ba talaga magulat?" natatawa kong sambit. "Nang bibigla ka kasi," sabay punas niya ng tissue sa kaniyang bibig. "Nabigla din naman ako sa nalaman ko 'no pero hindi naman ako ganiyan," natatawa kong saad. "Magka-iba kasi iyon eh," singhal niya. 

"Ganoon din iyon, ikaw ha. Hindi ko alam na matagal mo na pala akong gusto," pang-aasar ko. "Aish! Huwag mo na ipa-alala ang cringe ko no'n," nahihiya niyang sambit. 

"So ano na? Gusto mo ako gusto din kita. Ano na susunod na gagawin natin?" tanong ko.

 "Liligawan kita," he said. "Hindi ako marunong manligaw sa chat kaya naman personally na kita liligawan para alam mo 'yung nararamdaman ko para sa'yo," paliwanag niya. "Kahit huwag ka na manligaw," saad ko. "Mas maganda kung liligawan kita. Pag-hihirapan kitang makuha, Amara. Hanggang sa makuha 'yung 'oo' mo, hihintayin kita kahit gaano pa katagal iyan," he said. 

I guess I got the real man. Maybe he was the one who send from above. Baka siya na...baka siya na 'yung taong makakapag-pabago sa pananaw ko sa pagmamahal. 

Admiring AmaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon